UMPISA

12 2 0
                                    

Umpisa

        "Isaiah, itutuloy pa ba natin to?"
Rinig kong sabi niya. I looked at her and saw that she's struggling while walking in this damn mountain.

"Nandito na tayo. Ipagpatuloy na natin." Sagot ko habang inaalalayan siyang maglakad.

"Why did you choose this place by the way?"

"Hindi ba? Gusto mo na hindi agad tayo mahahanap ng mga magulang natin? Kaya dito ang tamang destinasyon para hindi agad tayo matagpuan." Aniya. I nod at her. Tama nga siya. Hindi nga kami madaling mahahanap dito. Ang layo ng lugar na to sa bayan. At tama lang na dito kami pumunta.

"Then, bakit ka nagrereklamo kung ipagpapatuloy pa natin to?" Imocked her. She rolled her eyes at me. Natawa ako at mas hinapit pa ang kaniyang baywang palapit sa akin.

"Its just that, the road is bumpy! I can't walk properly!"
Aniya sa tonong nag-iinarte. I can't help myself but to admire her more. We stop walking and I look at her intently.

"Then, do you want me to carry you?"
I kiss her cheek. Ngumuso siya. Kahit madilim at tanging flashlight lang ang hawak namin ay nakita ko ang pagpula ng kaniyang pisngi.

"Huwag na. Maglakad nalang tayo."
Her tone is impassive. I smiled. This is one of the reason why I like her. Sobrang hinahon niyang magsalita at para bang hindi ka magagawang pagsalitaan ng masama.

Niyakap ko siya. Gusto kong manatili kami sa ganoong posisyon. Wala nang pakealam kung nasa gitna man kami ng bundok na ito. I want her to feel my heat because the wind blows vigorously. 

Malamig ang bawat dampi nito at ayokong magkasakit siya.

"Hindi talaga ako nagdalawang isip na itanan ka na."

Humigpit rin ang yakap niya sa akin. Gagawin ko ang lahat hanggang maging akin ka lang Hannah. Hinding-hindi ko hahayaang ilayo ka sa akin ng mga magulang mo.

"At hindi rin ako nagdalawang isip na sumama sayo."

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. I held her more.

"Will you stay here with me? Hindi ka ba nagsisisi na iniwan mo ang marangyang buhay na meron ka?"

Ngumiti siya sa akin at naramdaman ko ang kaniyang palad sa aking pisngi.

"Kung ikaw nga ay hindi nagdalawang isip na iwan ang marangyang buhay na meron ka rin, bakit ako magsisisi? Pinili ko ito Isaiah. At kahit ano mang mangyari, pipiliin kong ihanda ang sarili dahil ikaw ang pinili ko."

"Hindi magiging madali ito Hannah. Maaaring maglipat-lipat tayo kapag natunton tayo ng mga magulang natin."

Our parents have many connections. But I don't fvcking care anymore. I will do my very best just to held her this close to me. Forever.

"But this is our life now. At dapat nating panindigan to."

Tumango ako sa kaniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Hindi madali ang pasikot-sikot sa bundok na to. Ni hindi namin alam kung saan ba talaga kami pupunta. Pero mas mabuti na yon. Para hindi kami madaling matunton.

Natigilan kami sa paglalakad ng makarinig ng mga lalakeng nagtatawanan.

"Oo nga pre. Nabitin nga ako sa inuman natin."

Hindi kalayuan ang tinig. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Hannah.

Hindi nga ako nagkakamali na nasa malapit lang sila dahil nakita ko ang mga nagbabagang mga sulo na hawak ng tatlong lalake na makakasalubong namin ngayon.

CONTINGENT LOVE(Antinggan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon