Moderno na talaga ang mundo noon pa,
Makapigil hininga.
Makikita mo sa ugali ng mga kaklase mo ang kalidad ng buhay na meron sila.
Isikreto mo ang pag-ibig na mayroon ka,
Hindi ko sinasabing maging matigas ang puso mo.
Ngunit base sa karanasan ng matatanda,Taon ang aabutin ng pag hi-hilom.
At sa proseso ng pag tanggap ay may dugo.
Hindi lang pa-patak kundi ra-ragasa sa buong lupa.
Hinding hindi ko maiintindihan ang mga babae.
Ang mga tinik sa rosas nila na kahit ilang beses na akong binalaan ng iba, patuloy parin ang pakikipag sayaw sa kanila.
Ang mga lalaki na hubo't hubad,
Mangyaring may mga pamagat,
At sariling panulat.
Moderno na talaga ang mundo noon pa.
Hindi mo mababago ang naka takda,
Huwag kang mangamba o mabahala,
Kung ang pangarap mo'y makamit ng iba.