30 seconds to Eternity (Chapter 18- The 'J' Brothers)

4.4K 102 31
                                    

Chapter 18- The ‘J’ Brothers

Normal POV

Okay naman yung araw ko simula ng sinundo ako ni Dy kahapon.. pinasaya nya ako lalo dahil nanlibre sya ng Italian cuisine kahapon ng bongga dahil natanggap sya sa isang company at gusto nila mag-invest sa mga creations ni Dy.. O di ba?ang taray ni pinsan!ang yaman!haha, yun nga lang masamang-masama ang loob ni Gabby dahil carbs carbs carbs na naman daw yun.. minsan iniisip ko talaga na bading yung kapatid ko

Kaya maganda ang gising ko na tipong kahit emo_mode yung si James mas pinili kong hindi sya intindihin para maging okay ang araw ko.. kaya naman ayun nagpaquiz ako ng bongga sa mga fourth year at nagpa-activity lang ako sa mga first year kaya naman eto ako ngayon nasa garden at nakaupo sa may bench dito at nakatingin lang sa langit habang nakikinig ng ‘SPY ng Super Junior’ at dinededma pa din si James na hindi din naman ako trip pansinin

Pinalabas ko ang mga first year ko para sa experiment/activity nila kaya naman lahat sila kagulo ngayon pero binantaan ko na sila na hanggang hindi nagbebell walang gagambala sa akin o ipapatikim ko sa kanila ang nagpatuyo sa braincells ng mga ate at kuya nila

Na, na, na, nareul saranghan
Spy girl
Deo, deo, deo meolli darana
Chimchakhan sonkkeuteul tteona
Pyojeoge kkochil ttae neukkyeojyeo
Simjangi michin deut ttwigo
Meorineun chagawojyeo a-hey

Yan lang ang kinakanta ko kanina pa with matching pagta-tap pa ng kamay at pag-galaw pa ng ulo habang iniimagine ang aking Kyuhyun, Leeteuk at Sungmin babies ko ng biglang nagsalita si James

“dinodrawing ka na naman nung may crush sayo na estudyante mo”  dahil sa sinabi ni James kaya inalis ko yung headset ko at nagsalita

“sabi ng kapag may gumulo sa akin..magbibigay ako ng bonggang-bonggang quiz..kasama sa paggugulo ang pagdadrawing sa akin..Joshua”

Bigla syang tumalon sa tinataguan nya at parang gulat na gulat dahil alam ko kung nasaan sya..bigla syang lumapit sa akin na parang hiyang-hiya

“sorry po Miss Ortega” tapos medyo may pagkakamot pa sa ulo

Ay nako..kung di ka lang cute na bata ka!haha..LOL “okay lang..eto naman binibiro lang kita” nakangiti kong sabi sa kanya “teka nga..bakit ba ako ang lagi mong dinodrawing ha Joshua?”

Napatigil sya sa pagkakamot at nakikita ko syang namumula.. d*mn!ang cute talaga nya.. yung tipong parang batang Harry Potter lang basta ganun!!so kawaiiiii!haha..ayteka raffa!wag ka nga dyan “astig po kasi kayo” mahina nyang sabi

At hindi ko na napigilang mapatawa ng sobra sa kanya at ginulo ko yung buhok nya tapos tiningnan ko syang mabuti noon “okay lang ba kung makita ko yang mga drawings mo?”

Nakita kong nagulat sya pero unti-unti nyang ibinigay yung sketchpad nya at

O_O

Napa-gasp ako sa nakita ko..

Yung tipong parang ako nakakita ng picture na kinuhanan ng camera in a pencil way lang..basta ganun.. yung way na nakatagilid yung ulo ko dahil sa pakikinig ng music pati yung kamay ko na parang nagtatap..lahat..kuhang-kuha nya pati yung reaction ko.. pati yung nakataas sa bench yung paa ko na naka-lotus style ako..lahat na.. lalo na yung mukha ko mismo..basta..

30 seconds to EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon