Chapter 4: Lily and The Vipers (Part 1)

0 1 0
                                    

LILY

Ang pinaka-ayoko talaga sa lahat ay ang sinusubok ang pasensya ko. At dahil nangangalaiti ako sa sobrang ay minabuti ko na lamang na lumabas ng classroom para kumalma. Aaminin kong ayokong maka-sakit ng sobra kaya hangga't maaari ay iiwas ako para naman mapigilan ko ang sarili kong mag-amok. Alam ko sa sarili ko ang kaya kong gawin at hangga't kaya kong pilitin ang sarili kong maging kalmado, ay gagawin ko.

"Oh, andito na pala 'tong maangas na new student e? Ang lakas ng loob mong gumawa ng eksena, akala mo naman talaga malakas ka e 'no?" pambubuska naman ng isang lalaking bansot na naka-salubong ko. Hinayaan ko na lamang ito at nilampasan ito. Tandaan mo, Lily. Pilitin mo ang sarili mong maging kalmado. Bansot na nga ang isang 'yon at kapag hindi ko siya natantya ay mas lalo siyang lumiit sa hitsura niyang 'yan, sinasabi ko talaga. "Aba, bastos pala 'to e! Hoy! Kinakausap pa kita!"

As if on cue, naramdaman ko na lang na may biglang humatak sa buhok ko at hinataw ako ng isang malakas sa sampal. Kaya naman napahawak ako sa labi ko at alam ko sa sarili kong namasa ang parteng iyon. Dugo. Napatingin ako sa direksyon ng mga ito at nanlilisik ang mga tingin ko.

"Kakasabi ko lang kanina at uulitin ko ulit ngayon, next time, kikilalanin niyo muna ang kakantiin niyo at baka hindi ko kayo matantya at baka sa hukay kayo pulutin." pagbabanta ko sa mga ito at hindi pa nagtatapos doon ang pagbabantang ginawa ko. Ginawaran ko ang mga ito ng malakas na suntok sa mukha at sikmura at kitang-kita mo sa ekspresyon ng kanilang mukha ang iniinda nilang sakit dala 'non. At wala akong pakialam. They deserve that shit.

"At sino ka naman para katakutan, aber?!" at talaga nga namang hindi pa napapagod ang unanong 'to. At dahil hindi ko na magawang pakalmahin ang sarili ko ay muli ko itong sinugod at binigyan ng isang matamis na flying kick sa mukha at tumalsik ito sa pader at masasabi kong kritikal ang magiging kondisyon ng unanong 'to.

Hangga't maaari ay 'yan lamang ang gagawin ko sa mga taong pinepeste ang araw ko. Aaminin ko sa tuwing nakikipag-laban ako ay minimal lamang ang ginagawa kong pananakit sa mga ito dahil muntikan na akong maka-patay sa pakikipag-laban.

Umalis na ako sa harapan nila at bumalik sa classroom. Malayo pa lang ay halos mag-pantig na ang tenga ko sa sobrang lakas ng tilian ng mga babaeng palaka sa loob ng classroom namin. At mukhang hindi na ako magugulat kung ano ang maaabutan ko.

Pero nakakapagtaka lang na bakit sila andito mismo?! Oo, lahat ng members ng Vipers ay nasa loob ng classroom. Don't tell me kaklase ko sila sa subject na 'to? Talaga nga naman ang pagkakataon, oo.

"So, the rumors are true all along. That we have a new toy to be played with, huh?" sabi nung isang lalaking miyembro ng Vipers at sa pagkaka-alala ko ang pangalan nito ay Shieldler? If I'm not mistaken. Hindi ko sila pinansin at dumiretso na lang sa upuan ko at tahimik na naupo dito. Ginawa ko lahat ng pwede kong gawin upang pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi pa yata sila kuntento na nakita na nila ako at nagawa pang lumapit ng mga ulupong sa harap ko.

"Totoo ba ang chismis na ikaw daw ang nagtatapang-tapangan dito, Miss?" usisa naman ng isang miyembro na nagngangalang Allen, no, scratch that, it's not his real name thou.

"Well, hindi naman ako aware na chismoso ka pala?" pabalang na sagot ko naman dito. Kaya naman halos mabuhay ang tensyon sa pagitan namin ng Vipers sa naging sagot ko kay Allen.

Malakas na hinampas ni Lorenzo ang mesa ko at dahil nga sa hindi uubra ang ganyan pakulo sa akin ay kalmado at komportable pa rin akong naka-upo sa aking upuan habang nakikipag-laban ng titigan sa kanila. Is that all they got? Cheap naman.

"You don't know who I am, Miss. So, please be mindful of your w—"

"Do I really have to?" pag-pigil ko naman sa sunod na sasabihin nito. Hinawakan niya ang gitnang bahagi nang baba ko pero komportable pa din akong naka-upo at walang ganang nakikipag-titigan sa mga nanlilisik nilang mata. Grabe naman 'tong mga 'to! May lahi ba silang aswang? Gusto kong humalakhak sa kadahilanang wala pa naman akong masyadong ginagawa pero halos nangangalaiti na sila sa sobrang galit.

Enigma: The Black Lily (Queen Series, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon