Chapter 8 (Kulam)

2 0 0
                                    

Nandito na kami s lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. Maraming tao ang nagpa picture sa amin while naglalakad kami papuntang sasakyan. Hindi rin namin matanggihan dahil mahal namin sila eh. May narinig nga akong isang baabe na nag tanong kung kami na ba daw ni Blaze.


Sumakay na agad kami ng sasakyan na sumundo sa amin at inihatid kami sa bahay namin.


"Are you tired na?" he asked. Sumandal na kasi ako sa shoulder niya eh. 


Alam niyo, ang swerte ko dito sa lalaking ito. Parang gusto ko na siya agad pakasalan? Ewan! Sobra sobra na itong nararamdaman ko para sa kanya, yung tipo na gusto ko na palagi ko siyang kasama. 


"I love you, Axel Blaze Alvarez" imbis na sagutin ko yung tanong niya ay yan ang lumabas sa bibig ko kaya hinalikan niya ang noo ko.


"I love you more, Ksenniah Bliare. I love you more than you know"  


Tinawag ko na ang gurad namin sa bahay at tinulungan naman ito ni kuya driver na i diskarga ang gamit naming dalawa ni Blaze. 


"Salamat po, kuya" sabi naming dalawa ni Blaze sa driver.


Pumasok na nga kami sa loob at nakita ko si mommy na busy sa pag aayos ng gamit sa bahay.

"Bilisan niyo na at baka dumating na yung dalawa" sabi niya sa mga katulong namin.


"Mommmmyy!!!" tumakbo na ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.


"Oh, nandito na pala kayo." Nag mano na si Blaze kay mommy bilang respeto.


"Halina kayo at mag miryenda na muna tayo, wala yung daddy niyong dalawa dahil may inasikaso sa farm"


Hawak hawak ni Blaze ang kamay ko habang papunta kami sa veranda.


"Ipinahanda ko nga pala itong paborito niyong miryenda. Tsaka pati na rin yung magiging kwarto niyong dalawa." 


"Salamat po dito, tita" sabi ni Blaze kay mommy.


"Si Noah ba, hindi uuwi dito?" tanong ni mommy sa akin.


"Naku po, hindi ko po alam sa kanya. Busy po kasi, tsaka nakalimutan ko rin itanong sa kanya.


Busy si mommy sa pakikipag kuwentuhan kay Blaze habang ako naman ay nakikinig lang sa kanilang dalawa. Gusto ko nang magpahinga kaya nag paalam na muna ako kina mommy na mauuna na ako sa taas at magpapahinga lang.


"Ma, magpapahinga lang po ako sa taas. Ikaw na bahala kay Blaze." sabi ko.


"Ay no, anak. Magpahinga na kayong dalawa at alam kong pagod kayo sa byahe."


"Akyat na po kami tita" paalam naman ni Blaze.


Hinawakan ni Blaze ang kamay habang paakyat kami sa hagdanan. Jusko, mahal na mahal ko na talaga itong lalaking ito.

SoulmateWhere stories live. Discover now