Worst day

301 0 1
                                    

                May mga nagpakitang bampira sa harapan nila. Hindi malaman ni Dylan ang gagawin dahil siguradong mabubuko sila kapag nagsimula ng gulo ang mga bampirang ito.

               "Kaye, anong gagawin natin?!" tarantang tanong ni Dylan.

              "Pwede ba, manahimik ka na lang jan" sabi nito. Hindi inaasahan ni Kaye na may magpapakitang bampira sa school. Ang akala niya wala pang nakakahanap sa kanya. Pero mukhang nagkamali siya, eto may nakahanap na nga sa kanya.

             "Ang tagal mong nagtago" sambit ng isa sa mga bampira sabay naghanda ng umatake. "Umilag ka!!" sigaw ni Kaye pagkatapos ay itinulak si Dylan nang sumugod sa kanila ang mga kalaban. Humagis si Dylan pagkatapos ay sumugod na rin si Kaye. Sa hangin ay biglang pinalabas ni Kaye ang katana niya at dinipensahan ang sarili. Napatay ni Kaye ang dalawa sa mga ito kaya lang yung tatlong natira ay si Dylan ang sinugod. 

          Pasugod na ang mga bampira kay Dylan, "WAHHH!!!!" ang akala ni Dylan ay katapusan niya na, nakita niya si Kaye na hinarang ang mga ito. "Dalian mo, Alis na!" sabi nito. Pagkatapos ay nagmadaling tumakbo paalis ng roof top si Dylan. Tumatakbo siya pababa ng hagdan, naiwan ni si  Kaye at nag aalala siya para dito. Humingi siya ng tulong sa teacher niya at sinabi niya na may nanggugulo sa may roof top pero di niya sinabi ang tungkol sa mga bampira. Nagmamadali silang umakyat sa roof top kasama ang teacher niya.

         Pagbukas ng pintuan ay, "Anong problema, ba't nagmamadali kayo?" tanong ni Kaye na nakaupo sa isang tabi. "Kaye, ayos ka lang ba?!" tanong ni Dylan.

        "Bakit, may nangyari ba?" tanong ni Kaye sa kanya na parang di alam kung anong nangyari.

       "Ano bang sinasabi mo? Di ba kanina lang--"

       "Dylan! Alam mong hindi magandang biro 'to!!!" sigaw ng teacher ni Dylan na galit na galit sa kanya.

          "P-pero sir..."

         "Tumigil ka na, I want to see you in the faculty after class!" pagkatapos ay umalis na ng roof top at naiwan si Kaye at Dylan. 

        "Ano bang sinasabi mo? di ba kanina lang may mga bampira dito?!" nagtatakang tanong ni Dylan sa kanya. "Napatay ko na sila kaya wag ka na ngang mag-alala jan" sambit nito.

      "Sa susunod wag kang tatawag ng kahit sino, alam mo bang muntik na tayong mahuli kanina?" 

     "Alam ko kaya lang nataranta na ko" paliwanag ni Dylan

      "Che, basta wag mo nang uulitin, buti na lang nakalusot tayo kanina" pang-iisnab ni Kaye.

     "Pero lagot pa rin ako, kailangan kong pumunta sa faculty mamaya" sabi ni Dylan pagkatapos ay napabuntong hininga na lang. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell at kailangan na nilang bumalik ng classroom. Pagkatapos ay bumaba na ng roof top ang dalawa na para bang walang nangyari at pumasok na ng classroom.

        Pagdating ng uwian, nagpunta si Dylan sa faculty at sobrang napagalitan ng teacher dahil sa akala nitong panloloko. Bilang parusa niya ay pinaglinis siya ng locker room ng boys.

       "Andaya!!!!!" pagmamaktol ni Dylan habang naglilinis, si Kaye naman ay nakaupo lang at walang balak na tulungan siya.

      "Tama na ang angal, dalian mo na lang ng makauwi na tayo" naiinip na sabi nito.  

       "Edi sana kung tutulong ka diba?" naiinis na sabi niya

       "Bakit ako tutulong eh parusa mo lang yan?" isnab nito

   Kahit naiinis at napipilitan ay pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis dahil mas matatagalan lang siya kung makikipag-inisan pa siya kay Kaye.

      "Ano ba 'tong araw na ito, puro kamalasan na lang ang inabot ko, haayy..... ,wala bang magandang mangyayari sa 'kin??" bulong niya sa sarili.

        "Dalian mo na jan" naiinis na sabi ni Kaye.

      "Oo na, eto na nga di'ba nagmamadali na nga" sagot nito, pagkatapos ay tuloy sa paglilinis. 

=Dark Angel=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon