CHAPTER 29

47 1 0
                                        

'To My Friend: JELAI

"Thank you, for believing."

The only note I have wrote on the paper as I let the staffs wrap the costumized chef suit I have prepared for her

May bracelet din ito na may nakakabit na bread. Buti nalang dito kami bumili sa shop ng kaibigan kong si Belle kaya ay hindi na kami nahirapan pa.

Nag suggest ako sa dalawa na sabihin na muna nila kung sino ang kanilang nabunot upang matulungan ko silang maghanap.

Nabunot ni LV si Junjun kaya sinudgest ko na same nalang nung akin upang magkaparehas sila ng uniform sa resto at bakeshop nila pero itong si Aico ayaw pa talagang sabihin

"Baka agawan moko eh" saad ni Aico kay LV

"tanga, kontento nako sa boypren ni miss beautiful noh" sagot niya

"sige na nga, si Ace, si Ace ang nabunot ko....ahhh este si Borj" saad niya.

Naglabad ako ng isang malalim na buntong hininga kung kaya't alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Kaylangan nya ng bagong taco" saad ko na ikinamangha naman nila

"Tangina, paano mo na sisigurado?" tanong ni Aico

"Luma yung tacong dala niya" saad ko at tumingin tingin sa paligid

"Napansin mo pa yun? lakas mo idol" si LV

"Hanap tayo ng taco sa gilid" saad ni Aico

Naglakad lakad muna kami sa paligid dahil sigurado naman kami na nandito lahat ng hinahanap namin dahil sa laki ng souvenir shop ni Belle.

'ISANG KARANGALAN'

Salitang pinasulat ni Aico sa papel ng ipinabalot na niya sa staff ng shop ang costumized na taco na binili niya.

Lumabas na kami at kasalukuyang naglakad patungo sa parking lot ng makadaan kami sa isang instrument shop sa loob ng mall kaya pinilit ko na silang pumasok.

Nakita ko sa loob ang isang gitara na may nakakabit na pink ribbon at kasama din ito sa design ng gitara, na alala ko dito si Lexi.

Hindi ko mapigilang hindi ito bilhin at hindi ko din naman malaman kung bakit.

Bitbit ni LV ang gitarang binili ko patungo sa parking lot. Nang patungo sa sasakyan ay may mga fans kaming nagpa picture sa amin kaya ay huminto muna kami.

Habang busy kami ni LV mag picture ay hindi na namin namalayan na may kausap na din si Aico na isang magandang babae.

Nakalugay ang buhok nito, maliit na may hugis ang mukha, matangos ang ilong at pula ang kulay ng hugis pusong labi niya. Naka suot ito ng baggy jeans at brown top na ikinabagay sa puti niyang kutis.

Napansin ata ni Aico na tapos na kami sa mga fans kaya ay nagpa alam na siya dito at palihim pa siyang hinalikan sa pisngi.

"wow, ano yun?" pang aasar ni LV

"hanep" dagdag ko

"mga tanga, fans ko lang din yun" saad niya na may malaking ngiti sa mga labi.

"Alam mo bunso, ako next time din papahalik ako sa fans natin na maganda" saad niya na ikinatawa ko lang

"Oo, tas yung mga tisay saka sexy" dagdag ko

"Alam nyo, bahala na kayo sa mga buhay ninyo" saad pa ni Aico at bigla nalang namula nga sobra at tumakbo papunta sa sasakyan.

"anyare dun?" tanong ni LV sa sarili niya na tumakbo din papunta sa sasakyan kaya ay tumakbo na rin ako kasunod niya.

Si LV ang nag dadrive ngayon at katabi ko naman si Aico na hindi makatingin-tingin sa kanyang cellphone

Sparkle Where stories live. Discover now