Kabanata 8: Tagay at Romansa

1K 70 12
                                    


"Kuya Dante, bakit ka nakahubo dito sa bahay namin?" buong pagtatakang tanong ni Samuel.

Hindi malaman ni Dante kung paano niyang ipaliliwanag kung bakit siya walang saplot nang mga sandaling iyon.

"Ah... anak, kasi... ang totoo niyan nagpatulong ako kay Dante na ayusin yung gripo natin sa lababo. Eh nabasa kasi siya ng tubig kaya kinailangan niyang magpalit ng damit," palusot ni Tatay Kadyo.

"Ganon ho ba? Ibig sabihin kanina pa pala nandito si Kuya Dante.  Bakit naman hindi niyo pa sinabi sa akin, Tay? Kaya pala kanina ko pa nararamdamam na parang may ibang tao dito maliban sa'tin," sambit ni Samuel.

"Eh anak ayoko na kasi sanang ipaalam sa'yo na nasira ang gripo natin at baka alalahanin mo pa. Hayaan mo, naayos naman na ni Dante ang gripo kaya hwag mo na yang isipin," ang sagot ni Tatay Kadyo.

"Haaay, si Tatay talaga," ang sabi ni Samuel. "Kuya Dante, salamat sa pag-ayos mo ng gripo namin ah," pagpapasalamat ng binata. "Saka pasensya nga pala at nahawakan ko pa yang betlog at etits mo. Hehehe," ang natatawa pa niyang sabi.

Natawa rin naman si Dante sa huling sinabi ng bulag na binata.

"Eh, Kuya, sa pagkakahawak ko kanina, tingin ko mukhang malaki yang iyo ah. Medyo tigas pa. Mukhang taglibog ka yata, Kuya. Hahaha," natatawang hirit ni Samuel.

"Loko ka talaga! Hahaha," sambit ni Dante.

Nagbihis na si Dante at muling isinuot ang kanyang brief at short. Matapos iyon ay tuloy na siyang nagpaalam sa mag-ama at nilisan ang kanilang bahay.

Ang tanging alam ni Samuel ay kinumpuni lamang ni Dante ang kanilang gripo, walang kamalay-malay ang bulag na binata sa namagitan sa kanyang ama at sa kapitbahay nilang sekyu.


***
Nitong mga nagdaang araw ay naging maayos din naman ang mga kaganapan sa trabaho ni Dante. Higit isang buwan na rin mula nang magsimula siya sa trabaho bilang security guard sa pinapasukang supermarket. Kabisado na niya ang trabaho at nakapalagayan na rin ng loob ang iba pang mga empleyado roon. Isa sa mga naging malapit niyang kaibigan ang bagger na si Brando at ang stockman na si Anton.
Nagkayayaan sila Brando at Anton na mag-inuman dahil day off na nila kinabukasan. Sakto naman at wala ring duty bukas si Dante kaya't maging siya ay nakayag sa kanilang inuman.

Matapos makapagclock-out sa trabaho ay dumiretso ang tatlo sa bahay nila Anton. Bumungad sa kanila ang misis ni Anton at ang dalawa nilang mga anak. Agad sumalubong at yumakap ang bunsong anak ni Anton sa kanya. Binuhat ni Anton ang anak at pinupog ng halik ang pisngi nito.

"Carol, mga kasamahan ko nga pala sa trabaho," pagpapakilala ni Anton sa kanyang mga kasama.

"Magandang gabi," pagbati nila Dante at Brando.

"Magandang gabi rin naman sa inyo," bati ng misis ni Anton.

"Eh nagkayayaang mag-inuman tutal eh wala naman kaming mga pasok bukas. Dyan na lang kami sa may kubo sa likod para di kayo maistorbo," pagbibigay-alam ni Anton sa kanyang asawa.

"Sige, mabuti nga at matutulog na rin kami ng mga anak mo. Maaga pa sila bukas sa eskwela eh. Sya, ikaw na ang bahala sa mga bisita mo. Magandang gabi ulit sa inyo," sambit ng misis ni Anton. Kinuha niya ang bunsong anak mula sa kanyang mister at umakyat na silang mag-iina sa kanilang kwarto upang magpahinga at humimbing.

Saglit na nagluto si Anton ng kanilang pupulutanin – adobong paa ng manok o adidas kung tawagin. Sila Dante at Brando naman ay nagtungo sa kalapit na tindahan upang bumili ng serbesa. Nang handa na ang lahat ay nagtungo ang tatlo sa kubong tinutukoy ni Anton. Nakatindig ito sa isang bakanteng lote, ilang metro ang layo sa likuran ng bahay nila Anton.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dante: Ang Simpatikong SekyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon