Madaling araw pa lamang. Ngunit gayak na ang kagamitang pandigma ng bathalumang Cassiopea. Dala ang kabilan at ilang mga gamit, lumabas siya sa silid niya sa devas.
Sa labas ng silid, naghihintay ang bathalang Emre, gayak na rin ito kasama si Haliya na nakangiti sa kaniya.
"Handa ka na ba bathaluman?" Tanong ni Emre.
"Oo bathala, nagpaalam na ako kay Lira nangsagayon ay hindi ito magtampo sa akin." Ngumiti si Cassiopea.
"Pagpalain nawa kayo ng ating pinakamataas na bathala sa lahat. Cassiopea, hiling ko na sana ay maging buo na ang iyong pagiging bathaluman sa inyong pagbabalik. Emre, aking kaibigan, batid mo na ang kailangan mong gawin. Alagaan mo si Cassiopea." Nakangiting habilin ni Haliya.
"Makakaasa ka Haliya. At pakiusap, ikaw na muna ang bahala sa devas. Maaari ba?"
"Oo Emre, sige na, magmadali na kayo. Kakaunti na lamang ang oras bago magsara ang lagusan. Batid mong maraming siglo ang magdadaan bago ito muling magbukas. At pakiusap, magiingat kayo. Sana ay bilisan ninyo pagkat kinakailangan tayo ng encantadia. Maaari lamang rin na magbukas ang lagusan palabas kung magagampanan ninyo ang inyong layunin sa pagpasok roon." Saad ni Haliya.
"Huwag kang mag-alala bathalumang Haliya, makakabalik rin kami kaagad." Ngiting sabi ni Cassiopea.
Nakangiting pinagmasdan ni Haliya ang pagalis ng dalawa hanggang sa tuluyan nang nagsara Ng lagusang pinasukan ng bathalang Emre at bathalumang Cassiopea.
"Sana.. sana ay magtagumpay kayo sa inyong pakay. Pagkat ito ang matagal mo nang hangarin, Cassiopea.." Bulong niya bago pumasok muli sa loob ng devas.
~
Sakay sa malaking minokawa, nilipad nina Cassiopea at Emre ang matataas na ulap. Upang hanapin ang sagradong pinto sa pagitan ng luntiang langit at bahaghari.
"Emre. Sa tingin mo ba ay magtatagumpay tayo?" May pag-aalala sa tinig ng bathaluman.
"Oo naman Cassiopea. Basta't magkasama tayo, magagawa natin ang lahat." Ngumiti si Emre.
~
Hindi naglaon, mabilis nilang napasok ang sagradong pinto at isang maaliwalas, mapayapa at tahimik na paligid ang bumungad sa kanila.
"Kaysarap langhapin ng hangin kung ganito kapayapa ang paligid." Bulong ng bathaluman.
Tahimik namang minamasdan lamang ni Emre ang paligid, nakakaramdam siya ng kaba kahit gaano pa man katatag ang pagtitiwala niya sa bathaluman.
Lumapag ang minokawa sa lupa. Mabilis namang bumaba si Emre at hinila si Cassiopea. Saglit silang naglakad hanggang sa marating nilang dalawa ang isang punong parang katulad sa puno ng asnamon.
Binitawan ni Emre ang kamay ni Cassiopea at itinapat sa malaking puno ang kanyang mga kamay.
"Lasro Voyanazar!" sigaw ng bathala.
Nagliwanag ang malaking puno at nabuo ang lagusan. Lihim namang pumatak ang luha ni Emre.
"Papasok ba tayong muli rito Emre?" Tumango lamang ang bathala. "Kung gayon ay halika na, sabik na akong buuin muli ang aking sarili at nang matapos na ang aking misyon upang maging isang ganap na bathaluman." May tuwa sa tinig ng bathaluman.
Tatakbo na sana si Cassiopea, ngunit hinawakan ni Emre ang kanyang mga kamay. Hinila niya ito palapit sa kanya at niyakap.
"Patawad mahal ko."
"Emre, bakit?"
"Mangako kang babalik ka."
"A-ako? A-anong ibig mong sabihin? Sabay tayong papasok roon h-hindi ba?"
"Patawad. Basta mangako ka, mangako kang babalik ka."
"Emre. Emre hindi ko maintindihan."
"E correi diu Cassiopea. Hanggang sa muli nating pagkikita, mag-iingat ka roon. Patawad."
"Emre?"
"Emre!"
Sigaw ng bathaluman nang itulak siya ng bathala papasok sa lagusan. Nangungusap ang kanyang mga mata, hindi maintindihan kung bakit iyon nagawa ng unang lalaking minahal niya.
"Emre.."
"Patawarin mo ako mahal.. ngunit kailangan itong mangyari.."
Huling salitang narinig ng bathaluman mula sa bathala bago magsara ang lagusan at dumilim ang kanyang paningin.
YOU ARE READING
Encantadia Chronicles : Bathaluman
Fiksi PenggemarEncantadia Chronicles 2 A story dedicated to best and first hara of Lireo. Who always sacrifices for Encantadia. Disclaimer.⭕ This story includes fictional sceneries, concepts, plots, etc. Any similarities to other existing stories are unintentional...