PAG USBONG NG TOGE

3 0 0
                                    

Ang mga halik ng kunsomisyon na tila panunusok ng daan-daang bubuyog na niyugyog ang pulot-pukyutan. Heto nanaman ang sobre na ang laman ay panibagong bayarin ng ilaw at tubig. Basa ang mesa 'di dahil sa natapong tubig. 'pag tinikman mo iyon ay paniguradong malalasahan mo ang alat na galing sa mata ng labandera na konti nalang ay warat na ang tisyu ng palad at kita na ang mala rosas na laman. Ang ina na tanging bumubuhay sa limang bulilit. Ang hapdi at sakit at pait ng mga suliranin na balang araw ay mararanasan na rin ng mga bata na naka tutok sa telebisyon na walang makain; busog na sa hangin. Puwera kay Turma na kasing edad lang ng mga sipunin ngunit naroon sa labas at naka upo sa puno ng narra at hinehele ng malinis na oksiheno.

Akala ni Turma, laro lang ang pagsusulat. Nang malaman nito ang lalim ng ginagawa; ang mga tanga siguro na tulad niya na nalaman din ang bagay na 'yon sa parehong oras at araw at taon ay mas sumilab ang matinding rason upang magpatuloy. Ang mga manunulat ay sirena na handang sumisid gaano pa kalalim ang marating makakuha lang ng impormasyon na mai-u-ugnay nito sa kaniyang istorya. Alam ni Turma sa sarili na may potensiyal siya sa pagsusulat, dahil sa tuwing may magba-bardagulan ay wala siyang pinapanigan. Hindi niya tinatanong sa kung sino kung ano ang nangyari. Taimtim itong nakikinig sa sigawan at bulungan ng mga umu-usyoso. Tahimik itong nag huhugas ng pinggan at nag pa-planong isalin sa libro ang mga nangyayari sa paligid (kahit pa puwede naman niyang i-record o videohan nalang bilang ebidensya na nangyari nga talaga ang sitwasyon na 'yon. O may balak siya pero mas nanaig ang respeto at dignidad) Mananatiling misteryo sa mambabasa ang pinagkunan niya ng karakter at disenyo ng mundo nito na nakasulat sa kwaderno. Balang araw, makikilala siya 'di bilang si Turma kundi bilang isang modernong mundo ng panlipunang reyalismo.

HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon