Chapter 7 (Soon)

2 0 0
                                    

Naglalakad pa lang ang daddy ni Blaze papunta sa amin ay kinakabahan na ako. What more pa kaya if nandito niya sa harap ko naka upo?


"Ito na ba 'yung future daughter in law ko?" pareho lang sila ng sinabi ng asawa niya. KAtulad ng ginawa ko kanina ay tumayo na rin ako para bomeso. "Welcome to our family, ija" sabi niya sabay upo sa tabi ng asawa niya. 


Hindi ko na naramdaman ang kaba na naramdaman ko kanina. Ngayon masasabi kong napaka-swerte ko dahil tanggap ako ng pamilya ng lalaking mahal ko. 


"Matanong ko lang, niaa. Kayo na ba ni Axel?" tanong ni tita Wina.


"Malapit na po, ata?"patanong ko na sagot ko sa kanya. Hindi ko pa kasi alam kung kailan ko sasagutin itong si Blaze, humahanap pa kasi ako ng tamang tyempo.


"Sabihan mo lang kami anak kung magloko itong si Axel at hindi namin ito pauuwiin sa bahay" pabirong sabi ni tito.


"Pa, hindi po ako magloloko. Ito?" sabay  hawak niya sa kamay ko " Makukuha ko pa bang magloko kung si Blaire lang naman ang gusto kong makasama habang buhay?"


Medyo mahaba-haba ang naging kuwentuhan namin ng pamilya niya, dahil alas dyes na kami naka uwi.


"Are you tired, darling?" kita niya siguro na napahilot ako sa sintido ko habang kinakabit niya ang seat belt ko.


" No, masakit lang ulo ko" sagot ko sa kanya. 


"Don't hilutin natin 'yan pagdating."


Nakatulog ako buong byahe at nagising nalang ako nang marinigko ang boses ni Noah.


"Gising na pala eh" sabi ni Noah pagkakita niya sa akin at humarap naman si Blaze sa gawi ko.


"Bakit?"Inosenteng tanong ko


"Wala, by the way Ava is here. Nasa kuwarto siya nagpapahinga." 


"Ahh okay" Tumayo na ako at naglakad papuntang kuwarto. Sumunod naman si Blaze kaya hindi ko na ni-lock yung pinto.


Nakita kong dumeretso si Blaze sa mesa ko at kinuha ang banyos.


"Come here" Katulad nga ng sinabi niya kanina sa sasakyan, pinaupo niya ako sa couch at hinilot. "Where's your meds nga pala?"


"Nasa drawer ko" wala akong gana ngayon kaya hinayaan nalang ako ni Blaze na magpahinga. Pagkatapos niya akong hilutin ay humiga na ako sa kama at siya naman ay nasa couch lang. Ayaw niya kasing tumabi sa akin kasi sabi niya na hindi pa naman daw kami. Wala pa daw siyang karapatan na tumabi sa akin matulog unless kung sagutin ko na raw siya.


***

Tanghali na ako nagising kinabukasan. Wala na si Blaze sa couch nangtingnan ko iyon, kaya tumayo na ako at lumabas ngkuwarto.

SoulmateWhere stories live. Discover now