The vampire revelation

421 2 0
                                    

          "Pa-paanong?.." sinubukan kong itanong sa kanya kung paano nawala ang mga sugat niya pero bigla siyang lumapit sa akin at pagkatapos........

           Nagising na lang ako at kinagat niya na pala ako sa leeg, meron siyang mga pangil at sinipsip niya ang dugo na parang isang...isang.... BAMPIRA!!

           Sa sobrang gulat ko ay itinulak ko siya ng malakas at napaupo ako sa sahig. Tinakpan ko ng kamay ang sugat sa leeg ko, ramdam ko ang dalawang sugat na gawa ng mga pangil niya sa'kin pati na rin ang dugo ko.

           "Baba-bampira ka?!" hindi ako makapaniwala na totoo pala ang mga bampira, ang buong akala ko ay kwento lang ang tungkol sa kanila.

           "Oo" ang sagot niya sa akin habang pinupunasan ang bibig niya. Sa takot ko ay nagmadali akong tumakbo palabas sana ng bahay kaya lang bigla na lang siyang lumitaw sa may pinto kaya napahinto ako, hindi ko alam kung paano siya napunta doon. 

           "Wag kang matakot, 'di kita sasaktan" ang sabi niya habang papalapit siya sa 'kin samantalang ako naman ay paatras na lumalakad palayo sa kanya. 

           "Ano ba talagang kailangan mo? Ba't di ka pa umalis?" tanong ko sa kanya.

           "Hindi mo kailangang matakot sa kin" sabi niya.

           "Sabihin mo muna sa kin kung sino ka talaga"

        Nag-usap kami at pagkatapos ay nalaman ko kung sino ba talaga siya. Isa siyang pureblood vampire at prinsesa sa mundo nila, tumakas siya doon at nagpunta sa mundo ng mga tao dahil pinagbibintangan siya na pumaslang sa kanyang ama na namumuno sa mundo nila. Marami ang may gusto sa trono ng hari pero siya lang ang nag-iisang pwedeng pumalit dito kaya pinalabas ng mga kalaban niya na siya ang pumatay dito upang mawalan siya ng karapatan sa trono.

            "Kung ganun, sino ang totoong pumatay sa ama mo?"

          "Si Chrono.."  siya ang malapit na pinagkakatiwalaan ng hari pero isa rin siya sa mga may balak na angkinin ang trono. Pinatay ni Chrono ang hari upang siya na ang pumalit sa pwesto nito.

           "Sorry sa ginawa ko kanina, di ko sinasadya" sabi ni Kaye.

           "Kalimutan mo na yun" sagot ni Dylan.

           "Anu na'ng plano mo ngayon?" 

           "Kailangan ko munang magtago, nagkalat ang mga bampira sa mundo ng tao"

           "Saan ka naman magtatago?" tanong ko sa kanya, pagkatapos ay tinitigan niya lang ako kaya  kinabahan  na 'ko, parang alam ko na ang nasa isip niya. lagot ako..

           "Dito sa bahay mo!" nakangiting sabi niya. 

           "A-ano?!" sabi ko na nga ba yan ang sasabihin niya

           "Bakit may angal ka?" nakakatakot na tanong niya sa kin

           "Wa-wala...eheh" paano ba ko napasok sa sitwasyon na to? ano nang gagawin ko ngayon? sigurado akong puro problema ang dala niya sa kin.......

            "Ano ba! matagal pa ba yan?!" 

            "E..eto na tapos na.." sabi ni Dylan na nawala sa sarili sa kakaisip. Habang kumakain ang dalawa, si Kaye naman ay nagtataka pa rin kay Dylan.

            "Ano ba kasing iniisip mo kanina?" tanong nito

            "Wala, may naalala lang ako" 

            "Mmph, nababaliw ka lang, buti pa mag pa-check up ka na sa doctor" sabi ni Kaye

            "Pwede ba kumain ka na nga lang" si Dylan naman ay malalim pa rin ang iniisip. 

   "Sigurado ko, marami pang problema ang darating sa "min....."

          Ang hindi nila alam ay magsisimula pa lang ang mga pagsubok na parating sa kanila........

=Dark Angel=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon