KABANATA 3: Reception
SLOAN
Nasa iisang sasakyan kaming umalis ni Dominic sa Manila Cathedral, kung saan ginanap ang kasal naming dalawa. We are now on our way to Luxe Haven for the reception. It is a five-star hotel located in Manila. Our guests are heading there too, using the vans provided by Dominic, while others are using their own vehicles.
Binabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan. Abala si Dominic sa pagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Nakikiramdam lang.
I don't know how to initiate a conversation. I don't know Dominic that well yet, so I don't know what to say to him.
Ngunit kung ganito na lang ako palagi, laging natatakot, hindi ko talaga siya makikilala. Should I talk to him? Pero ano naman ang sasabihin ko? Tatanungin ko kaya siya ng mga common information about sa sarili niya? Pero hindi kaya magmukang ang random ko naman no'n? I just asked him out of nowhere, gano'n?
"Are you okay? Do you have something to say?" he asked. My eyes widened as I looked at him.
"Uh... ano lang... uhm a-ano'ng sabon mo?" natatarantang tanong ko.
Mabilis ko namang kinastigo ang sarili ko dahil sa naging tanong ko sa kaniya. Ano 'yon, Sloan?! Ayaw mong magmukang random pero ang random naman ng tanong mo!
I closed my eyes tightly upon hearing him chuckle. It's embarrassing!
"Bakit mo natanong?" tanong niya.
I searched my brain to find something to say. Pilit akong ngumiti. "I am p-planning to buy you one. Wedding gift perhaps?" sabi ko na lang.
"Really?" Tumango ako. "I am using Park Avenue Premium."
I know that soap!
"You have the same soap with Simon," biglang sabi ko nang hindi nauutal.
He frowned. "Who's Simon?"
My eyes widened upon hearing him say that. Did I say Simon? Late ko na na-realize kung ano ang sinabi ko.
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong sasakyan. Maybe he was waiting for my answer because he kept glancing at me.
I gulped. "Uh... S-Simon is my... ex-boyfriend," I confessed, biting my lower lip.
Alam kong nakakagulat na ang isang katulad ko ay may ex-boyfriend. I'm not a saint. Dumaan ako sa edad na gusto ko ng insipirasyon habang nag-aaral and Simon became my inspiration at that time.
Simon Madrigal is my classmate from college. Kilala ko na talaga siya dati pa lang dahil sa pagiging bulakbol niya at hindi pagseseryoso sa pag-aaral. I thought I couldn't get along with him because of his attitude pero no'ng nagkaroon kami ng marketing research, siya ang naging kaparehas ko.
"Tahimik ka lang ba talaga? Hindi naman ako magpapabigat sa research natin 'no. Promise, Utang," Simon said. Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.
My brow furrowed. "U-Utang?" ulit ko sa tinawag niya sa akin.
Ngumiti siya ng malawak. "Yes. 'Di ba Loan ang pangalan mo?"
"W-What? My name is Sloan, not Loan. W-Where did you get that?"
He scratched his nape. "Ay, iyon pala ang pangalan mo. Narinig ko lang kasi sa tabi-tabi. Can you repeat it again? Parang ang hirap naman i-pronounce," reklamo niya.
I winced. Inalis ko ang atensiyon ko sa laptop ko at saka tinuon ang atensiyon sa kaniya.
I took a deep breath. "M-My name is pronounced as Is-lo-wan, Mr. Madrigal, not Is-lown or Loan. D-Did you get it?" pagpapaintindi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Love Survival (Hunk Omega Society 2)
Romance𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗡𝗧 𝗥+𝟭𝟴 𝐇𝐔𝐍𝐊 𝐎𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐄𝐓𝐘 𝟐: 𝐃𝐎𝐌𝐈𝐍𝐈𝐂 "A bad bush is better than the open field." *** Sloan Beatrice de Falco has experienced the worst feeling imaginable-becoming a widow three t...