Chapter* sikks

212 15 2
                                    

Nagising ako ng maaga dahil sa katok ni manang, maaga daw kasi kaming papasok ngayon dahil may pupuntahan si brice. as usual sabay na naman kami ni brice -,- nasigawan pa nga ako kanina kasi antagal ko daw kumain, ganito pa yon oh "HOY! ANTAGAL MO NAMAN KUMAIN! ARE YOU A GIRL?!! BILIS NAMAN!" kaya napa-bilis tuloy pag-kain ko, hindi na naman ako naka-kain ng maayos dahil dyan sa tukmol na yan.

"uy! tulaley ka na naman." sita sakin ni andie sa kaliwa ko, lumipat lang talaga sya ng upuan para daldalin ako.

"may iniisip lang" tugon ko sa kanya sabay tingin na naman sa labas ng room.

"sino or ano ba yang iniisip mo? lagi ka kasing ganyan lately." takang tanong nya sa akin, ewan ko ba kung bakit!

"wala, tsaka ko na sasabihin sayo."

"sus, saan ka na nga pala nagtatraba--" hindi na naituloy ni andie ang tanong nya,

"Good Morning class!!" dahil dumating na ang terror teacher namin sa math. hays, thanks maam i lab yu na! hihi

Lumipas ang 2 subject, Breaktime na! grabe gutom na ako 3 oras ba naman ang physics namin eh, sinong hindi mabuburyo tapos yung teacher pa namin puro test ang dala kaya pagod na. tsaka diba nga kanina hindi ako naka-kain ng madami dahil sa tukmol na si brice na lagi nalang nagmamadali,susko! ansarapa pa naman ng ulam bacon, sunny side up, bacon at sinangag. oh diba, mayaman na mayaman na. haha!

"Ano kakainin mo?" tanong sakin ni ryan habang naka-upo ako habang nagmamasid ng tao sa canteen. si andie naman ay naka-tutok sa cellphone nya, tsak na may ka-MU na naman 'to.

"siomai nalang na may kanin, ito bente" aabot ko na sana yung 20pessos ko pero bigla nalang sya umalis, ililibre na naman ako ni ryan. napaka-bait talaga nya hindi imposible na magka-gusto sa kanya ang mga kababaihan matalino, mabait, gwapo at maginoo saan ka pa?

Bumalik si ryan na dala ang order namin, nginitian nya muna ako bago umupo. para saan yun? hmm.. sabay-sabay kaming kumaing 3 habang nagke-kwentuhan ng kung ano-ano. hanggang sa malapit nang mag-time na pagpasyahan namin na pumunta na sa susunod na klase namin pero nagpaalam ako sa kanila na magc-cr muna ako, nag-lalakad ako patungo sa cr ng may bumangga sakin na lalaki, namumukaan ko sya isa sya sa mga naka-away ni brice.

"Pumunta ka sa likod Decs1 bldg kung gusto mo maabutan ang amo mong magaling." bulong nya sabay alis. natatakot ako na kung ano na namang aways ang maganap baka mamaya masangkot na naman sa gulo yon, patay na naman ako kay Mr. Monterial nung nakipag-away kasi sya na kasama ako, pinag-sabihan ako na ayusin ko naman daw ang pagba-bantay kay brice, nakakahiya naman >,

Nakarating ako sa likod ng Decs1 bldg, pero wala namang tao, walang bakas na may tao dito umikot ako sa para tignan ang paligid pero wala.

"Nandito na pala ang alipin ni kumag" may nag-salita sa likod ko, kaya humarap ako sa pinanggagalingan ng boses, at hindi nga ako nagkakamali sya yung naka-away ni brice at may 2 pa syang kasama na siga din ang dating. pero bakit wala si brice? nasaan sya?

"Nasaan si brice?" tanong ko sa kanila na walang sindak na makikita sa mukha ko.

"wag kang excited bata, gusto lang namin na gumanti, alam kong may namamagitan sa inyong dalawa," napa-nganga ako sa sinabi nya. may na mamagitan sa aming dalawa? pksht! oo! inaamin ko na bi. ako pero wala naman akong gusto sa tukmol na yun! tsaka hindi mang-yayari yon! hays -,-

"kaya sa tingin mas masasaktan sya kung sayo kami gaganti." saad sabay smirk, kung kanina wala akong kaba na nararamdaman iba na ngayon, sobrang kaba ko na, ano ba ang gagawin nila? kinakabahan ako!

Unti-unti silang lumalapit sa akin, ako naman ay hindi maka-alis sa kinatatayuan ko dahil na takoy na aking nararamdaman ko. habang lumalapit sila sa akin may bakas na galit sa kanilang mukha kaya lalong tumindi ang takot ko at kaba.

