Wala na akong nagawa kun'di umakyat sa rooftop at simulan mag-laba, labag man sa kalooban ko, kaylangan kong gawin trabaho ko ito. kaya kakayanin ko.
Sinimulan ko na ang pagla-laba, sa una medyo mahirap lalo na pag-nilagyan mo na ng tubig ang bed-sheet at kusutin ito, sobrang bigat nya at ang hirap pigain, may washing machine naman dito kaso ayoko nang gamitin kasi hindi kaya ang bed-sheet na ganito kabigat kaya, kinamay ko nalang na labhan, baka mamaya masira ko pa yun, mag-bayad pa ako.
Pagka-tapos ko mag laba ay sinampay ko na ang kobre kama nya na (mabigat) at mga punda ng unan, ramdam na ramdam ko na ang ang pagod, pero titiisin ko 'to para sa pag-aaral ko. kaya kahit pagod na ay bumaba parin ako sa kwarto ni brice para mag-linis.
Pag-pasok ko sa kwarto ay mas lalong gumulo at dumumi ang nasa loob at amoy na amoy ang usok ng sigarilyo, napansin ko na wala si brice kaya sinimulan ko na ang pag-lilinis.
Lumipas ang mga minuto ay natapos na din ako mag-linis ng madumi at magulong kwarto ng master (kuno) ko. napaupo nalang ako kama niya, malambot sya, malinis na kasi nilinis ko -,- di ko namalayan na naka-higa na ako at naka-tulog ng mahimbing.
*Brice Ashley POV
Kakatapos ko lang kumain ng mirienda habang nano-nood ng movie na hinanda ni manang para sakin, wala na naman ang magaling kong ama. nasa ibang bansa na naman para sa p*nyetang business na yan, tangna.
um-akyat na ako sa kwarto, titignan ko kung natapos nang linisin ni tope yung kwarto ko, sinadya ko talagang dumihan lalo yung kwarto ko para mahirapan sya ng husto, tignan ko lang kung hindi pa sya umalis dito. haha, pati yung kobre kama ko, di nya naman talaga trabaho yun, pinagawa ko lang sa kanya. gusto ko kasi makitang nahihirapan yang si tope!
Pag-pasok ko sa kwarto ko nakita ko na naka-higa si tope sa kama ko, aba't! dyan pa talaga sya natulog ha?!! ang kapal naman ng mukha nyang mahiga sa kama ko.!!
Lumapit ako sa kanya ko at nakita ko si tope na mahimbing na natutulog, naka-ramdam naman ako ng guilt. ewan ko kung bakit! basta parang naawa ako sa kanya. umulo ako sa tabi ng kama at pinag-masdan ang natutulog na si tope.
ewan ko kung bakit ako naaawa sa kanya hindi naman ako ganito ganito dati sa mga nag-daan na mga personal maid o muchacha ko, masaya nga akong nakikitang nahihirapan sila eh, halos matawa nga ako nung minsang inutusan ko yung isang yaya ko na paliguan si gordon na aso naming labrador, haha! lumuhod sya sa harapan ko at nag-mamakaawa na huwag daw yun ang i-utos ko sa kanya at ang sabi ko naman, "Edi umalis ka nalang, wala ka namang pakinabang! now, get out of my house!!" halos patakbo syang umalis sa bahay haha!
pero ngayon, ewan ko kung bakit ako naaawa dito sa taong 'to! hindi naman sya kaawa-awa. tsk. ewan, basta!
Sa sobrang pag-iisip ko ay di ko namalayan na nagising na pala sya. at dun ko lang na-realize na nakatulala pala ako sa kanya.
"bakit ka naka-higa sa kama ko? alam mo bang hindi ka nararapat mahiga dyan?! andumi mo na kaya." panggap ko na nagagalit. bumalikwas na sya ng bangon at agad na tumayo at nag-ayos.
"ah--eh, sorry po master napagod po kasi ako eh, pasensya na" utal na pag-hingi nya ng tawad, may kung ano na naman sakin ang naka-ramdam ng guilt.
tumayo na rin ako sa harapan nya at namaywang ako sa harap nya sabay sabing, "pagod ka na? edi umalis ka na! the door is open para sa mga taong katulad mo."
"hindi po sir," sagot nya. humarap ako sa bintana kung saan kita mo ang kawalan. "kakayanin ko 'to" halos hindibko maintindihan ang kanyang binulong.
humarap akong muli sa kanya. "may sinasabi ka?" anas ko sa kanya habang naka-yuko.
"ha? ah--eh- wala po, sasamsamin k-ko na p-po yung s-sinampay ko" at nag-madali na syang lumabas ng kwarto.
*Kristopher Earl POV
Dali-dali akong umakyat sa roof-top, tsaka ko lang naalala na hindi pa pala tuyo yung mga nilabhan ko. hays! kaya napag-desisyunan ko na umupo nalang sa isang upuan at pag-masadan ang kalangitan.
Napansin ko kanina na parang may iba sa kanya hindi ko lang alam kung ano yun, kasi kanina naka-tulala sya sakin, pero bigla nalang sya sigaw. likas na ata talaga sa kanya ang pagiging mainitin ang ulo kaya hindi ko maiwasan mapaisip kung bakit.
*
kinabukasan, ito na ang araw ng pag-kikita namin nila untie at polpol kaya, papunta lang ako sa bahay nila at doon ko igu-gugol ang buong araw ko. kaya ala-sais palang ay umalis na ako sa mansyo at dumaretso kagad ako sa bahay nila untie, at eto na nga nandito na kami sa hapag kainan at kasalukuyan kaming kumakain.
"ano hijo nagustuhan mo ba?" tanong ni untie na may pagka-sabik sabik sa kanyang mukha dahil siguro miss nya na ako..
"Opo! syempre, masarap pa rin ang mitsado nyo!" sagot ko na may tuwa.
"kamusta ka naman don? masama ba mga amo mo? lagi ka bang kumakain ng tama? nabayaran mo na ba tuition mo?" sunod-sunod na tanong ni polpol, weird!
"sunod-sunod talaga nak?" sabat ni untie na syang kina-irap ni polpol
"polpol, okay lang ako doon, pina-pakain naman nila ako, mabait naman ang amo ko-,- tsaka yung tungkol sa tuition oks na oks na yun." sagot ko kay polpol habang sya ay kumakain. "sila kasi may-ari ng St. Matthew." napa-tigil si polpol sa pag-kain at napa-nganga naman si untie.
"Totoo?!" -polpol.
"mukha ba akong nag-bibiro polpol?" pabiro kong tanong.
"nakaka-gulat lang, sa dinami-dami kasing pwdeng maging amo, may-ari pa ng school nyo." kaya nga eh, tadhana nga naman talaga.
Pagka-tapos namin kumain ay na-nood kami ng pelikulang, Pitch Perfect 2, na gustong-gusto ni untie, samantalang si KJ na polpol ay napaka-walang gana kung manood ng movie, pambabae daw kasi. nasa kalagitnaan na kami ng mag-tampo sya,
"iba nalang kasi!, kaka-bakla panoorin nyan eh." pag mamaktol nya, parang bata.
"ito nalang, ang KJ nito!" saway ko sa kanya. "minsan na nga lang tayo magkikita ganyan pa.." panggap na nagtatampo ako, kaya hinfi na sya umimik pa. Nice one!
Pagka-tapos namin manood ng Pitch Perfect 2, pumili ba kami ng pwedeng mapanood at ang napili ni untie ay ang The Avengers age of ultron na syang kinatuwa ni Polpol na parang bata -,-
Nasa kalagitnaan kami ng pano-nood ay napapansin ko si polpol na naka-tingin sa akin pero hindi ko nalang pinansin, ilang minuto lang naka-tingin na naman sya sa akin, ano na naman problema nito sakin?
Kaya ang ginawa ko nalang ay tinignan ko sya pero bigla nyang iniwas ang tingin nya sakin, hindi ko alam pero parang my kaka-iba sa kanya hindi ko lang mawari kung ano...
Nang magga-gabi na ay nag-paalam na ako kina untie at polpol gustuhin ko man na wag umalis ay hindi pwede dahil may trabaho ako. habang nagpa-paalam ako ay naka-tingin lang sakin si polpol wala man lang mababasa sa mukha nya. ano bang nang-yayari sa kanya? may nagawa ba akong mali?
Read●Vote●Comment
BINABASA MO ANG
Loving A Bastard Guy [BxB]
RomanceNaghanap lang naman ako ng trabaho dahil wala akong pang-tuition sa pinapasukan kong school. Sa di inaasahan pangyayari nang dahil sa katangahan ko.... NAKAHANAP NA AKO NG TRABAHO. ( w/ instant lover? ) pero...... Ang akala kong trabaho na maayos at...