CHAPTER 27

46 3 0
                                        

"Bakit kaya ang malas ng Christmas ko ngayon, nyeta" saad ko habang pinalo ang shuttlecock papunta kina Aico at LV

"Tama din si Yuan, minsan nalang din naman tayo magkasama kaya sulitin nalang. Besides, after this kaylangan namin balikan ang business eh" saysay nito na nasa tabi ko na pinalo din pabalik ang shuttle sa dalawa.

"gets ko naman, pero hindi ako makapaniwala kay kuya. Ang rupok, hindi man lang nagpakipot para sa ginawa satin at pinatawad talaga agad nung nakita sa Hawaii? bakit? binili ba sha nang barko duon? tsk." pagdadabog ko, ngunit ngiti lang ang nakuha ko

"ayoko siyang makita" saad ko

"sanayin mo na ang sarili mo, teammates na kayo diba?" Nung ma realize ko na tama ang sinabi niya at nang makita ko na papalapit sa akin ang shuttle ay humugot ako ng sapat na lakas upang paluin ito. Dahil sa lakas at bilis ng pagkakapalo ay hindi na napansin ni Lewis na papalapit na pala sa kanya ang shuttle dahil sa kakatawa.

Tumama ito sa ilong niya. Dinamdam niya ng mabuti ang sakit nito na nakaupo na siya sa sahig

Dahil dito ay nilapitan nalang namin siya ni Jelai

"Okay ka lang? hina mo par" nang-aasar na saad ko

"Kala ko laro lang Roni, sakit sobra. Kasalanan mo to Aico kung hindi mo lang ginagawa kung paano sumayaw si Roni eh" sabi niya habang hawak hawak ang ilong

"ahhh ganon" saad ko na aambahan sila ng suntok

"Let's get going na din siguro, malapit na mag 4" saad ni Jelai

"Tara, tayo ka na jan gar" saad ni Aico kay LV na tinatawanan pa

Tinulungan niya itong makatayo ngunit hindi pa rin ito nakaligtas sa kanyang pang-aasar

"pre original ba yang ilong mo? bakit naging tabinggi na?" natatawang saad ni Aico sa kanya ngunit hindi na siya pinatulan ni LV dahil sa sakit at binigyan nalang ng pekeng ngiti

Nang naglakad kami ay biglang naalala ni Jelai ang gagawin mamaya

"saka pala guys, drop by later sa house ha. Magbubunotan na kasi para sa exchange gifts" conyong saad niya sa amin at nagpaalam na uuna na papunta sa bahay niya

"Alam mo pare, ganyang-ganyan talaga ang type ko eh. Mga conyo" saad ni LV habang tinititigan si Jelai

"bobo, may boyfriend na nga yan diba" saad ni Aico

"Bakit? Kasing gwapo ko ba yung boyfriend niya?" tanong niya

"pre, mukha ka lang tuko sa boyfriend niyan" saad ni Aico na ikinatawa ko. Nakilala kasi niya si Junjun

"Pero saan nga ba nakatira si Ace?" Tanong ni Aico sa akin

"Borj. Borj ang itawag mo. Naririndi na ko kaka Ace mo. Saka pano ko naman malalaman?" malditang sabi ko

"Bakit ka galit? relax" inosenteng sabi niya

"Hindi ako galit!" sumisigaw na saysay ko

"eh bakit ka sumisigaw?" tanong ni LV

"masaya lang ako!" sigaw ko uli

"nakakatakot ka namang pasayahin" saad ni Aico na ikinatawa ni LV

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa bahay.

Inimbitahan nila si kuya sa boot camp namin para maglaro ng billiards at sumama naman ito kaagad

Gamit namin ang sasakyan ni LV ngayon at katabi ko si kuya dito sa likuran

"Roni, ngayon lang naman, sige na oh" halos ay magmakaawa na siya sa harap ko

"Ibibili kita ng bagong PC" nang-eengganyong saad ni kuya na inirapan ko lang

Sparkle Where stories live. Discover now