Chapter 26: Si Gorem at ang Mutya ng Ngipin ng Aso

123 10 0
                                    

Kinaumagahan ay naging normal naman ang lahat. Hindi na muna nila pinagtuunan ng pansin ang nadiskubrehang iyon ni Isagani bagkus ay itinuon nila ang pansin sa pagpapalakas ng kanilang mga karga. 


"Sinag, balita ko may mga dayo daw na dumating sa bayan ng San Diego kagabi. Ayon sa nakakita balot na balot daw ang mga ito na animo'y natatakot makita ang kanilang mga anyo. " Pagbabalita ni Berto habang nasa pabrika sila. 


"Hindi lang iyon Berto, sabi ng anak ko na nangangahoy, tumungo daw ang mga iyon sa bundok ng Sarong. Susundan pa sana niya eh kaso may sumita sa kanya, isang bata raw. Yung bata may kasamang malaking aso. Ayun nagtatakbo pauwi yung anak ko." Kwento pa ng isa nilang kasamahan. 

"Sigurado ho ba kayo na sa bundok Sarong sila pumunta?"


"Oo doon nga, pero yung bata daw naglilibot kung saan dito." Wika pa nito at nagkatinginan lang si Sinag at Isagani. Kinahapunan pagkataposs ng kanilang trabaho ay agad na nilang sinundo si Mina upang sabay sabay na silang makauwi sa kanilang bahay. 


Sumapit ang gabi at hindi na muna lumabas si Isagani upang magmasid. Araw kasi iyon ng byernes at araw iyon ng kanilang pagdarasal. Nakagawian na nilang magdasal sa araw ng martes at byernes upang pagtibayin ang kanilang pananampalataya at mga karga nilang dala-dala. Iyon din ang araw ng pagpapakain nila ng dasal sa kani-kanilang mga kaibigan at kasangga. 


Sa kanilang pagdarasal ay nakaramdam sila ng pagbabago sa kanilang paligid. Napahinto silanat napalingon sa pintuan ng kanilang bahay. Naunang tumayo si Isagani at tinungo ang pintuan uoang buksan iyon.


Pagbukas ng pinto ay agad sumilay sa kanila ang isang dambuhalang itim na aso na sa pakiwari nila ay hindi ordinaryo. Bukod sa kakaibang laki nito ay kakaiba rin ang balahibo nito. Animo'y sumasayaw iyon na parang apoy ngunit kulay itim. Kakulay nito ang naghaharing kadiliman at kung hindi lang dahil sa liwanag ng buwan ay hindi nila ito masisipat. Kulay itim din ang mga mata nito pati ang mga pangil nito. Nakatayo ang mahaba nitong tenga at meron itong mahabang buntot na sumasayad sa lupa. Tila nakalutang lang din ang mga paa nito na hindi man lang sumasayad sa lupa. 

Sa kanilang pagmamasid ay nakarinig sila ng malamyos na tunog ng plawta na agad na nakakuha ng pansin nila. Walang anu-ano'y dumapa sa lupa ang aso na animo'y isa itong maamong alaga. Nasipat naman nila ang pagdating ng isang batang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan. Mahaba ang buhok nito na lumalapat sa kaniyang balikat at magulong nakatali iyon. 


"Magandang gabi, ikaw ba ang itinakda?" Tanong ng bata habang nakatingin kay Mina. Agad namang itinago ni Isagani si Mina sa kaniyang likuran at hinarap ang bata. 


"Sino ka? Anong kailangan mo dito? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Wika ni Isagani na ikinatawa ng bata. Ibinaba nito ang hawak na plawta at sinilid sa kaniyang beywang. Napakamot ito sa ulo at muling ngumiti. 


"Hindi ako kalaban. Nagkakamali ka kung iniisip mong isa akong kampon ng kadiliman. Itong alaga ko ay isang hari ng mga engkantong aso. Mababait ang mga uri nito sa mga taong mapagmahal sa kalikasan. Nandirito ako upang tugunin ang utos ni Mayari. " Wika ng bata na agad ipinakita ang mutya nitong tangan. 


"Ang mutya ng ngipin ng aso." Sambit ni Sinag"


"Nandito ako upang ibigay ang babala ni Mayari. Kasalukuyan ng kumikilos ang mga kampon ni Sitan. Naghahanda na sila sa muli nitong pagbangon. Ikaw itinakda at amg kasama mong isinumpang aswang ang siyang kanilang magiging huling alay. Kung kaya't ibig ng diwata na dumito ako upang kayo ay bantayan. Bukod sa akin ay may ibang tulong pa ang darating. Ayon din sa diwata ay naglalakbay na din ang mga ermetanyong sasama sa digmaang ito. " Pahayag ng bata na lubha nilang ikinabahala. Agad nilang pinapasok ang batang iyon sa bahay. Nang aang susunod na ang kasama nitong aso ay bigla naman itong nagbago ng anyo at naging kasinlaki na lamang ito ng isang ordinaryong aso. 


Anak ng Kalikasan (Vol 1, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon