30 seconds to Eternity (Chapter 6- The Author's failed attempt of 'horror')

5.4K 138 48
                                    

Chapter 6- The Author’s failed attempt of ‘horror’

(WARNING! Kung gusto nyo talaga ng horror….HINDI ITO ANG DAPAT NYONG BASAHIN!!!bwahahahaha!binalaan ko na kayo..hahahahaha!)

BBBBBBBLLLLAAAAAAAAAAAAAGGGGGG!!!!

Bigla akong nagising sa malakas na kulog at kidlat na sumisira sa katahimikan ng gabi kahit walang ulan..pero napakalakas ng hangin..

At dun ko ulit naalala ang lahat..mas hinigpitan ko yung kumot sa sarili ko habang pinipikit ko ang mga mata ko..

Ayoko ng kulog at kidlat..

Kahit gaano ako katapang at kakulit sa school pagdating talaga sa kulog at kidlat..nanginginig na ako..

Tapos mas naalala ko ang katotohanan na yung kaisa-isang yumayakap sa akin at nagpapakalma sa akin kapag ganito kalakas ang kulog at kidlat..

Ay wala na..

Tumutulo na ulit ang mga luha..nadudurog na naman ang puso.. humihirap na naman ako sa paghinga.. ngayon ko lang na pinalangin na sana magtagal ang kulog at kidlat..

Dahil baka sakali..yakapin nya ako muli gaya noon..

Flashback!

BBBBBBBBBBLLLLLLLLAAAAAAGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

“EEEEEEEEEEEEEEEEEEK!!!!!!!!!!!!!” nagulat ako dahil bigla na lang kumidlat tapos kumulog ng pagkalakas-lakas habang malakas din ang ulan.. nasa kwarto na ako ngayon at pinipilit makatulog pero hindi pa din ako makatulog dahil sunod-sunod na yun.. may phobia kasi ako dito simula nung muntikan na ako tamaan ng kidlat nung bata pa ako dahil kay James na gustong magpaulan nun tapos ayun kung hindi lang talaga sa swerte o ano pa man..tusta na ako.. kaya simula nun natakot na ako sa kidlat at kulog..

 

Maaga akong natulog ngayon dahil dito..pero dahil di nga ako makatulog naririnig ko din yung mga tao sa baba..gumagawa ng assignment siguro si Gabby tapos sina Mama at Papa ng lesson plan..

 

BBBBBLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGG!!!

 

Ibinalot ko na lang ang kumot sa sarili ko at pinilit hindi pakinggan ang mga kulog..sobrang natatakot na talaga ako at umiiyak.. ayokong magulo pa sina mama kaya laking pasalamat ko at malakas din ang ulan

 

Pero hindi ibig sabihin nun gusto ko ng ganito..

 

Halos atakihin na ako sa puso sa takot ko dahil mas lumakas pa ang ulan at kulog at kidlat..pinilit kong pinakalma ang sarili ko pero hindi talaga..kaya naman nung bigla na lang na

 

BOOOOOOOOM!!!!

Tapos nung ingay na yun bigla ko na lang narinig si mama na nagsasalita  “sandali  James!basang-basa ka!!anong ginagawa mo dito???”

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon