Kapitulo 20: Hindi magiging akin
"Bwisit ka talaga Jeffrey! Bagong bili pa namang nitong tsinelas ko! Naputikan na tuloy!"
Sunod-sunod na kaming lumabas ng bahay ng marinig ang boses ni Rebecca.
Nadatnan naman namin siyang sinisermonan si Jeffrey dahil naputikan ang kaniyang paa at tsinelas. Napabuntong hininga na lamang ako sa asal ng aking pinsan.
"Kalma mahal na prinsesa. Mahuhugasan pa naman iyan. Hindi habang buhay na naka imprinta iyang putik sa napaka linis mong paa."
Sarkastikong sagot sa kaniya ni Jeffrey."Oo nga naman. You are so OA Rebecca."
Bahagya namang nagkasalubong ang aking kilay ng makita ang paglabas ni Mila doon sa tricycle.
"Shut up ka diyan Mila. Baka ikaw ang pagbuntungan ko."
Iritableng sabi ni Rebecca at lumapit sa poso upang hugasan ang kaniyang paa.Mahirap ang daan papunta sa bahay nila kuya Lino kaya imbes na magpalagay ng tubig ay pinili na lamang nilang magtayo dito ng poso.
"Cyril babes! Mabuti naman at nandito ka!" Ani Jeffrey at lumapit na sa akin.
"Hello Cyril! Mabuti naman nandito ka at kasama mo pa pala si Isaiah."
Matamis ang ngiting sabi ng plastik na si Mila at nilapitan nadin si Isaiah.Matalim ko naman siyang sinundan ng tingin at halos kumulo ang dugo ko ng makitang niyakap pa niya itong katabi ko.
Tiningnan ko naman si Isaiah at inaasahan kong itutulak niya ito dahil hindi siya sanay sa ganoon ngunit nagkasalubong lamang ang aking kilay ng ngumiti pa siya at tinanggap ang yakap ni Mila. Ang damuhong to! Isusumbong ko siya kay Hannah!
"Oh, sorry ha. Ganito lang talaga ako sa mga taong nakikilala ko palang sa una." Hagikhik niya at nagpa cute pa ang bwisit.
"Hoy Mila! Tumigil ka sa kalandian mo ha!" Sigaw sa kaniya ni Rebecca.
Naagaw naman ng pansin ko si Jeffrey ng niyakap rin ako nito. Itutulak ko na sana siya ng inunahan ako ni Isaiah dahil hinila na ako nito palayo kay Jeffrey.
"Ano ba?!" Iritadong sabi ni Jeffrey dahil sa ginawa ni Isaiah.
"It's not permissable."
"Yung alin?! Psh! Its not permissable ka diyan."
Natampal ko na lamang ang noo dahil mukhang hindi na talaga magkakasundo ang dalawang to.
"Uy, tama niyo na yan. Tulungan niyo na lamang kaming maglabas ng mga lamesa at upuan." Saway sa kanila ni kuya Lino.
"Gol, tulungan mo nga ako dito sa karaoke." Rinig kong sabi ni kuya Alfred.
Akala ko ay silang tatlo lang ang nakasakay sa tricycle. Kaya siguro nalaman ni Mila na may salu-salo dito dahil mukhang sa kanila nagrenta ng karaoke itong si kuya Lino at ipinahatid lamang kila Jeffrey.
Tumulong narin ako sa paghahanda ng mesa, mga sulo na gagamitin sa labas, mga upuan at pagkain para hindi tuluyang mairita sa ginagawang pagdikit-dikit ni Mila kay Isaiah. Bakit kasi sila lang ang may karaoke dito? Yan tuloy, mukhang hindi ko pa makakamoment itong si Isaiah. Tss...
Katulad sa nakagawian na tuwing may kaarawan ay nanalangin muna kami at kinantahan si baby Daisy bago nagsimula sa pagkain.
Hindi din nagtagal si ate Karol sa amin dahil kailangan niya pang patulugin ang anak at bawal naman kasing manatili dito sa labas dahil gabi na.
"Uy, ako sunod ha." Sigaw ni kuya Alfred kay kuya Golyo na ngayon ay madrama pang umaawit ng Born for You.
Napailing na lamang ako at natawa na sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/352618129-288-k182635.jpg)
BINABASA MO ANG
CONTINGENT LOVE(Antinggan Series #1)
Romance"Mali ang magtanan." Iyon ang paninindigan ni Cyril. Kaya nang malaman niya na ito ang dahilan kaya narating ng dalawang magkasintahan ang kanilang baryo ay hindi niya mapigilan ang mainis at magalit. Antinggan is a very far province from the city o...