Kabanata 2: Medical Exam

3.9K 81 6
                                    


Matapos matanggap sa trabaho ay agad nang inasikaso ni Dante ang mga papeles at dokumento na kailangan niyang ipasa sa HR nang sa gayon ay makapagsimula na siya sa lalong madaling panahon. Isa sa mga dokumentong hinihingi sa kanya ay ang medical certificate na magpapatunay na siya ay 'fit to work'.

Nang sumunod na araw ay nagtungo si Dante sa isang ospital upang sumailalim sa medical examination. Matapos niyang sabihin ang kanyang sadya ay agad din siyang inendorso sa isang nurse na siyang nag-assist sa kanya.

Sumalang muna siya sa isang maikling panayam kung saan itinala ng babaeng nurse ang kanyang mga impormasyon gaya ng pangalan, edad, address, at kung para saan niya gagamitin ang medical certificate. Matapos maitala ang kanyang mga datos ay kinuhaan na siya ng dugo bilang bahagi ng eksaminasyon. Sunod naman ay binigyan siya ng maliit na canister upang paglagyan ng kanyang ihi.

Tinungo ni Dante ang malapit na palikuran upang doon kumuha ng urine sample. Binuksan niya ang zipper ng kanyang pantalon at hinugot palabas ang kanyang titi na hindi pa man matigas ay sadyang mataba at malaki na. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-ihi ay saka niya itinapat ang canister upang kumuha ng sample. Binalikan niya ang nurse at isinumite ang urine sample na kanyang nakuha.

"Sa x-ray na po tayo. Sa dulo po ng pasilyo ang radiology department namin," ang sabi ng nurse kay Dante.

Agad namang tinungo ni Dante ang lugar na itinuro ng nurse. Pagdating doon ay isang lalaki, na siyang radiologic technologist, ang bumungad sa kanya.

"Ah, magpapa-xray ako," ang sabi ni Dante sa lalaki sabay abot ng kanyang form.

"Dito po tayo, Sir." Iginiya ng lalaki si Dante papasok ng x-ray room. "Pahubad na lang ng T-shirt," saad pa nito.

Sumunod naman si Dante sa sinabi ng lalaki at hinubad ang kanyang pang-itaas na kamiseta. Tumambad ang kanyang matipunong pangangatawan, ang malapad na mga balikat, maumbok na dibdib, at mga brasong namumutok sa naglalakihang mga muscle.

"Ang macho niyo ho pala, Sir," bati ng lalaki nang kanyang mapansin ang angking kakisigan ni Dante.

Napangiti na lamang si Dante bilang tugon sa papuring kanyang natanggap.

"Dito po tayo," ang sabi ng lalaki sabay turo sa x-ray machine na nasa dulo ng kwartong iyon.

Tumayo ang hubad-barong si Dante sa harap ng x-ray machine. Dahil may katangkaran siya, kinailangang i-adjust ng lalaki ang frame ng makina. Habang inaayos ng lalaki ang makina ay hindi sinasadyang nadampian ng kanyang kamay ang matipunong dibdib ni Dante partikular na ang kanang utong nito.

"Ay, sorry Sir!" agad namang paghingi ng paumanhin ng lalaki.

Hindi man sinasadya ngunit napakislot ang alaga ni Dante sa loob ng kanyang pantalon dahil sa nangyari. Isa kasi ang kanyang utong sa mga pinakasensitibong parte ng kanyang katawan. Agad rin namang napakalma ni Dante ang kanyang sarili at nagpatuloy na tila walang nangyari.

Matapos maiayos ang makina ay tumungo na ang lalaki sa operating facility. "Pigil lang po ng paghinga," ang instruksyon ng lalaki.

Sumunod naman si Dante at pinigil nang ilang segundo ang kanyang paghinga sabay sa pag-andar ng x-ray machine.

"Ipapasa na lang po namin ang resulta ng x-ray sa opisina ni Doc," pagbibigay-alam ng radiologic technologist.

"Sige, salamat," maikling tugon ni Dante. Kinuha niya ang hinubad niyang kamiseta at muli itong isinuot bago niya nilisan ang kwartong iyon.

Para sa huling bahagi ay tumungo si Dante sa opisina ni Dr. Gonzales na siyang magsasagawa sa kanya ng physical examination. May ilang minuto muna siyang naghintay sa labas ng opisina ng doktor bago lumabas ang isang magandang babae at tinawag ang kanyang pangalan. Pinatuloy siya ng babae sa loob ng opisina.

Dante: Ang Simpatikong SekyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon