KABANATA I

125 8 4
                                    

Sa kabilang dako, may mundo na tinatawag na Shivenea.

Tinagurian itong isang naiiba sa lahat, sapagkat di gaya ng Encantadia o mundo ng mga tao, iisa lamang ang kaharian rito at may tatlong iba't ibang tribo na may natatanging galing sa iba't ibang larangan at mahika.

"Vexion"
Sa kanilang tribo matatagpuan ang mga may kakayahang magpalit ng wangis bilang mga pasnea at manggaya ng wangis nino man.

"Hellios"
Sa kanilang panig matatagpuan ang mga mandirigma na bihasa sa paggamit ng sandata. Sila ang kadalasang kinukuha upang maging kawal sa palasyo. Taglay nila ang galing ng isang panday sa pagbuo ng matilos at matibay na sandata.

"Iluminatia"
Dito naninirahan at kabilang ang mga mahikerong magaling sa panggagamot at panggagayuma. Tulad na lamang ng sa pag-ibig, pag-kagaling, sakit, sumpa at iba pa na lubhang may matinding epekto sa buong pagkatao ng nilalang na makakainom o makakakuha ng kahit na aling gayuma.

"Livea"
Ito ang palasyo ng shivenea. Tirahan ng may pinakamatataas na tungkuli. Hari, reyna at prinsesa o prinsipe. Bukod tangi silang may kakayahang kumontrol sa iba't ibang elemento at iba pang kapangyarihan na kaloob sa kanila ng bathalang kanilang sinasamba.

Ito ang tirahan ng dalawang kambal na prinsesa.

~

Malakas na tawanan at dagundong ng mga nagtatakbuhang nilalang ang maririnig sa pasilyo ng Livea.

Dalawang prinsesa ang naghahaluban at nagtatayaan. Isa sa kanila'y suot ang bestidang kasing kulay ng ubas, may makikinang itong dyamanteng palamuti, na nauuri sa ganda niyang maihahalintulad sa sinag ng araw. Habang ang isa pa, suot niya ang puti at may katamtamang sukat ng damit, na aabot hanggang sa kanyang tuhod, suot rin niya sa likod ang ginintuang balabal na bagay sa kutis niyang parang niyebe.

"Hahaha! Cassiopea, hindi mo ako maaabutan!" Tumatawang sambit ng nakakulay puting bestida.

"Yun ang akala mo, Mitena!" Binilisan ng nakakulay lilang bestida ang takbo at naunahan ang nasa unahan niya.

Napatigil ang dalawa Slsa masaya nilang paglalaro nang dumating ang reyna, napalingon sila roon at napalitan ng kaba ang kanina nilang saya. Naglapit ang dalawang bata sa isa't isa at lihim na nagkapit kamay.

"Sabi sa'yo, huwag na tayong, tumuloy!" Bulong ng batang Cassiopea.

"Pumayag ka naman." Bulong pabalik ng batang Mitena.

"May nakarating na ulat sa akin, mula sa inyong maestro. Tinakasan nyo raw siya habang sinasanay kayo sa paggamit ng kapangyarihan?" Tumaas ang kilay ng reyna, napalunok ang dalawang bata.

"Patawag po ina. Patawad, hindi na po namin uulitin." Magkapanabay na sabi ng dalawa.

Nahabag naman ang kanilang ina at lumuhod upang pantayan sila.

"Mga anak, ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na kailangan ninyong pag-igihan ang inyong pag-aaral." Paalala nito. "Sumunod kayong dalawa sa akin." Utos niya.

Dinala ng reyna ang dalawang bata sa kaniyang silid, hinarap niya ang mga ito at naupo sa kaniyang kama.

"Ina, desne maste (patawad). Gusto lang naman namin na makapaglaro kahit saglit." Nakayukong paliwanag ng batang Cassiopea.

"Kahit na. Mali pa rin ang inyong ginawa. Batid nyo naman kung gaano kadelikado kung hindi ninyo matututunan ang paggamit ng mahika, hindi ba? Kung hindi nyo ito magagawang kontrolin, kayo ang kokontrolin nito." Paliwanag ng kanilang ina.

"Patawad po ina, hindi na po mauulit." Sambit ni Mitena at ipinagdugtong ang dalawa niyang hintuturo (👉🏻👈🏻).

Napahinga na lamang ng malalim ang reyna at tumabi sa pagitan ng dalawa sabay akbay sa mga ito.

Encantadia Chronicles : BathalumanWhere stories live. Discover now