"wag na wag nyo sya kakantiin." may malimig na nag salita sa likod ko. humarap ako sa taong iyon (⊙o⊙)

"brice.?" sambit ko sa sobrang gulat, bakit sya nandito?

"Nandito na pala si bading." pang-aasar nung naka-away ni brice, ramdam ko na ang tensyon sa kanilang dalawa

"Ako? bading? g*go ka ah!! naririnig mo ba yang sinasabi mo?!!" galit na sabi ni brice akmang hahakbang na sya para sugurin at bugbugin ang mga iyon ng awatin ko sya.

"sus, deny pa! bakit? masarap ba yang shota mong silahis?!" pang-aasar pa ng mga kasamahan ng kaaway nya at nag-tawanan. lalong tumindi naman ang galit ni brice ng marinig yon.

"suntukan nalang oh?!! para malaman natin kung sino bakla!!" pangha-hamon ni brice na umuusok na ang tenga sa sobrang galit habang ako ay umaawat sa kanya dahil gustong gusto nya talagang patayin ang tatlong yun pero yung kaaway nya ay pa-easy-easy lang. parang walang takot na nararamdaman.

"Ano ba?!! tama na nga yan!" suway ko sa kanila, lahatng mata ay naka-tingin sakin kaya naman ay nanliit ako. "brice halika na, late na tayo sa klase natin" hinawakan ko sya sa braso para lisanin na ang lugar na yun.

kaya wala na syang nagawa ng sapilitan ko syang hilahin paalis doon, lihim naman na napa-ngiti ang mga kaaway nya at bago umalis ay tumingin sya ng masama sa tatlo.

*

Nang maka-uwi na kami ni brice ay padabog syang pumunta sa kwarto sa kadahilanang hindi ko alam.

Pumasok agad ako sa aking silid upang magawa na ang aking mga assignments, habang gumagawa ako ng homework, hindi ko mapigilan na mag-isip kung galit ba sakin si brice ng malaman nya na bakla ako, hindi naman totally bakla, bisexual naman nagkaka-gusto din kasi ako sa babae.

"kris, kakain na daw," pang-katok ni manang sa pinto na syang kina-sagot ko ng "opo, bababa na po." kaya inayos ko na ang gamit ko para bumaba sa hapag, lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa dinning area, at tulad ng dati ay wala na naman si brice -,-

Brice Ashley POV

Nandito ako sa kwarto ko, nakatingin sa bintana matatanaw mo ang ulap na nagbabadyang umulan, hinithit ko ang yosi ay sabay buntong hininga.

Nakipag-away na naman ako kanina dahil sa letcheng alipin ko. balak gumanti ng kaaway ko kay tope, tsk. ano na naman kaya ang balaknnyang gawin sa katulong o alipin ko na walang kwenta. Ang kinaiinisan ko lang tinawag ba naman akong bakla, aba! gago sya!! Never ako magiging bakla! Tapos ang sabi nya pa, "sus, deny pa! bakit? masarap ba yang shota mong silahis?!" ano tingin nya sakin papatulan ko yung katulong ko?! hindi ako low class na tao at hindi din ako bakla.

Bumaba ako sa kitchen para kumuha ng maka-kain, kumain naman na ako pero gusto ko pa ng snack. pagbaba ko sa kitchen ay naabutan ko si tope na naghu-hugas ng plato sa may sink, alam kong hindi nya ako napansin kaya pinag-masdan ko muna sya, ewan ko kung bakit ko ginagawa 'to, i really dont know.

"manang, nandyan po ba kayo?" -tope, naramdaman nya siguro na may tao sa likod nya, pero patuloy pa rin sya sa paghu-hugas ng mga plato.

"may utos na naman po si tukmol?" sinong tukmol?! ako?!! aba! sobra na 'to ah! kaya lumapit na ako sa kanya at kinalabit sya, humarap sya sa akin at makikita mo sa mukha nya ang gulat. tinaasan ko sya ng kilay.

"tukmol? ako?" sarkastikong tanong ko sa kanya habang sya naman ay naka-ngiting aso lang -,-

"Ah--- ehh-- um, hi-hindi i-kaw yon. hehe" saad nya sa tanong ko, lumapit pa ako lalo sa kanya, "Eh sino? hmm"

"Ah-- si ku-kuya alvin, y-yung driver. ma-makapag-utos kasi a-ano wa-wagas ba, hehe" utal nyang sagot sa akin, pero hindi pa din ako kampante sa sagot nya, para hindi na ako ma-stress sa taong ito ay tumalikod na ako at umakyat na ako sa kwarto ko para mag-dota.

Read●Vote●Comment

Loving A Bastard Guy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon