Transfer student

327 1 0
                                    

    Naglalakad papasok ng paaralan si Dylan habang iniisip si Kaye dahil hindi pa niya ito nakikita simula nung gumising siya kanina. "San naman kaya siya nagpunta?"

     Pagpasok ng classroom ay sinalubong siya ng classmate na si Samuel.

        "Nabalitaan mo na ba?" tanong nito.

        "Ang ano?" 

        "May bago tayong classmate, bagong lipat dito sa school" sabi nito

        "Ganun ba"

   Pagdating ng teacher ay nagsiupo na silang lahat,

        "Ok class, ipakikilala ko ang bago niyong classmate" pagkatapos ay pumasok ang isang babaeng parang pamilyar kay Dylan, meron siyang mahabang buhok at ang mga mata niya.........

   Nanlaki ang mata ni Dylan nang makitang si Kaye ang bago nilang classmate. Nginitian siya nito na para bang nang-iinis. Anong ginagawa niya dito? Nababaliw na ba siya talaga?

      "I'm Kaye, nice to meet you" bati nito, pagkatapos ay umupo sa katabing silya ni Dylan.

      "Ba't nandito ka?" pabulong na tanong ni Dylan sa kanya.

      "Wala kang pake" 

      "Sira ka ba? panu kung malaman nila na--" 

      "DYLAN!!" nagulat si Dylan sa sigaw ng teacher nila 

      "Y-Yes sir!!!" sa kakausap kay Kaye ay di niya napansing kanina pa pala siya tinatawag ng teacher nila. Napagalitan tuloy siya sa harap ng klase.

      Pagdating ng breaktime, hinila niya papunta ng rooftop si Kaye para makausap ng walang ibang tao.

      "Ano bang problema mo" tanong ni Kaye

      "Obvious ba, edi ikaw!" sigaw nito

      "Bat ka ba nagagalit?"

      "Panu pag nalaman nilang bampira ka, edi lagot tayo"

      "Pwede ba, pakinggan mo muna ko!" sigaw ni Kaye

     "Nararamdaman ko sila sa paligid at alam na nila na may kasama akong tao, mapapahamak ka kung malayo ka sakin, kaya pwede bang manahimik ka na lang!" paliwanag nito

      "Haay.... sige na, wala naman akong magagawa"

   Bababa na sana sila ng hagdan nang biglang lumakas ang hangin at nagulat na lang si Dylan nang humarang si Kaye sa harapan niya.

        "Bampira"

       "Anong--?" pagkatapos ay mga bampirang bigla na lang lumitaw sa harapan nila.

   Ano bang nangyayari? Hindi pwede! Mga bampira, dito sa school???

=Dark Angel=Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon