"Manang gising na po ba si brice?" Ang aga ko naman nagising ngayon. Ewan ko lang kung bakit pero ang ganda ng gising ko
"Hindi pa hijo. Bakit?"
"Ako nalang po ang magluluto ng breakfast nya" napatigil naman si manang sa pagdidilig ng halaman tsaka humarap sakin.
"Naku. Wag, ako na magluluto." Akmang ititigil na nya yung pagdidilig pero pinigilan ko sya
"Manang kung ikaw ang gagawa edi parang wala na akong nagawa dito sa mansion. Sayang lang po binayad sakin ng daddy ni brice" tama naman. Hindi ako hari dito na wala akong gagawin.
"Oh sige hijo ikaw ang bahala" pumunta na ako sa kusina para mag-handa ng makakain ng mahal na prinsipe este brice pala.
Tinignan ko yung orasan, 5:12 am lang pala masyado napa-aga ang gising ko, at para hindi ako mabored habang hindi pa ako nagre-ready pumasok, pagluluto ko muna si tukmol. Hehe ano kaya pwede kong maluto para sa kanya? Soup nalang siguro kasi baka may sinat pa din sya.
--
*tok* *tok* *tok*
Siguro tulog pa yung tukmol na yon kaya walang sagot. Kaya binuksan ko unti-unti yung pintuan ng kwarto nya, nadatnan ko sya na tahimik pa ding nakahiga sa kama nya. Medyo maayos-ayos na din yung kwarto nya kasi nga araw-araw na nya pinapalinis yung kwarto nya.
Nilapag ko na sa side table yung pagkain nya. Paano ko ba gigisingin 'tong tukmol na 'to? Baka mamaya kasi mag-evolve sya sa pagiging dragon eh.
"Brice.." kinalabit ko sya sa braso nya pero wala pa din.
"Uy brice.." inulit kong kalabatin sya.
"Umm-" yan lang ang response nya?
"Uyy brice. Pinaghanda kita ng pagkain mo-" pero naputol ang sasabihin ko kasi natanggal yung kumot na nakataglob sa kanya dahil naka-brief lang pala sya! at take note yun lang ang suot nya jusqlord!
"Brice umayos ka nga!"
"Umm? Eto na- gising na" unti-unti na syang bumangon pero naka-pikit pa din. Ano ba namang tao 'to?!
"Brice ano ba?!" Nakaka-bwiset naman 'to. Ang hirap pala gisingin nitong tao na 'to!
"Bakit ka ba kasi nandito?!" Ouch ah. May sakit pa ba 'to? parang wala, lintik kung maka-sigaw eh.
"Pinaghanda lang naman kita ng makakain mo!" ako na nga yung nagke-care ako pa yung sisigawan? Kalma kris okay lang yan. Amo mo sya magpakumbaba ka nalang..
"Sinabi ko bang paghanda mo ako ng pagkain?" Napaka talaga!
"Ugh! Kung ayaw mo di wag!" Maka-alis na nga lang wala rin naman pala akong mapapala dito. Akmang kukunin ko na yung pagkain sa side table nang hawakan nya yung braso ko.
"Kakain na. Sayang naman yung pagkain baka kainin mo pa pag-labas mo" aba! Ako kakain? Anong palagay nya sakin patay gutom?! Kakakain ko lang kaya hehe.
"Hindi ko kakainin yan. Abno!"
"Mabuti kung ganon." Pero nanatili parin syang naka-upo, ano sa tingin nya ang ginagawa nya? Akala ko-
"Bakit naka-tunganga ka pa dyan? Sabi mo kakain ka? Ang gulo mo ring tao!" napa-kunot naman ang noo nya sa sinabi ko
"Ikaw lang kaya hinihintay ko."
"Ako? Ano naman gagawin ko?!"
"Susubuan mo lang naman ako" what?! Ugh! Baliw na ba 'tong lalake na 'to nakailang hithit ba 'to ng katol?
"Bakit ako? Hindi mo ba kayang subuan magisa ang sarili mo?!" Epekto siguro 'to ng pagkaka-sakit nya -,-
"Personal alipin este maid kita. Remember" ugh! Nakaka-bwiset na talaga 'tong lalake na 'to. Pero wala nga naman ako magagawa, MAID nga lang pala ako.
BINABASA MO ANG
Loving A Bastard Guy [BxB]
RomanceNaghanap lang naman ako ng trabaho dahil wala akong pang-tuition sa pinapasukan kong school. Sa di inaasahan pangyayari nang dahil sa katangahan ko.... NAKAHANAP NA AKO NG TRABAHO. ( w/ instant lover? ) pero...... Ang akala kong trabaho na maayos at...