Umpisa palang ng araw problema na agad ang sumalubong sa kanya. Habang naglalakad papuntang paaralan ay hawak pa rin ni Dylan ang ulo niya , kinakapa ang bukol na nakuha niya nang hampasin siya ng mop sa ulo ni Kaye . "Ang lakas ng hampas niya , hindi ko naman sadya yun ha ? Tapos sya pa ang galit ngayon ?'' isip isip ni Dylan habang naglalakad .
Si Kaye naman ay mainit pa rin ang ulo dahil sa nangyari, habang nagbibihis siya kanina ay biglang pumasok si Dylan sa banyo dahil akala nito ay nasa kusina na si kaye, hindi niya alam na nagbibihis pa pala ito sa loob, sa sobrang gulat ni Kaye ay nahampas niya ito ng mop na nasa gilid ng pinto . Namumula ang mukha ni Dylan nang maalala niya ang tungkol dun dahil nakita niya si Kaye na ......
"ARAY !" sigaw niya nang pingutin ni Kaye ang tenga nya . "Anu na namang iniisip mo ?!" bulyaw ni Kaye sabay hatak sa tenga ni Dylan . "Wala naman akong iniisip eh ! Akala mo lang meron .." tanggi nito. "Tigilan mo na iyang kalokohan mo, late na tayo" sabi niya.
Sa loob ng klase ay busy ang lahat para sa nalalapit na examination bago ang summer vacation . Kanya-kanyang review ang lahat at ang iba ay naghahagilap na ng pwedeng magturo sa kanila ng ibang lessons. "Haayy... talaga naman ..." sambit ni Dylan pagkaupo sa silya dahil isa rin siya sa mga problemado para sa exam. Kapag bumagsak sila sa exam ay kailangan nilang ulitin iyon at siguradong hindi sila makakapag-summer vacation. Sa tabi niya naman ay sitting pretty nalang si Kaye dahil sigurado siyang papasa siya sa exam. Maya-maya pa'y dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase.
"..Haay~~" sambit ni Dylan sabay isinubsob ang ulo sa lamesang nasa harap niya. " Wala kang balak maglunch?" tanong ni Ms.President ng klase. "Pabayaan mo siya kung gusto niyang gutumin ang sarili niya." singit ni Kaye sabay irap. "'Kahit kelan talaga wala syang concern sa kin '' isip isip ni Dylan. "Hindi mo responsibilidad na pakainin siya Ms. President" dagdag pa ni Kaye. "Kampon ng demonyo ang katabi ko!" gustong magwala ni Dylan sa inis Kaye.
Pag-alis ni Ms. President ay tumayo na din si Kaye sa kinauupuan at iniligpit ang gamit niya. "Dun tayo sa roof top kumain" sambit ni Kaye sabay tapik sa balikat ni Dylan. Si Dylan naman na nakayuko pa rin sa lamesa niya ay nagulat nang tapikin siya ni Kaye. "Kahit pala ganyan siya may concern pa rin siya sa kin" naisip ni Dylan habang nakangiti. "Tumayo ka na, ano pang hinihintay mo, end of the world ?" pagtataray ni Kaye. "Eto na tatayo na po" sabay tayo ni Dylan.
Umakyat sa roof top ang dalawa para kumain ng lunch. Habang kumakain ng tahimik ay biglang nagtanong si Kaye, " May nakuha ka ng magtuturo sa yo ?" tanong nito, habang patuloy sa pagkain. "Sa kasamaang palad wala pa rin...." sagot ni Dylan sabay buntong hininga. "Ako nalang ang magtuturo sa'yo", napatingin si Dylan kay Kaye, nagkamali lang ba siya ng rinig o talagang sinabi iyon ni Kaye ? "A-anung sinabi mo ?" tanong niya. "Ano bingi ka na rin o tanga-tangahan lang ? Narinig mo na di'ba, uulitin ko pa ?" pambibwisit ni Kaye. "Eto naman oh ! Naniniguro lang eh .." Nakangiting wika niya. "Anu ba gusto mo ba o ayaw ?" , "Syempre gusto ko !" mabilis na sagot ni Dylan. Patuloy sa pagkain ng lunch ang dalawa nang may biglang umeksena.
"Kayong dalawa, andito lang pala kayo!" agaw atensyon ni Kristel kasama si James. "Kainis, maingay na naman" bulong ni Kaye na halatang naiinis sa pagdating ng maiingay nilang kaklase. "Kayong dalawa ha, lagi nalang kayong magkasama, nakakahalata na ko ha..?" panunukso ni Kristel sa dalawa. "Ano bang sinasabi mo !"mabilis na tanggi ni Dylan na halatang namula ang mukha sa sinabi ni Kristel.
"May gagawin ba kayo ngayong weekend?" tanong ni James.
"Wala naman, bakit?" tanong ni Dylan.
BINABASA MO ANG
=Dark Angel=
VampireDylan is a sixteen years old high school student. Ang gusto niya lang ay isang normal life dahil mula siya sa isang broken family. Pero one day, his life changed when he met Kaye, a pureblood vampire escaped from the vampire world. he will experienc...