KAPITULO 10

4 0 0
                                    

Kapitulo 10: Bawal ang tanan

          "Cyril ireto mo naman ako sa bago niyong boarder."

Nilingon ko si Mila habang umiinom sa soft drinks. Isang buwan na ang nakalipas mula nang napunta dito sina Hannah. Marami narin ang nakakilala sa kanila pero kahit kailan ay hindi nila nalaman na mag fiancee ang dalawa. Ang iba ay may haka-hakang ganoon pero ang ilan ay iniisip na baka magkaibigan lang o magkapatid. Walang kahit ni isa ang nangahas na magtanong at mas mabuti narin siguro yon. Mas ligtas kapag wala silang masyadong alam.

Wala namang nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ang status nung dalawa at mukhang wala ring sinabihan si Rebecca dahil itong kaibigan niyang si Mila ay inumpisahan na ako sa pagpapareto niya.

Nakilala niya si Isaiah nang minsan silang bumisita ni Rebecca sa bahay. Kung bakit pa kasi siya sinama-sama ni Rebecca. Yan tuloy, mukhang dadami pa ang karibal ko.

Inirapan ko si Mila at tumigil sa pagsipsip sa straw nung soft drinks. Isa siya sa mga kaibigan ni Becca. Pero ayaw ko sa kaniya. Plastic kasi minsan at saka kalang naaalala kapag may kailangan. Tss..

"Hindi naman siguro totoo ang haka-hakang girlfriend niya yung babaeng kasama mong bumili noong nakaraan diba?" Tanong niya pa.

Wala akong balak na sagutin siya ng matino. Kilala ko kasi itong kaibigan ni Becca. Siguradong ipagkakalat niya na may namamagitan nga sa dalawa. Hindi naman sa ayaw kong may maka alam sa status nila Hannah pero mas mabuti kasing walang may masyadong nakakaalam para narin sa seguridad nila.

Pero kung hindi talaga titigil itong si Mila sa pagpapareto niya, mukhang mapipilitan nga akong sabihin ang totoo dahil kapag sinabi kong single si Isaiah, siguradong hindi siya titigil na habulin yung lalakeng yon.

"Tigilan mo ako Mila. Wala kang pag-asa don."

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko Cyril. Wala ka nang pake kung may pag-asa ako o wala. Diskarte ko na yon. Ang tanong ko ang sagutin----"

"Paano kung girlfriend nga niya?"
Putol ko sa kaniya.

"Paano? So it means, hindi ka sure?"
Nakangiti niyang saad at halata ang kinang sa mata ng malamang may pag-asa nga siya.

Tumawa siya na para bang nagtagumpay at umupo sa kawayang upuan. Meron kasing tambayan ang tiangge ni Aling Nina sa harap kaya dito muna kami tumambay ni Rebecca. Umuwi nga lang muna ang pinsan ko dahil may gagawin pa daw sa bahay nila. Nagpa-iwan na ako dahil wala namang gagawin sa bahay. Saktong bumili naman si Mila kasama ang kapatid niyang si Paloma kaya ngayon, nagkaroon ng pagkakataon para kulitin ako tungkol kay Isaiah.

"May pag-asa ako! Panigurado yon!" Aniya na nilalaro ang dulo ng kaniyang buhok. Nagtaas siya ng kilay at sumulyap sa akin. Inirapan ko siya. Nakakainis!

"Pero kung girlfriend nga niya ang babaeng yon, wala akong pake! Ano ngayon kung girlfriend siya? E mas magaling naman ako don! Parang wala namang karanasan yon."
Ngumisi siya. Umismid naman ako. Mas lalo nang naiirita dahil sa mga pinagsasasabi niya.

"Paano ka naman nakakasiguro na magugustuhan ka non? Tumigil ka na sa mga pantasya mo, Mila."

Nangangarap pa ng gising e. Ako nga, walang pag-asa, siya pa kaya? Tss.....

"Nasa diskarte ko na yon!"
Aniya sa tonong sarkastiko. Parang tataas ang presyon ng dugo ko sa babaeng to!

"Pero nakita mo naman ang girlfriend nun ate. Sobrang ganda. Kaya baka hanggang pantasya ka na lang talaga?" Asar sa kaniya ng kapatid.

Nilingon ko si Paloma at parang gusto kong makipag apir sa kaniya. Ano nga ba naman ang laban niya kay Hannah? May itsura rin naman si Mila kaso artistahin talaga si Hannah. Ibang-iba yung ganda.

CONTINGENT LOVE(Antinggan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon