Sa mahamog na hapon; Ramdam ang depresyon sa kulay abo na ulap na lumalamon sa lugar na ito. walang saysay ang makukulay na disenyo sa paligid. Malayo sa salitang 'pagdiriwang' ang nagaganap ngayong piyesta sa bayan. Siyempre, kalde-kalderong mga ulam ang nakabalandra sa mesa. Mga papakin tulad ng shanghai, inihaw na hotdog kasama ng marshmallows sa stick at inihaw na bangus na sumisingaw ang amoy sa buong bahay. Pero nakakapag taka na walang kantahan o tugtugan. Ang ingay lamang na namumuntawi ay ang lamig ng hangin at oksiheno.
Lumagitik ang kidlat at sinundan ito ng garulgol ng kulog. Nangamba ang mga tao kaya't binuksan kaagad ang mga telebisyon upang maka-kalap ng balita sa nagbabantang panahon.
Sa kabilang banda, naroon ang magkaibigan sa ilog. Pinapanood ang kalmadong tubig na umaagos pa-kaliwa. Naka upo si Almira sa malaking bato samantalang naka lapat naman ang puwetan ni Martha sa batuhan. Hinahayaan nila ang banayad na haplos ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat.
"Masakit para sa'kin na hindi patas ang mundo. At alam kong wala akong laban sa kahit na sino." Ani Martha.Nagsimulang gumana ang pagiging kritikal ng dalawa sa diskusyong ito. Tanging oksiheno lamang ang humihinga sa paligid.
"Ewan. Sa tingin ko lahat naman tayo walang laban sa mundo. Niloloko lang natin ang mga sarili natin kung iisipin nating may patutunguhan ang pakikipag argumento natin sa taong hindi naman malawak ang pang unawa." Almira.
Pula ang suot na tsinelas ni Almira sa kaliwang paa samantalang itim naman sa kanan. Suot naman ni Martha ang asul na tsinelas sa kaliwang paa habang puti naman sa kanan.
"... Pero, maganda rin na sinubukan mo kahit isang beses na ipaglaban ang kung anong hawak mo kesa nanahimik ka lang. Kahit pa sabihin mong wala kang katulad na makakaintindi sa'yo, kahit papaano, ang mahalaga ay ang pag tayo mo sa pribilehiyo mo na maging malaya sa pagsasalita. Kahit doon nalang eh." Dagdag niya.
"Ang pagkatalo... Paano ang pagkatalo.. " Pumipitik sa dibdib ni Martha ang posibilidad na may masabi ang kaibigan niya na magpapabago ng buhay nito, tulad ng palagi namang nangyayari. Pero natatakot ito na 'di tulad noon, baka hindi na niya tanggapin ang mga salita nito at isantabi nalang ang araw na nag usap sila. 'Di dahil sarado ang isip niya, kundi dahil wala na siyang tiwala sa sarili na makakayanan niya pang maging matatag hanggang kinabukasan.
"Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi pa ako natatalo dahil hindi ko naman hinangad manalo. Ang gusto ko lang ay malinawan at maintindihan ang situwasyon ko nang sa ganoon ay hindi ako makagawa ng mga bagay na pagsisisihan ko sa huli."
Dumagdag ito sa kaalaman ni Martha ngunit sumiklab lang lalo ang mga kuwestiyon sapagkat ang sagot ay narito na bakit hindi niya pa sulitin ang kakayanan ni Almira nang malaman niya ang limitasyon ng lohika ng kaibigan.
"Ang mga pagsubok... Ang karma? Paano malalaman ang pagkakaiba nila.. " saad nito."Karma... May karma ba talaga? 'Diba, ano.. Ang karma parang parusa sa ibang salita? Gusto mo bang maisip na pinaparusahan ka kapag gumawa ka ng mali? Sinadya mo ba na gumawa ng masama o isa ka lang din sa mga nasobrahan masyado sa pag iingat at pag sunod sa batas kaya namanipula ka ng ibang tao o ni-reverse psychology ka para gumawa ng mali. Depende kasi yun. Parang obvious naman ang sagot pero kailangan parin himayin para masiguro."
Doon ang paboritong tambayan. Paraiso ang tawag nila sa ilog na ito kahit na basurahan naman ng mga taga roon ang lugar. Masangsang at amoy bulok ang lupa. Kinakamot ni Martha ang galis nitong sariwa pa. Kumakati ito dahil sa mga uod na gumagalaw sa kaniyang laman. Saka naman hahapdi kapag hinuhukay na at kinakain ng mga ito ang laman hanggang buto. Amoy bakal ang binti nito dahil sa malangsa na dugo galing sa pinagkainan.
Bumagsak si Martha nang mamanhid ang kaniyang buong binti. Nakangiwi ito labas ang ngipin habang nakapikit. Umaagos ang laway nito palabas sa bibig hanggang pisngi at tenga.
Bumubukol ang ugat nito sa sentido sa sobrang kirot ng binti. Namimilipit ang tiyan sa sakit. Tila Jellatin ang katawan sa panghihina.
Humaharang ang buhok nito sa mukha. Wala nang lakas para kumilos. Mabigat ang pag hinga. Ngayon nalang ulit sumumpong ang sakit na ito. Ngunit alam niyang darating ang panahon na mangyayari ulit ito at kapag dumating ang araw na wala na siyang ibang magagawa kundi ang magsalita, mayroon na siyang inihanda.
"Kung bumalik man ako sa buhay mo hindi ko maipapangakong hindi na ulit ako magtatanong dahil hanggang ngayon.. Hanggang ngayon marami paring bumabagabag sa'kin.. Hanggang ngayon masakit parin sa'kin na hindi ko man lang makikita ang sinag ng araw. Hindi ko man lang mararamdaman ang nakakapaso nitong kayamanan. Nakakalungkot, oo. Na wala akong ibang ginusto kundi malagpasan ang balakid na ito pero parang hindi ako itinadhana para maka-abot sa edad kung saan malaya na'ko. Pero ito ang pakatatandaan mo, Tanggap ko ang kapalaran ko at lahat ng sinabi mo ay pinanghahawakan ko."
Inangat nito ang malagkit na kamay na may bahid ng dugo papunta sa kaniyang kahon na dibdib. Dahan dahang binutas para kunin ang puso nitong ginto na hindi magkasya sa kaniyang palad.
"Hindi ko alam ang ihahandog ko sa huling tagpo na ito." Inabot nito ang kumikinang at makintab na pusong gawa sa ginto.
Hindi humaharap si Almira mula pa kanina. Tila bingi ito na naka estatwa at naka titig sa malayo. Dilat na nawalan ng buhay ang kaibigan nito. Lumalabas na rin ang mga uod mula sa sira-sirang ngipin nito. May malalaki at maliliit na mabilis gumapang.
May naipong luha na hindi na nagawang pumatak. Nanatili itong naka bara sa gilid ng mata. Ang mga mata nitong marami nang nakita. Ang mga mata ni Martha na hindi tumingin ng masama kailanman. Ang mga mata nitong hindi marunong pumili ng mamahalin. Ang mga mata nitong pagod sa lahat ng bagay puwera sa pagmamahal sa bituin.
At si Almira na nanatiling matigas ang damdamin. Walang nakaka alam ng tunay na saloobin. Hinahayaan ang oras na dumaan at ang mga ulap na nagsanib puwersa upang makiramay. Ang pag patak ng ulan na palakas ng palakas. Lumalamig, humahampas sa kanilang katawan. Ang isa'y gising pa. Ang isa ay lamig na.
Ang piyesta na taon taon ginaganap, ang munting paraiso na binigyang ala-ala. Silang dalawa, sa iisang lugar. Niyayakap ng tubig, parehong sawi. Ang kapalaran nila ay 'di ganoon kahalaga ngunit sa pagkakaibigan, ang progreso ng bawat isa nauukit na sana.
AUTHOR'S NOTE/DEDICATION/DESCRIPTION:
[Na-motivate akong magsulat at tapusin itong one shot dahil sa kaibigan ko na si Renoelyn Valera. Dahil kasi sa mga tiktok niyang parody na humorous at sarcastic, naglaho 'yung writer's block ko ng gano'n lang ka-simple. Salamat, Ely.][Ang one shot na 'to ay tungkol sa pag o-overcome ng isang tao sa ibang parte ng sarili niya na sa sobrang tagal niya nang ni-neglect ay nabulok nalang doon ng puno ng katanungan.]
[Salamat sa pagbabasa hanggang sa muli]