"Kris hijo, gising na, may pasok pa kayo ni brice." saad ni manang na nasa labas ng pinto.
"Opo, gising na po ako." sagot ko.
Kanina pa talaga ako gising, naka-uniform na nga ako eh, ayoko kasi munang bumaba, nagiisip ako kasi parang ambilis talaga ng mga pangyayare sa buhay ko. biruin mo natanggap kagad ako dito sa trabaho ko. sagot na nila tuition ko (sa kanila kasi ang st. matthew diba.) sagot nila pamasahe ko (sabay kami ni brice) may sweldo pa akong 15.000 kada buwan, oh diba?! daig ko pa ang mga talagang nagtatrabaho xD
Bumaba na ako at sinabi sa akin ni manang na hinihintay na ako nila mr. montereal sa dinning room kaya agad ako pumunta doon.
"have a sit." paanyaya nya sakin.
"nasaan na po si brice?" tanong ko kasi lagi nalang sya nawawala tuwing kumakain kami kaya nakakapag-taka lang.
"sa school na yun kakain." sabay bitaw ng pilit na ngiti.
Hindi kami nag-iimikan habang kami ay kumakain. akwardness, haha!
"hindi ka pa ba tapos kumain?" napitlag ako sa narinig ko, lumingon ako sa likod ni Mr. montereal nakita ko doon si brice na naka mapaywang at nakasuot na ng uniporme at may sukbit na bag.
"oo tapos na ako." sabi ko sabay tayo. sumenyas na ako kay mr. montereal na aalis na kami tango lang ang sagot nya. lumabas na si brice at sumunod naman ako sa kanya. sumakay sya sa likod ng kotse at sumunod na ako sa kanya. sumakay na din ako sa kabilang bahagi ng kotse. may driver kasi kaya parehas kami sa likod.
Wala kaming imikan hanggang sa nakarating na kami sa st. matthew. nauna na sya naglakad iba ang daan na dinaanan nya.
"bantayan mo si sir. brice." sabi ni manong driver na kinalingon ko.
"Opo. trabaho ko po iyon." sabay ngiti ko sa kanya, binalik ko ang tingin ko sa dinadaanan ni brice pero wala na sya., saan kaya sya nag-punta? ugh! dumaretso nalang ako sa room, buti nalang wala pa ang teacher namin.
Natapos na ang 3 subjects namin at break-time na! hays! nagugutom na ako, konti lang kasi nakain ko kanina tinawag kasi ako agad ni brice -,-
"hindi ka pa ba sasabay samin?" tanong ni ryan sakin habang nag-aayos ako ng sarili.
"sasabay ako, wait lang." sagot ko.
" 'lika na!"
sabay-sabay kaming nag-lalakad papunta sa canteen ng nagtanong sakin si andy.
"Saan ka nga pala nagta-trabaho?," tanong na nagpa-nganga sakin. paktay!
"Ah.. eh, sa ano--?" pero naputol ang sasabihin ko ng mapansin kong andaming nagtatakbuhan.
"luh?! bakit andaming nanabakbo?" tanong sa hangin ni ryan, pero nanatili lang ako nagmamasid sa mga nagtatakbuhan.
"wait lang itatanong ko." andy.
Nanghablot sya ng lalake ng isang lalake na tumatakbo papunta sa likod ng school, "kuya, kuya anong nangyare? bakit sila nagtatakbuhan?" tanong ni andy doon sa lalake. "may away daw kasi sa may likod ng school, si brice na naman daw ata."
Pagkarinig ko don, automatic na tumakbo ako sa likod ng school, kinakabahan ako, bakit na naman kaya nakikipag-away yun si brice?, walastik naman yun oh!
Hapong-hapo ng makarating ako sa likod ng school, marami nang tao, kaya nakipagsiksikan ako, "excuse me,." "excuse" hanggang sa makarating na ako sa may gitna.
Nagulat ako sa nakita ko, si brice, puro dugo at sugat habang tuloy pa din sya sa pakikipag-suntukan, walang planong umawat kaya, naglakas loob akong umawat. hinawakan ko si brice sa braso tsaka ko sya hinila palayo doon sa kasunkukan nyang lalake
BINABASA MO ANG
Loving A Bastard Guy [BxB]
RomanceNaghanap lang naman ako ng trabaho dahil wala akong pang-tuition sa pinapasukan kong school. Sa di inaasahan pangyayari nang dahil sa katangahan ko.... NAKAHANAP NA AKO NG TRABAHO. ( w/ instant lover? ) pero...... Ang akala kong trabaho na maayos at...