Chapter 2: The Bargain

1 1 0
                                    

LILY

Nagising ako sa nakakairitang tunog na nagmumula sa alarm clock na nasa bedside table ko kaya naman ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inaantok pa ako pero wala akong choice dahil sa punyetang alarm clock na 'yan ay gising na gising na ang diwa ko. Tumingin ako sa mag-kabilang side ng kama ko at halos mapabalikwas ako sa kinahihigaan ko sa sobrang gulat dahil nagkalat ang mga maids sa buong kwarto ko.

"Good morning, Madamé!" sabay-sabay na bati ng mga ito. At ayan nanaman sila sa 'Madame' na 'yan at hindi ko maiwasan ang mairita sa sobrang pagiging pormal nila. Ang creepy nila, legit. At hindi iyon nakakatuwa. At ang nakakapag-taka lamang ay bakit sila nandito mismo sa harapan ko at sa loob ng kwarto ko? Wag niyong sabihing buong gabi nila ako binantayan? "Naka-handa na po ang breakfast niyo sa baba."

"T-teka, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa mga ito.

"Nandito ho kami para ayusan kay—" hindi ko na hinayaang tapusin ang sasabihin niya ng itaas ko ang kaliwang kamay ko. Ayoko sa mga ganitong klase ng setup, naiinis ako.

"Masyado kayong pormal magsalita! Nakakairita kayong lahat! At isa pa, kaya ko ang sarili ko dahil nabuhay akong mag-isa sa Japan at kailanma'y hindi ko kailangan ng tulong ng kung sino man. Naiintindihan niyo ba?!" at alas sais pa lang naman ng umaga pero iyon na ata ang pinaka-mahabang sinabi ko sa tanang buhay ko, punyeta! Hindi ko naman lubos isipin na ganito ang gagawing treatment saakin ni Mommy. Kung ganito lang naman ang magiging sitwasyon ko ay mas gugustuhin ko na lang na bumalik sa Japan para makipag-basag ulo ulit, jusko!

"Pero iyon po ang ipinag-uutos ni M—"

"Kaya. Ko. Ang. Sarili. Ko." matigas na sagot ko dito. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Ramdam kong nakasunod sila saakin at ang natira sa mga ito ay mukhang inayos ang aking higaan. Wala ba silang balak na tigilan ako sa kakasunod saakin? Ano sila? Aso?

Nang matapos akong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto upang maligo. Napansin ko rin ang mga damit na naka-handa sa higaan ko at hindi ko nagustuhan iyon kaya naman ay dumako ako sa direksyon ng mga maleta ko at hinalukat ang mga damit ko doon.

Napansin ko ang isang kulay khaki na cargo pants at isang oversized t-shirt na may mukha ni Billie Eilish sa maleta ko at iyon na ang isinuot ko. Nag-suot na rin ako ng kulay itim na chunky sneakers para bumagay sa suot ko.

Pagbaba ko sa hagdan ay bumungad sa harapan ko ang mga gulat nilang mga ekspresyon. Nakakapagtaka lamang bakit ganun ang mga reaksyon nila, ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa?

"Madamé, bakit ganyan po ang suot ninyo?" naguguluhang tanong ng isang maid saakin. Napatingin naman ako sa suot ko at masasabi kong wala namang masama sa suot ko, hindi ba? Hindi naman masyadong magarbo ito at mas lalo namang hindi nakaka-bastos kung tignan, diba?

"Anong mali sa suot ko, ha? At ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin sa inyo na lubayan niyo ako?!" mahinahon ngunit balagbag na sagot ko sa mga 'to. Napayuko naman ang mga ito sa sobrang hiya. Kahit ako mismo ay hindi ko gusto ang mga salitang lumabas sa bibig ko pero hindi ko talaga maiwasang mairita sa kanila. Ayoko sa presensya nila at mas ayaw kong kinokontrol ni Mommy ang buhay ko sa pamamagitan nila. Oo, ginagawa lang nila ang pinag-uutos ni Mommy at alam kong mali din ang actions ko pero wala akong ibang choice.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin ang isang pack ko ng sigarilyo at dumiretso sa kusina upang mag-timpla ng kape. Lumabas ako sa front porch ng bahay namin at kasabay nito ay nagsindi ako ng sigarilyo at ninannam ko ang hagod ng nicotine sa lalamunan ko kasabay ng pag-higop ko sa aking mainit na kape.

"Good morning, Miss Arcadia." bati saakin ng isang lalaki kaya nama'y napalingon ako sa direksyon nito. Mukhang nasa mid 30s ang isang 'to, naka-suot ng suit and tie na sobrang pormal para sa init ng panahon ngayon at may dala itong leather briefcase na kulay brown. Napataas naman ang kilay ko sa gawi niya. Sino naman ang isang 'to? "I'm Ambrosio Clemente, ang family secretary ng mga Arcadia. Andito po ako ngayon para ipaliwanag sainyo ang papasukan niyong skwelahan."

Enigma: The Black Lily (Queen Series, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon