Katulad nga ng sinabi ko kahapon bibisitahin ko ang best friend ko ngayon. Nag r- ready pa ako, hindj pa kasi ako nakapag ayos. Maaga rin umalis sina mommy at daddy dahil maaga ang flight nila pabalik sa Butuan.
Naging malinaw na ang lahat. Kung ano talaga ang meron sa amin ni Blaze. Pinanindigan niya rin 'yung sinabi niyang liligawan niya ako sa ayaw ko man o gusto.
I did not confess my feelings to him yet.
1 message from Blaze
[ Papunta na ako diyan ]
Yes, he's going with me. Sinabi niya rin sa akin na hindi ko na daw kailangan ang kotse ko kapag nandiyan siya kasi simula ngayon ihahatid- sundo niya na daw ako.
[ Okay, I'll wait ]
Naging busy na rin si Ava at Nikolai sa work nila but may time parin naman sila sa isa't isa.
Hindi nawawala ang communication nila.
After a couple of minutes, Blaze just arrived. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan niya. Pagkapasok ko sinalubong niya agad ako ng yakap at halik sa noo.
Yes... That's my man!
" Bili muna tayo ng pasalubong para sa buntis. Since ninong ka rin naman"
Dumaan muna kami sa mall bago pumunta sa bahay ng mga Hidalgo.
We walk until we entered the entrance.
We just bought some foods and fresh milk for them. We also bought fruits for the baby to be healthy.
"Do you think, Ula and Vlad need this?" tukoy ko isang baby bath tub. Ang cute kasi!
Pumasok kasi kami ngayon sa isang baby store. Gusto kong bilhan ng gift ang godchild ko.
"Yes, I guess? You want that? Let's take it.".
Blaze took the bathtub na tinuro ko and he put it sa cart. Sabi niya siya na ang mag bayad tutal regalo naman namin iyon sa inaanak namin.
After shopping, we immediately went to Ula and Vlad. We see Vlad in their garage, fixing his motorcycle
"Aba, magkasama ata kayo?" pinusan muna ni Vlad ang kamay niya at saka kami sinalubong.
"Si Ula?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Nasa loob, nagpapahinga"
Tinulungan ni Vlad si Blaze na dalhin ang pinamili namin sa loob. And when we get inside, I saw Ula laying in the couch while hinihimas ang tiyan niya. Ang laki na ng tommy niya!
Bumeso ako sa kanya pagkapasok.
Bumangon siya tsaka umupo "Congrats bestie!"
"Thank you! Sayang 'yung ticket na binigay ko sa inyo, hindi kayo naka punta." sabi ko habang hinihimas ang tiyan niya.
"Bawi kami sa susunod, pagka labas ni baby" first time niyang hindi nakapanood ng game ko. Palagi kasi siyang nanonood kahit saang lugar pa ako nag lalaro.
"Oh sumipa si baby! Manonood din daw siya!" Agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan ang tiyan niya upang damhin ang pagsipa ni baby. Ganoon din si Blaze.
YOU ARE READING
Soulmate
Teen FictionLet's read the story of two people who were born at the same time unexpectedly, two people who were born in the same hospital and were born only seconds apart.