Don't leave me

280 3 4
                                    

                  Maghahating-gabi na nang mapansin ni Dylan na nawawala si Kaye kaya naisipan niyang hanapin ito. naghanap siya sa buong bahay pero ni anino nito ay di niya makita. Kaya lumabas siya ng bahay para maghanap pero hindi pa rin niya ito makita.

                     "Asan na ba yun?" tanong niya sa sarili, pagkatapos ay may nakita siyang liwanag sa di kalayuan kaya naisipan niyang puntahan. Doon niya nakita si Kaye, sinubukan niya itong tawagin.

                     "Hoy Kaye!" tawag niya dito pero tiningnan lang siya nito at hindi nagsalita pagkatapos ay tumalikod na ito at lumakad paalis. Ilang beses niyang tinawag ito pero hindi siya pinapansin at tuloy lang ito sa paglakad. Sinubukan niya itong habulin pero kahit anong pilit niya ay hindi niya ito maabutan.

                     "Ano...ba'ng nangyayari?.....Kaye....sa...sandali lang....." sinusubukan niya itong pigilan at huwag nang umalis pero hindi niya magawa. Hanggang sa tuluyan na itong nawala..............

                          "Kaye!!!!!!" sigaw ni Dylan pagkatapos ay nahulog sa kama. Pinagmasdan niya ang paligid habang nakasalampak sa sahig. Doon niya lang napansin na nahulog na pala siya sa kama. Male-late na siya sa school dahil tanghali na siya nagising, "Panaginip..." bulong niya sa sarili habang inaayos ang kama niya. pagkatapos ay madali siyang naligo at nagbihis ng uniform, pagkatapos ay bumaba na. Pagdating niya sa kusina ay nakita niya dun si Kaye na nakapangalumbaba at halatang kanina pa siya hinihintay. Naalala ulit ni Dylan ang naging panaginip niya. Ilang beses niya nang napapanaginipan iyon ngayon linggo at paulit ulit lang ang nangyayari   na parang totoo na aalis na si Kaye.

               "Ano wala kang balak magluto?" tanong ni Kaye sa kanya. Bigla tuloy siya natauhan, nananaginip na naman siya ng gising. Nagmadali na siyang naghanda ng breakfast nila at pagkatapos ay tumuloy na sila sa school.

                     Kahit sa loob ng klase ay wala pa rin sa sarili si Dylan. Parang totoo talaga ang panaginip niya. Hindi niya alam kung bakit laging bumabalik ang panaginip na iyon.

                      "Haay.... parang totoo talaga....." laging ang tungkol doon na lang ang nasa isip niya kaya nagulat na lang siya nang biglang may bumatok sa kanya na kung sino.

                           "Aray! Ano ba?" tanong niya dito.

                          "Tiningnan ko lang kung buhay ka pa" sagot ni Kaye.

                          "Kanina ka pa tulala, ano bang problema?" tanong nito sa kanya.

                          "Wala naman, napaisip lang ako..." simpleng sagot niya.

                          "Nagulat ako, nag-iisip ka pala?" pang-aasar ni Kaye.

                         "Haay... Kalimutan mo na nga lang" isnab ni Dylan sa kanya.

          Pagdating ng uwian ay halos wala nang tao sa school. Katatapos lang gawin ni Dylan yung inutos sa kanya ng teacher niya kaya pabalik na siya ng classroom. Iniwan niya doon mag-isa si Kaye kasi ang sabi naman nito ay ayos lang daw sa kanyang maghintay doon. Pagbalik niya ng classroom ay wala naman dun si Kaye, wala din ang gamit ni Kaye ang naiwan lang ay ang gamit niya. Naisip niya na baka umuwi na ng bahay si Kaye pero imposible dahil lagi naman silang sabay kapag umuuwi. Sinubukan niya itong hanapin pero baka nga nainip na ito at nauna nang umuwi. Kaya umuwi na din siya ng bahay. Pagkauwi ay pinuntahan niya sa kwarto si Kaye pero wala naman siya. Hindi niya rin ito makita kahit saan. Bigla tuloy bumalik kay Dylan ang panaginip niya.

                      "Paano kung...... umalis na talaga siya....." sinaktan ni Dylan ang sarili niya. Imposibleng umalis si Kaye nang hindi nagsasabi sa kanya. Imposible talaga yun.

         Naghantay si Dylan hanggang sa gumabi na pero wala pa rin si Kaye. Hindi pa rin siya umuuwi. Lalo tuloy nag-alala si Dylan na baka tama nga siya. Baka umalis na talaga ito. Nagulat siya nang makarinig ng ingay mula sa labas ng bahay kaya nagmadali siyang lumabas ng bahay. Sa labas ay nakita niya si Kaye na nakaupo sa isang tabi. Tapos ay may malakas na tunog ulit na may kasama nang mga ilaw. Napatingala siya sa langit at pinagmasdan ang mga fireworks na nasa kalangitan. 

                        "Hanggang kailan mo balak tumayo dyan?" masungit na tanong ni Kaye sa kanya sabay isnab. Naupo siya sa tabi ni Kaye at sabay na pinanuod ang mga fireworks. Oo nga, nakalimutan niya na ang tungkol sa festival dahil sa mga nangyari sa kanya. Ang buong akala niya ay talagang umalis na si Kaye pero mukhang mali siya. Dahil ngayon, kasama na niya ito.

                              "....Kaye..." sambit nito.

                "Iniisip mo ang tungkol sa pag alis ko, tama ba?" diretsong tanong nito sa kanya. 

                        "Pa....Paano mo nalaman?" pagtataka niya.

      "Dylan, alam mo naman na darating din ang oras na kailangan ko ng umalis, di ba?" sabi ni Kaye.

                      "Alam ko ang bagay na yon pero...." 

     "Basta sa ngayon, wag mo nalang muna isipin ang tungkol sa pag aalis ko" sambit nito sabay tingin sa kanya. "Walang permanente sa mundong ito, kaya kailangan mong tanggapin na may mga bagay na tuluyang mawawala pagdating ng oras. Basta ang mahalaga naging masaya ka" nakangiting sabi sa kanya ni Kaye. 

               Hindi na nakapagsalita si Dylan dahil alam niya na totoo ang lahat ng yon. Napag isip isip niya na rin ito at ngumiti na lang habang pinanunuod ang mga fireworks.

                  "Di ako sanay na marinig kang nagsasalita ng ganyan" bulong nito.

                    "May sinasabi ka ba?" Naiinis na tanong ni Kaye.    

                  "Wala noh! Baka imagination mo lang" palusot niya.

              Tama nga, may mga bagay na hindi permanente. Hindi habang buhay siyang nandyan pero ang mas mahalaga ay ang makasama ko siya kahit panandalian lang............    

=Dark Angel=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon