30 seconds to Eternity (Chapter 26- In my Dream)

4K 108 35
                                    

Chapter 26- In my Dream

Normal POV

Liwanag

Yun lang ang nakikita ko ng minulat ko ang mga mata ko at kahit ata ipikit ko din yun ganun din yun..

Parang walang sakit ako maramdaman.. walang lungkot at walang hirap.. ibig bang sabihin nito

Patay na ako?

Ang naalala ko lang ay nabaril ako ng pinotektahan ko si Justin tapos

Eto na..liwanag na ang nakikita ko..

Shoot.. patay na nga ako siguro.. ewan ko pero okay lang yun sa akin.. sa dami ba naman ng hirap ko sa lupa..kung ganito lang ka-chill ang life este kung ano man meron ako kapag patay na ako..mas pipiliin ko na ito kesa mahirapan ulit

Siguro ganito nararamdaman ni James..

Si James..

At wala akong naramdaman.. wala na yung sakit o wala na yung lungkot.. kung ganito pala..eto na talaga ang pipiliin ko kesa pahirapan ko pa sarili ko

“sinungaling” at biglang nawala ang liwanag na gustong gusto ko at napalitan yun ng

Teka kilala ko ito ah..

Kilalang kilala ko ito

Same trees.. same view..pati yung upuan ng swing..parehas

Andito ako sa mini playground sa tabi ng bahay ko..

“dito ka oh” at may nakita akong lalaki na nakaupo sa swing at inuugoy iyon.. at parang may sariling utak ang mga paa ko at umupo ako sa kabilang swing at tiningnan sya

Ang gwapo nya..infairness.. medyo kulot ang brownish hair nya..nakangiti sya habang nakatingin sa harapan namin at kitang kita ang

Silver na mga mata nya

Multo na nga ako..ang landi ko pa din..haha

“sinungaling ka”

“huh?” nasabi ko na lang

“wala ka nang nararamdaman kay James?”

“paanong-“

“sagutin mo tanong ko..wala ka nang nararamdaman sa kanya?”

Pinakiramdaman ko ulit ang sarili ko at di ko alam kung matutuwa ako pero “wala”

“bakit?”

“anong bakit?”

“bakit wala ka nang nararamdaman?”

“kasi multo na ako?”

“mali.. hindi ka pa multo”

“kung ganun..nasaan ako?tagasundo ka ba?San Pedro?”

At nilingon nya ako na nanlalaki ang mga mata “SAN PEDRO?? AKO?? PAREHAS KAYO NG SINABI NG JAMES NA YAN! Sa gwapo kong ito..mapagkamalang si San Pedro?”

Tinaasan ko lang sya ng kilay tapos napa-ubo sya at tiningnan nya akong mabuti “nananaginip ka”

“nananaginip?”

“oo..yung tipong nasa gitna ka ng buhay kamatayan para mas magandang explanation..nananaginip ka na lang”

“ang gulo mo”

“pero dapat hindi yun ang nasa isip mo..may tanong ako sayo”

“ano?”

“gusto mo pa ba magising?”

Bigla kong naisip.. gusto ko pa ba agising? Tapos nilingon ko yung paligid.. parang ganito din naman sa tunay na buhay yun nga lang

Wala si Mama..si Papa..si Gabby..si Dy..si Jerome..kahit na sina Justin wala at higit sa lahat

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon