Kabanata 1: Interview

6.5K 115 10
                                    


Taong 1990, sa lungsod ng Maynila, isang makisig na lalaki ang naghihintay sa labas ng opisina ng isang kilalang supermarket. Siya ay si Dante, 33 taong gulang, kasalukuyang nag-aapply bilang security guard.

May isang buwan na rin mula nang magsara ang security agency na pinapasukan niya noon kaya't kinailangan niyang maghanap ng bagong trabaho. Mabuti na lang at nakita niyang hiring ng security guard ang isang supermarket. Direct hire ang trabahong ito, ibig sabibin ay direkta siyang ieempleyo at pasasahurin ng may-ari ng nasabing supermarket.

Sumalang na siya sa initial interview noong nakaraang linggo. Sa kabutihang palad naman ay tinawagan siyang muli ng manager at pinababalik para sa final interview kung saan ang mismong may-ari na ng supermarket ang kakausap sa kanya. Kaya ngayon ay naghihintay siya sa labas ng opisina ni Mr. Lee, ang nagmamay-ari ng supermarket na kanyang pinag-aapplyan.

Halos isang oras na ring nakaupo at naghihintay si Dante nang sa wakas ay tinawag siya ng sekretarya ni Mr. Lee at pinapasok sa loob ng opisina nito. Pagpasok niya ay sinalubong siya ng mabangong samyo ng insenso na karaniwang ginagamit at sinisindihan ng mga intsik pantaboy ng malas. Nakadisplay rin sa palibot ng opisina ang ilang mga mamahaling vase at muebles.

Sa gitna ng opisina ay naroon ang isang mahabang mesa at nakaupo sa likuran nito ang isang lalaking nasa higit 50 anyos na ang edad. Hindi maikakailang may lahing intsik ang lalaki. Singkit ang mga mata at may kaputian ang kanyang balat. Abuhin ang kulay ng kanyang buhok dahil na rin sa edad niya. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Mr. Lee. Lumapit sa kanya ang sekretarya upang ipagbigay-alam na naroon na ang aplikanteng kanyang kakapanayamin.

Iniangat ni Mr. Lee ang kanyang paningin mula sa binabasang dokumento at tinignan ang aplikanteng si Dante na nakatayo sa kabilang dulo ng kwartong iyon. Pinagmasdan ni Mr. Lee ang aplikante, tila ba kinikilatis ang tindig at tikas nito. Sinenyasan niya ang aplikante na lumapit. Tumalima naman si Dante at naglakad papalapit sa mesang kinauupuan ni Mr. Lee.

"Upo ikaw," ang sabi ni Mr. Lee kay Dante.

Umupo naman si Dante sa silyang nasa kanyang harapan.

"Sir, may kailangan pa po kayo?" tanong ng sekretarya sa kanyang amo.

"Wala na, ikaw pwede na labas," tugon ni Mr. Lee.

Lumabas na nga ng opisina ang sekretarya habang si Dante naman ay naiwan kasama ni Mr. Lee na siyang mag-iinterview sa kanya.

Kinuha ni Mr. Lee ang files ni Dante at binasa ang kanyang biodata.
"Ikaw trabaho na dati security agency. Ikaw may experience na guard," sambit ni Mr. Lee habang pinag-aaralan ang biodata ng aplikante.

"Ah, opo," pagsang-ayon naman ni Dante sa mga sinabi ng intsik.

"Ikaw rekomenda na ng manager. Ikaw qualified naman," ang sabi pa ni Mr. Lee.

Natuwa naman si Dante sa kanyang narinig dahil tila malaki na ang tsansa niyang matanggap sa trabaho.

"Isa bagay pa bago ikaw akin na tanggap," ang sabi ni Mr. Lee. "Ikaw dapat wala tattoo. Ayoko guard may tattoo, baka dala malas akin negosyo," dugtong nito.

"Wala naman po akong tattoo, Mr. Lee," tugon ni Dante.

"Hubad ka damit para akin kita ikaw wala talaga tattoo," sambit naman ni Mr. Lee.

Sinunod naman ni Dante ang nais ng intsik at hinubad ang suot niyang pang-itaas na polo upang ipakita na wala siyang tattoo sa katawan. Tumambad ang matipunong pangangatawan ni Dante na may hugis na tila letrang V. Ang kanyang matikas na dibdib ay kakikitaan ng dalawang maumbok na kalamnang pektoral. Malapad din ang kanyang mga balikat at may malalaking umbok ng muscle ang kanyang mga braso. Nariyan din ang matitigas na kalamnan sa kanyang sikmura na animo'y mga pandesal.

Dante: Ang Simpatikong SekyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon