Kabanata 3: Ang Parlorista

4.8K 96 10
                                    


Pagkagaling sa ospital ay agad nang umuwi si Dante lulan ng pampasaherong jeep. Sa biyahe ay hindi siya mapakali dahil sa tuwing naaalala niya ang magandang doktora at ang nangyaring medical exam ay hindi niya mapigilang mag-init ang katawan.

Mabigat ang daloy ng trapiko kaya't inabutan na siya ng paglubog ng araw. Mula sa kantong binabaan ay lalakarin na lamang niya patungo sa apartment na kanyang inuupahan.

Sa kanyang paglalakad ay naisipan ni Dante na dumaan muna sa barberya. May kahabaan na rin kasi ang kanyang buhok kaya't naisipan niyang magpagupit nang sa gayon ay maging mas presentable ang kanyang itsura lalo na't mag-uumpisa siya sa bagong trabaho. Ngunit pagdating niya ay sarado na ang barberyang madalas niyang pinagpapagupitan.

Sa di kalayuan ay napansin niya ang isang parlor. "Salon for Men and Women" – ang mga katagang nakapaskil sa karatula nito. Minabuti ni Dante na puntahan ang naturang parlor upang doon na lamang magpagupit ng buhok. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang isang baklang parlorista na nagwawalis ng mga nagkalat na buhok sa sahig.

Bagama't nakabihis panlalaki ang parlorista ay hindi naman mapasusubalian ang tunay niyang kulay at kasarian na mababakas sa pilantik ng kanyang mga daliri at lumanay ng pagkilos. May pagkabilugan ang hugis ng kanyang katawan at gayundin ang kanyang mukha na nabubudburan ng pulbo at foundation.

"Ay naku magsasara na ako. Quota na ako ngayong araw," ang sabi ng baklang parlorista na abala pa rin sa gawain, ang mga mata niya ay pirming nakatuon sa mga nagkalat na buhok na matiyaga niyang winawalis.

"Ganun ba? Magpapagupit sana ako eh," ang sambit ni Dante.

Nang marinig ng parlorista ang makapal at malalim na boses na iyon ay agad siyang napalingon. Halos malaglag ang panga ng bakla nang makita ang gwapo at makisig na lalaking nasa kanyang harapan. Hindi rin naman kasi maikakaila ang angking tikas at kakisigan ni Dante. Hulmang-hulma ang malapad at maumbok niyang dibdib sa suot na kamiseta at halos mamutok ang mga manggas nito sa laki ng mga muscle sa kanyang mga braso.

"Sige, sa iba na lang siguro ako magpapagupit," ang sabi ni Dante.

Aalis na sana si Dante nang pigilan siya ng parlorista. "Ah, pwede naman kitang gupitan. Last customer na kita ngayong araw," ang sabi niya. "Sige maupo ka na riyan. Magsasara lang muna ako para wala nang humabol," ang sabi ng parlorista sabay turo sa silyang nasa harap ng malaking salamin.

Iniwan ni Dante sa ibabaw ng maliit na mesa sa may sulok ang envelope na naglalaman ng mahahalaga niyang dokumento. Naupo siya sa silya habang ang parlorista naman ay nagkandado na ng pinto at ibinaba ang blinds ng bintana upang wala nang humabol pa na customer.

Matapos iyon ay nilapitan na ng parlorista si Dante upang asikasuhin. Tila may hinahagilap siya na hindi niya makita. Sa huli ay kanyang naalala, "Naku, nasa labahan na pala yung mga telang pambalabal. Naibabad ko na at lalabhan ko ngayong gabi eh."

"Ganon ba? Pwede mo naman na ako sigurong gupitan kahit wala yun," ang sabi ni Dante. "Alam mo kasi mag-uumpisa ako sa bago kong trabaho kaya ako magpapagupit, para naman mas presentable at mas gwapo akong tignan," kwento pa niya.

"Naku, gwapo ka naman kahit hindi ka bagong gupit," sabi naman ng parlorista. "Eh kung ayos lang naman sa'yo, pwede mo namang hubarin na lang yang T-shirt mo para di madumihan. Kulay puti pa naman oh," suhestyon niya.

Nahiwatigan ni Dante na tila sinasamantala ng bakla ang pagkakataon upang makita siyang nakahubad. Umiral ang kanyang kapilyuhan at naisipang patulan ang nais ng bakla.

"Sige, ganun na lang. Hubarin ko na lang tong T-shirt ko." Tumayo si Dante at walang kaabog-abog na hinubad ang suot niyang kamiseta. Tumambad ang kanyang matipunong pangangatawan, ang malapad na mga balikat, maumbok na dibdib, at makakapal na braso. Inilagay niya ang kanyang kamiseta sa maliit na mesa kasama ng envelope at bumalik sa pagkakaupo sa silyang gupitan.

Dante: Ang Simpatikong SekyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon