30 seconds to Eternity (Chapter 36- Battlefield)

3.4K 94 24
                                    

Chapter 36- Battlefield

jerome's pov

nakatalikod pa rin ako sa kanya.. hindi ko kayang tingnan sya at malaman na ganun pa din ang lahat..SIYA pa din at hindi magiging ako

wala akong narinig na sagot sa tanong ko..kung sabagay..ano pa bang sagot ang kailangan eh tanga lang ako para di pa din tanggapin yun

"lagi na lang ganito.. may isang 3rd party na kahit kailan hindi magiging maincast" tapos noon naglakad na lang ako nang naglakad...alam ko sinusundan nya ako pero di pa din ako nalingon hanggang mapunta kami sa kalye sa likod ng school na hindi masyadong dinaraanan..paano kasi..sementeryo na katapat

pinili kong umupo sa may sidewalk..nakayuko lang ako..alam kong nasa tapat ko sya

"Jerome"

parang nanikip bigla ang dibdib ko ng marinig ko pangalan ko na sinasabi nya ng ganun.. tagal ko ding ginusto na marinig na sabihin nya pangalan ko. tagal ko ding naghintay na makita at makilala nya ako..kaso

"tama na Raffa" bumuntong -hininga ako "wag na..wag mo nang banggitin ang pangalan ko na may parang pakialam ka.. wag na Raffa.."

"may pakialam ako sayo"

gusto ko matawa sa sinabi nya "alam ko..at sana hindi ko napagkamalan ang pakialam mong yan na pag-asa na baka meron pa..baka kaya pa"

ayoko ng ganito..ayoko talaga.. rational akong tao..utak lagi bago puso..kaso pagdating talaga sa kanya nawawala lahat ng rason ko..lahat ng logic.. lahat lahat..

Nanlalamig ang mga kamay ko.. lahat ng ala-ala naming dalawa parang kasabay ding nawawalan ng kulay..nawawala yung init..

nakakaramdam ako ng sakit..pero kahit ganun alam kong wala na ako magagawa.. kailangan kong maging fair sa kanya.. kahit na alam ko sa larong ito.. una pa lang talo na ako

"alam ko naman noon pa na hindi na kita dapat minahal.. ikaw na malapit na sa akin pero hindi ako makita..kaso tanga eh..tangang tanga lang ako sayo" nilingon ko na sya noon tapos tumingin ako sa likod nya..sa sementeryo at napabuntong hininga na lang ako ulit

"mahirap din pala maghintay..lalo na kung hinhintay mo ay hinihintay na iba..di ko na kaya dahil parang wala din namang mangyayari"

"ayaw kita saktan..hindi ko ginusto ito"

"alam ko..kaso hindi ko rin namang ginusto na magkaganito.." tumayo na ako tapos tumingin sa langit.. alam kong naiiyak na sya kaso mas gusto ko na umiyak

"Raffa" gusto ko pa tawagin sya..gusto ko pa kausapin sya..pero bawat tawag ko alam ko na parang nasigaw ako sa isang binging tao "gusto ko malaman..

kaya pa ba?may pag-asa ba akong mahalin mo din?" tumingin na ako sa kanya

sa sitwasyon ngayon..alam kong para na talaga akong tanga.. nagmamakaawa na ako mahalin nya ako

But still..unachievable love is still love

nakita ko syang pumikit..tumutulo na ang mga luhang ako ang may kasalanan

"im sorry"

at alam ko na ang talagang kahulugan ng mga salitang yun

hindi nya akong mahalin..wala na talaga

nakakatawang isipin na hinihiling ko na kaya sya umiiyak ay dahil nahihirapan syang pumili at hindi dahil ayaw nya ako masaktan..im so pathetic

pero tama na talaga siguro..tama na

lumapit na talaga ako sa kanya tapos pinunasan ko ang mga luha.. hindi na nga ako kayang mahalin. pinaiyak ko pa..

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon