"Sasabay ka ba samin?" tanong sakin ni ryan habang naka-upo lang ako sa upuan ko dahil antok na antok na talaga ako, kanina nga habang nagle-lesson si Mrs. Rodriguez sa biology kanina pa-pikit-pikit na ako dahil sa antok ko.
"hindi muna, i-idlip muna ako dito, inaantok na talaga ako eh" matamlay kong sagot sa tanong nya.
"sige, ikaw ang bahala."
Kanina kasing umaga, maaga ako nagising kasi ang akala ko maaga papasok si brice, yun pala hindi sya papasok kasi may lagnat sya. umuwi daw kasi ng lasing kahapon at basang-basa dahil nagpa-ulan sabi ni manang sakin kanina kaya kaylangan ko daw umuwi agad para alagaan si brice.
Habang tumatagal naman ay mas lalong nagiging demonyo yung amo ko. biruin mo linisin ko daw yung banyo nya tapos plantsahin ko daw yung mga damit nya Take-note LAHAT ng damit nya, para may mapa-gawa lang sya sakin. kaya kahit mahirap, ginawa ko nalang bayad naman yung pagta-trabaho ko eh.
Matapos ang klase ay agad-agad akong nag-ayos ng gamit para maka-uwi agad ako. gusto pa ako isabay ni andy para daw magkaroon kami maikling bonding pero tinanggihan ko ito. kaya nalungkot naman si andy kaya ang sabi ko nalang ay "Babawi ako PROMISE." bumalik na din sa dati ang mood nya, hayys.
Pag-labas ko ng school ko, habang naghi-hintay ako ng tricycle, may natanaw ako sa may poste na naka-masid sakin, anong ginagawa nya dito? may klase sya ngayon diba? naku, isusumbong ko sya. at nang napansin nya na naka-tingin ako sa kanya, lumapit sya sakin ng naka-ngiti.
"polpol, anong ginagawa mo dito? wala ka bang pasok?" tanong ko ng maka-lapit na sya sakin.
"wala kaka-dismiss lang." hindi pa din mawala ang ngiti sa mukha nya.
"eh, anong ginagawa mo dito? bakit di ka pa umuwi?"
"bakit masama ka bang dalawin? kain naman tayo dun sa isang fast food chain sa may kanto." alok nya sa akin, gustuhin ko man ay hindi maaari kasi nga kaylangan ko pa mag-alaga ng isang damulag na may sakit.
"pasensya ka na polpol ha? kaylangan ko na kasi umuwi sa pinagta-trabahuhan ko," hindi maiwasan na malungkot dahil natanggihan ko sya at bakas din sa mukha nya ang lungkot.
"kahit sandali lang, kakain lang tayo." pilit nya sa akin.
"sorry talaga polpol, may sakit kasi amo ko ngayon, walang mag-aalaga sa kanya." hays, sana maintindihan nya ako.
"sige na nga.. sino ba kasi yang amo mo na yan?"
"maki-kilala mo rin sya. basta, babawe talaga ako sayo, sa inyo ni untie, pangako ko yan." at nag-promise sign ako sa kanya.
"okay., sabi mo eh." sabay ngumiti na sya ng maaliwalas.
Pina-sakay nya muna ako ng tricycle bago sya umuwi, habang naka-sakay ako sa tricycle naka-tingin lang sya sa akin na para bang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa, parang may gusto sya ilabas na ewan. WEIRD nya talaga, iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.
"Oh, nandyan ka na pala" bungad sakin ni manang nang nasa may pinto na ako. bakit parang ang tahimik ng bahay? nasan na yung mga maid na maiingay? nasaan na sila?
"bakit po parang antahimik ng bahay? nasaan na nga po pala yung ibang maid?" bigla naman lumungkot ang mukha nya nang tanungin ko sya.
"um- wala n-na kasi yu-yung mga maid eh." bigla naman napakunot ang noo ko sa sinabi ni manang.
"ha? bakit? anong nangyare?" inikot ko ang mata ko nagbabaka-sakali akong makita yung mga maid,
"tinopak kasi si brice kanina." bigo akong makita ang mga maid na naging kaibigan ko kahit sa maikling panahon lang.
BINABASA MO ANG
Loving A Bastard Guy [BxB]
RomanceNaghanap lang naman ako ng trabaho dahil wala akong pang-tuition sa pinapasukan kong school. Sa di inaasahan pangyayari nang dahil sa katangahan ko.... NAKAHANAP NA AKO NG TRABAHO. ( w/ instant lover? ) pero...... Ang akala kong trabaho na maayos at...