30 seconds to Eternity (Chapter 40- Conclusions)

3.8K 106 25
                                    

Chapter 40- Conclusions

Saan ba ako magaling..e di sa pagtakbo?

di ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko kailangan ko tumakbo

oo na..nagsasayang ako ng oras.. oo na dapat di ganito reaction ko..pero gaya ng lagi kong tanong..masisisi nyo ba ako?

kasi kung kailan malinaw na ang lahat..kung kailan maayos na..kung kailan tama na..

saka naman ganitong kasakit ang lahat..saka naman ganitong kahirap ang lahat

para talagang tanga..sa loob ng isang araw nagkagulo ang dati ng magulong buhay ko..pero ang mas nakakatanga pa

sa loob din ng isang araw matatapos na ito..

tuluyan na syang mawawala sa akin..

dangang ulaga at kalahati din kasi ako..binigyan na nga ako ng pagkakataon na magkaclosure kami pero ang ginawa ko..ayun minahal pa sya ng minahal

sa pagtakbo ko at pagkawala sa sarili..di ko namalayan na sumakay na pala ako ng jeep at nagbayad..ganun ata talaga kalipad ang utak ko hanggang sa napansin ko na lang na nasa labas na ako ng gate ng school ko at sira din talaga ang tuktok ko na pumasok pa ako..

kahit na last day na dapat at bukas ang christmas party ng mga bata..nasa mga classrooms pa din sila para sa nga huling assignments sa bakasyin..wala na naman akong problema doon dahil nagbigay na ako ng advance assignments sa kanila..sabihin na lang natin na kj talaga ako..

balak ko sana dumerecho sa tahimik na parte ng school kaso di ata yun mangyayari dahil pagpasok ko pa lang..

"suskopo Raffa!anong nangyari sayo?"

napalingon ako sa tabi ko "ate minds"

bigla nyang hinila ang kamay ko "ano ba nangyari sayo..ayteka..tara na lang kay Evan at magkausap na tayong lahat" maliban sa lakas makabatak nitong si ate minds..wala na din ako sa wisyong makipaghilaan pa

at ayun nga..hinila ako ni tita minds sa opisina ni sir evan..nakabangga pa nga namin si Ren sa may pintuan..at bago pa ako makareact pinaupo na ako ni tita minds sa upuan..narinig na lang namin na nagsara ang pinto at tiningnan na ako ni sir evan

"anong nangyari?"

ewan ko..sa simpleng pagtatanong na yun..naging emotional na ako hanggang sa nasabi ko na yung nangyari sa ospital minus yung kay james na part..

pagkatapos ng kwento ko..inabutan ako ni sir ng tissue..pati nga si ate minds naiyak na din at natatawa na lang si sir na inabutan din ito ng tissue

"alam ko na noon pa na mahal ka ng batang yun.." panimula ni ate minds "sa bawat umaga lagi nya pinapalalahanan ako na tirhan ka ng pinakamasarap sa main course ko bawat araw..ikaw lang at walang iba..tapos lagi syang masaya kapag kinukwento nya ang kalokohan nyo pero kapag ikaw na binibida nya..daig pa nya ang isang ina sa sobrang pagkaproud..pero ang di ko matanggap ay bakit ganyan ang mga desisyon nya..kaya naman ayan..huli na ang lahat"

"Minda..tama na yan" tapos tumingin sya sa akin"ano ba ang rason kung bakit ka naiyak?"

"ano ba namang klaseng tanong yan Eva-"

"nasasaktan ka ba dahil sa ngayon mo lang nalaman ang lahat? nasasaktan ka ba dahil sa mga nasayang na oras?o nasasaktan ka dahil hindi mo kayang bitawan sya..si james..kahit na alam mong sa pagkakataong ito..sa buhay na ito..hindi na kayo pwedeng magsama kahit na mahal nyo ang isat isa?"

jusko naman sir..wag ganyan..pakiramdam ko ang sama sama ko naman "masama po ba ang masaktan?"

umiling si sir at hinawakan ang kamay ko "hindi masama an masaktan..pero may mga bagay na kahit hindi masama..kailangan mo ding palayain dahil kapag di ka pa bumitiw..baka nga maging masama na din yun"

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon