CHAPTER 28

68 5 0
                                        

Aware sina Kenji na aalis kami kaya maya-maya din ay napagpasiyahan nilang umuwi na sa kanilang boot camp.

"It's nice meeting you" nakangiting saad ni Crevan

Aakapin na sana niya ako ng biglang si Lewis ang dumampi sa kanya

"Nice meeting you din pre" saad niya habang tinatapik pa ang likod nito. Nakita ko ang pagka dismaya sa mukha ni Crevan ngunit ay nagbigay pa rin ito ng pekeng ngiti

"Babye mga pre" saad ni LV na kumakaway-kaway pa. Ako na nasa tabi lang niya at nakangiting umiiling

Habang papasok kami ay sinesermonan na niya ako.

"Wag ka don, tangina babaero yun eh" sabi niya sa akin na sinesenyas pa ang mga kamay. Totoo ang sinasabi niya, kilala si Crevan bilang isang babaero.

"hoy! nakikinig ka ba sa akin?" striktong tanong niya sa akin na tinanguan ko lang

"Inaway mo na naman yang si LV noh?" tanong ni Aico habang nagsspray ng pabango at nagchicheck ng kung ano sa monitor

"Ha? hindi noh, hinahanapan niya lang ng problema yung sarili niya" tugon ko

"Eh pano, pinupormahan to nung Crevan" nag-aalalang saad ni LV habang nagsusuklay ng buhok

"Ano? putek sugurin ko kaya?" Tumayo bigla si Aico

"Ano ka ba te? Ang payat mo kaya, ang laking tao nun" saad ko sa kanya na naka kunot ang noo

"aba! pinaglalaban mo pa ha. Isusumbong ko kaya to kay kuya?" pananakot ni Lewis

"At bakit naman?" tanong ko sa kanya habang naka pamewang

"bawal mag jowa, #focussagoal. No space" saad ni Aico na naka hashtag sign ang kamay

"eh bakit siya may girlfriend?" tanong ko uli

"oo nga noh, pero pero pabayaan mo na yun sumunod nalang" saad niya na nakataas ang kilay

Nasa sofa si Kuya na nagcecelphone at kanina pa nakauwi si Borj dahil may tumawag sa kanya. Hinihintay nalang kami ni kuya dahil nagchecheck pa kami for daily inventory

Sabay na kami nila na pumunta kina Jelai dahil tamad na umuwi si Kuya

"Ang kapal talaga ng mukha mo kuya" pagdadabog ko na pumasok sa loob ng kotse

"Konti lang naman yun ah" saad niya papasok at isinarado ang pinto ng sasakyan

Pinaandar na ni Lewis ang kotse at tumakbo na ito

"bakit ano bang meron?" tanong ni Aico

"Eh pano, malapit na niyang maubos yung perfume ko. Yung NHARI ko, minsan ko na nga lang yun gamitin kasi ang mahal. $3000 yun!" maldita kong tugon

"hayaan mo na, madami ka ng pera afford mo na man. Saka minsan lang din naman siya rito eh" saad ni Aico

"kahit na" saad ko, napansin ko kasi sa mga nakaraang araw na para bang si kuya ang palagi nilang pinapaboran na para bang siya yung ka teammate nila. Nakakaselos na

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umirap at tumungo na ang mga mata sa cellphone.

Madali lang kaming makarating dahil malapit lang naman. Sabay kaming pumasok sa loob dahil nahihiya pa daw itong si Lewis. Nang makapasok kami ay agad kong napansin na napakadaming nagbago sa bahay nina Jelai.

May malaking piano na ito. Mas pinalaking sala, at higit sa lahat ang engrandeng hagdan. Wala na din kasi ang tatay niya dito sa Pilipinas.

Nasa Italy ito at minamanage ang isang bakery. Inilaan niya ang halos lahat ng oras niya rito. Hindi naman siya binigo dahil lumago naman ito

Sparkle Where stories live. Discover now