It took us one hour sa byahe bago kami nakarating sa farm. Pagkababa namin sa sasakyan ay agad kaming sinalubong ng panganay na anak nina nanay Carlota at tatay Simon na si kuya Lukas.
"Good morning kuya Lukas!" Bati ko sa kanya.
"Magandang umaga rin sayo Niaah! Oh may kasama ka ata." tukoy niya kay Blaze.
"Kuya this is Axel Blaze, my boyfriend. Love, this is kuya Lukas. Panganay na anak nina nanay at tatay." inabot ni Blaze ang kanyang kamay upang makipagkamay at tinanggap naman ito ni kuya.
"Magandang umaga po" bati ni Blaze.
"Pumasok na kayo ng sa ganoon ay makapag meryenda kayo"
"Kuya may mga dala pala kami" agad na kinuha ni Blaze ang mga dala namin para kila nanay at tatay.
"Ako na riyan, pumasok na kayo." katulad ng sinabi ni kuya Lukas, pumasok na kaming dalawa ni Blaze sa bahay nila at agad ko namang nakita si nanay na nagluluto.
" Nanay!!!!" dalidali akong nagtungo sa kanya upang mayakap siya.
"Asaan po si tatay?" tanong ko.
"Nasa kwarto nagbibihis dahil may lalakarin daw siya sa bayan" nakita kong sumilip si nanay sa aking likuran kaya tumabi ako kay Blaze at hinawakan ang kanyang kamay.
"Nanay... Si Axel Blaze po, boyfriend ko." pakilala ko sa kanya at nagmano naman agad si blaze.
"Aba ang gwapo naman ng binatang ito."
"Salamat po, ma'am." sagot ni Blaze sa kanya.
"Naku! Nanay nalang ang itawag mo sa akin at boyfriend ka naman ng anak namin." ipinaghanda kami ni nanay ng meryenda. Tapos ko ng pinakilala si Blaze kay tatay at pasado rin naman sa kanya kaso nagmamadali raw siya at may lakad pa siya.
"Nay! Nandito na po kami ni Kuya Liam!" tumayo ako at lumabas para tingnan kung sino yung sumisigaw sa labas.
Pagkalabas ko nakita ko si Liam na may kasamang bata. Siya ata yung summigaw kanina.
"Wow may bisita pala tayo!" sabi nung bata.
"Niaah?" banggit ni Liam sa aking pangalan tila ba hindi siya makapaniwala na nandito ako.
"Hi Liam!" tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya kaagad.
"Kailan ka nakauwi?" tanong niya.
"Last last day lang, by the way halika dito sa loob at may ipapakilala ako sayo."
"Liam...si Axel Blaze, boyfriend ko. Love, si Liam childhood best friend ko." nagkamayan silang dalawa.
"Kilala ko siya. Sikat din 'yan eh tulad mo. Sa katunayan, idol ko nga siya eh."
Hindi na kami nagtagal sa bahay nina nanay at nagpaalam na rin kami na mamamasyal muna kami sa farm dahil babalik na kami sa manila next week.
"Love, are you sure maglalakad ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo talagang gumamit ng kabayo?" tanong ko ulit.
"Let's walk nalang love para masulit natin ang moment." sagot niya kaya hindi na ako umangal.
"Alam mo, may alam akong parte dito sa farm na tiyak akong magugustuhan mo." binigyan niya ako ng nagtatakang titig ngunit hindi ko ito pinansin at humawak nalang sa braso niya.
Plano kong dalhin siya sa isang puno na itinanim para sa akin ni daddy sa gilid ng isang ilog. Pinangalanan ito ni daddy kasunod sa pangalan ko "Kseniaah". Maraming halaman at prutas dito kaya hindi ka magugutom kapag tumatambay ka rito.
"Wowww" iyan lang ang salita na lumabas sa bibig ni Blaze.
"Welcome to my place, my love!" tumakbo kaming dalawa sa ilalim ng puno para sumilong kasi biglang umulan.
"Gosh Umulan!" pinunasan ko ang noo ni Blaze dahil may ulan na pumatak dito."
"Bad timing, tsk!" sabi ko.
"No it's not a bad timing" nilingon ko siya at kitang kita ko ang mga ngiti sa labi niya. Nakakatunaw talaga ang mga titig at ngiti niya.
"Anong it's not? Hindi tayo makakapasyal kasi umuulan." sagot ko sa kanya ngunit imbis na sumilong kami ay bigla niya akong hinila at sabay kaming nababasa ng ulan.
"Anong hindi makakapasyal, ha? Love, we can still pasyal kaya." napasapo nalang ako sa noo dahil sa sinabi ni Blaze.
Basang basa parin kaming dalawa ni Blaze ngayon dahil hindi parin tumitila ang ulan. Nag-aalala ako sa kanya at baka magkasakit siya. Hindi pa naman ito sanay sa mga ganito.
"Love sumilong na muna tayo rito at magpatuyo hanggang sa tumila ang ulan dahil baka magkasakit ka pa." hinila ko siya rito isa sa mga bahay kubo na pinatayo ni daddy para sa mga farmers para may mapagpahingahan sila kapag nagt-trabaho sila.
"I can handle this love, don't worry." sabihin man niya na he can handle, hindi parin ako naniniwala.
Nakita ko si kuya lukas na nagmamaneho ng sasakyan na para rito sa farm kaya tinawag ko siya.
"Buti napadaan ka kuya."
"Pinapasundo kayo ni nanay sa akin, baka raw mapano kayo rito." sumakay na kami sa likod ng sasakyan at agad naman itong pinatakbo ni kuya.
Pagkauwi namjn sa bahay nina nanay ay pinagtimpla muna niya kami ng kape bago niya kami pinayagang makauwi.
"Magbihis ka muna, Niaah. Nasa drawer mo yung mga damit." sinunod ko ang utos ni nanay. Alam ko rin naman na kung saan inilagaw ni nanay ang mga damit ko.
"Liam, pahiramin mo muna si Axel ng damit mo at baka magkasakit siya." utos sa kanya ni nanay na kasalukuyang nakaupo sa harapan ni Blaze.
"Huwag na po nay, dinalhan ko po siya ng damit nasa sasakyan lang po."
Nagbihis muna ako bago ko kinuha ang damit niya sa sasakyan.
"Ako na kukuha love, you didn't tell me na may dala ka palang shirt ko." he said.
"yeah, nagdala ako for emergency."
Nang tumila na ang ulan ay nagpaalam na kami kay nanay at baka maabutan pa kamj ng dilim sa daan.
Nagmaneho na si Blaze pauwi sa bahay namin but we headed first sa may pinakamalapit na drive thru para pasalubong.
"Ma'am naabutan po ba kayo ng ulan sa farm?" salubong sa amin ng isang maid at kinuha ang dala naming eco bag na my dalang mga basang damit namin.
"yes, but kuya lukas sundo us sa may kubo."
"Ako na po bahala rito ma'am, sir. Pahinga na po muna kayo sa taas."
"By the way, where's mom and dad?" I asked.
"May nilakad po kaso hindi po nila sinabi saan sila pupunta. Ang bilin lang po nila sa akin ay bukas pa po raw sila makakauwi."
YOU ARE READING
Soulmate
Teen FictionLet's read the story of two people who were born at the same time unexpectedly, two people who were born in the same hospital and were born only seconds apart.