Sa modernong panahon na ito kung saan lahat ng bagay ay nariyan na; kailangan mong mawala saglit at tumungo sa totoong mundo.. Mahal ko.
Ibigin mo ang sarili mo at ang kapangyarihan ng iyong pagkabata.
Pagkabata mong tinaguan mo ng halu-halong krimen at horror. Pagkabata mong sinalinan mo ng kinang ng kasinungalingan hindi para matanggap ka ng lahat kundi upang pumawi ang iyong mga pag aalinlangan at maka-bangon araw-araw mula sa pag-yapos ng higaan.Alam kong gusto mo lang ng payapa na pamumuhay at sasabihin ko sa'yo...
posible ang nais mo kahit may sira na ang ulo mo.Ngayon, Sa modernong panahon na ito ay nakikinig na sila. Naiintindihan ng iba ngunit hindi lahat ay kayang bumasa ng kilos at mga salita ng mata.
....At maiisip mo na ikaw ay baliw dahil lang hindi ka maintindihan ng karamihan?
... At maiiisip mo na ikaw ang problema dahil lang marunong kang gumamit ng depensa at hindi ka nila magawang mamanipula?
... At maiiisip mo na ikaw ang duwag, gayo'ng sila ang nagtatago at bumabato ng insulto na ibinalot bilang isang biro sa tuwing ilalahad mo ang katotohanan?
Kaarawan mo na.
Maligayang pag bati.
Dalawampung taong gulang.