Chapter 5: Lily and The Vipers (Part 2)

1 1 0
                                    

LILY

Matapos ang insidenteng iyon ay halos gusto kong humagalpak sa sobrang dahil sa hitsura ng mga babaeng nasa loob kanina ng CR matapos ng ginawa ko kanina. Base sa hitsura ng mga ito ay hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari sa kanila at namumutla pa din ang mga ito sa sobrang kaba.

Pagpasok ko sa loob ng locker room ay natahimik silang ng makita nila ako. Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw ng mga ito at kailanma'y hindi na nila balak pang ulitin kung ano man ang nangyari sakanila dahil hindi ako nakikipag-biruan. Kaya kong lagyan ng magazine ang dala kong baril para paputukan silang isa-isa. Mabilis akong nag-bihis ng PE Uniform. Kulay itim ang pants nito at sa mag-kabilang side naman ay may isang mahabang linya na kulay gold at kulay pula naman ang t-shirt na may logo ng school sa left chest nito.

Paglabas ko ng Gymnasium ay laking gulat ko na lamang ng makitang wala nang tao kaya naman napatingin ako sa suot kong relo at napansing hindi pa naman time kaya baka nagsilabasan lang ang karamihan sa mga ito para magliwaliw.

Tahimik lang akong naupo sa pinaka-taas na part ng bleachers habang inaantay silang lahat,  napayuko na lamang ako sa sobrang inip na nararamdaman. Maya-maya pa'y may naramdaman akong papalapit sa direksyon ko kaya umangat ang tingin ko sa direksyon nito at nag-salubong ang titig namin sa isa't-isa. Napa-ngiti ito ng nakaka-loko kaya nama'y iba ang pakiramdam ko sa isang 'to a.

"Anong meron?" mahinahon kong tanong rito kahit na kanina pa ako naiirita sa mga katarantaduhang pinaggagawa ng mga estudyante dito. Ganto ba talaga ang ugali ng mga taong pinapa-pasok ni Mommy sa school? Mga isip bata at kulang sa aruga? Aba, kung ganyan lang naman pala ang mangyayari ay wala akong ibang choice kundi paki-usapan ulit si Mr. Clemente na ipakilala ako bilang anak ng may-ari ng school na 'to para magka-alaman na.

"Hindi talaga ako makapaniwala kung saan mo nakukuha 'yang kapal ng apog mo para magtapang-tapangan e 'no?!" nangangalaiting sigaw ni tigyawat. Mukha na siyang tigyawat na may kaunting tao dahil sa dami at lalaki ng mga tigyawat niya sa buong mukha niya e. Nakakadiri siya tignan, ew. "Ang yabang mo masyado. Akala mo naman ikaw ang may-ari ng school?"

"So, what's the real deal here?" kunwaring naguguluhang tanong ko naman dito at hindi ko alam kung ako lang ba pero gusto kong matawa sa naging reaksyon nito. Dahil nagawa ko siyang mainis ng walang kahirap-hirap na halos lahat ng tigyawat sa mukha ay nagsimulang mamula. Saka ako naman talaga ang may-ari ng school na 'to, e. Iyon nga lang lowkey person mo na ako sa oras na 'to dahil masyado pa akong nag-eenjoy na inisin sila.

"Kilalanin mo muna ang mga binabangga mo, Miss. At sinasabi ko sayo baka hindi ka na makalabas ng buhay dito." pagbabanta naman ng isang lalaki sa di kalayuan. Ay wow sumasapaw sa eksena ni Boy Tigyawat. Bet ko 'yan, accla.

"Eh sino ba kayo? Ahh, mga estudyanteng sunod-sunuran sa mga walang kwentang Vipers? 'Yan ba ang pinagmamalaki niyong grupo?"

"At talaga nga namang hindi ka pa rin tinatablan ng takot sa katawan e 'no? Tignan natin kung hanggang saan ka aabutin niyang angas mo kung makakalabas ka ng buhay dito sa gym ngayon."

"At paano kapag kayo ang hindi na sikatan ng araw sa mga oras na 'to? Anong mapapala ko sainyo?" naghahamon kong tanong pabalik sa kanya. At napatunganga naman ito sa kanyang kinatatayuan. Oh, bakit bigla yata umatras ang mga buntot ng mga isang 'to? Hindi ko rin maintindihan ang mga isang 'to, jusko! Kung alam lang nila kung gaano kadaming tao ang gusto akong patayin sa mga oras na 'to, literal.

Sigurado na ba ang mga 'to sa mga desisyon nila sa buhay? Punyeta! Baka hindi man lamang ako pag-pawisan kapag binanatan ko ang mga ulupong na 'to, ha. Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat ay inuubos ang oras ko.

"Y'all are so eager to kill me, huh?" walang ganang sambit ko at prenteng sumandal sa pader na kinauupuan ko. "Then what are you waiting for? Bring it on."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enigma: The Black Lily (Queen Series, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon