Nagmulat ng mata ang batang Cassiopea, nilibot niya ang kanyang paningin at nagulat sa lalaking nasa isang tabi at nilalaro ang laruan nitong espada na gawa sa kahoy.
"S-sino ka?" Tanong ni Cassiopea at itinulak ang batang lalaki.
"Aray!" Nakangibit nitong sabi at tumayo. "Grabe ka makatulak ha! Hindi naman ako masamang nilalang."
"Patawad, nabigla lamang ako. Ikaw kasi, bakit ka ba nandito at sino ka?" Sambit muli ni Cassiopea.
"Ikaw na nga nanakit, ikaw pa may ganang manisi. Pero sige, ako si Imaw." Pakilala nito.
(This is Imaw back then.
Credits to Pinterest)"Live ne (hi/hello), ako si Cassiopea." May ngiti sa labi na nilahad nito ang kamay.
"Dese ivi (hi/hello)!" Bati rin nito pabalik.
Nagtataka man sa isinaad nito'y mas pinili na lamang ng dalagang hindi magtanong.
Dumaan ang ilang saglit, at dumating ang isang magandang nilalang. Nakangiti itong lumapit sa kanila habang may hawak na pagkain.
"Mabuti at gising ka na." Nakatingin nitong sabi sa batang Cassiopea. "Halika kumain ka muna, ako ang naghanda nito."
"Salamat po." Magiliw itong tinanggap ng bata.
"Adii (ate), paano ako?" Nakangusong sambit ng batang Imaw. Natawa ang nilalang at lumikha ng panibagong pagkain.
"Dese ra ivne (maraming salamat)!" Nakangiting sabi nitong Imaw at kumain.
Lumipas muli ang oras at nagdatingan ang iba pang mga niallang. Napatigil sa pagkain ang dalawang bata, ipinaling ni Cassiopea ang ulo at nagtataka kung sino ang dumating.
"Itanong ko lang po, ano po bang ngalan ninyo at sino kayo?" Ani ni Cassiopea.
Nagkatinginan ang anim, nag-uusap sa kanilang mga isipan kung sasabihin ba nila ang totoo nilang pagkaka-kilanlan. Kapwa nagtanguan sa isa't isa bilang pagpapasya. Naupo silang lahat sa buhangin.
Unang nagsalita ang babaeng kausap ng dalawang bata. "Kami ay mga bathala at bathaluman, ng mundo ng hiraya."
"B-bathala at bathaluman? Makapangyarihan po kayo hindi ba?" Tumango ang anim sa tanong ni Cassiopea.
"Ako si Ether, bathaluman ng ilusyon." Unang nagpakilala ang naka-lilang kasuotan. Tiningnan nito ang mga kasama niya at ipinakilala rin ito isa isa.
YOU ARE READING
Encantadia Chronicles : Bathaluman
FanfictionEncantadia Chronicles 2 A story dedicated to best and first hara of Lireo. Who always sacrifices for Encantadia. Disclaimer.⭕ This story includes fictional sceneries, concepts, plots, etc. Any similarities to other existing stories are unintentional...