Kapitulo 12: Pipigilan o Hahayaan
Nakapangalumbaba ako sa aking study table habang iniisip parin ang nangyari kina Isaiah at Hannah. Ilang araw na din ang nakalipas simula ng mangyari iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makausap si Isaiah. Minsan ay dinadalhan siya ni lola ng ulam sa apartment kaya nagkakaroon ako ng pagkataon para masulyapan siya.
Masyado na siyang mailap ngayon at sa tuwing nagtatagpo ang aming paningin, binibigyan niya lamang ako ng tipid na ngiti at papasok na agad sa apartment.
Pati si lola ay nag-aalala narin sa kaniya dahil nalaman na nito ang nangyari sa kanilang dalawa.
Matamlay kong binuklat ang notebook at nagsimula sa pagsusulat. Ngunit hindi ko kayang ipagpatuloy dahil hindi ko na feel ang sinusulat kong kwento. Parang gusto kong sumulat ng bago. Yung masakit. Yung madaming aral.
May ideyang pumasok sa isip ko. At hindi ko na nga napigilan ang mga kamay ng kusa na itong gumalaw upang magsulat ng panibagong kwento.
Siguro, panahon na para isulat ko ang sariling kwento. Hindi ko naman talaga idedetelyado pero mas mabuti narin sigurong magsimula sa sarili kong kwento. Iba kasi ang epekto kapag ikaw na ang nakakadama. Mas nakakapagsulat ka ng maayos.
Wala naman akong balak na ipublish iyon. Pero kapag natapos ko na at nakita ang detalyadong pagkakasulat, baka nga mapublish ko sa mga online publishing na website.
Hindi ko alam kung paano yon sisimulan pero isinulat ko na lamang kung ano ang nararamdaman ng puso ko.
"Sa lahat ng puwedeng mahalin, bakit yung bawal pa ang pinili ng puso ko?"
Isinulat ko iyon sa notebook. Bawat diin ko sa ballpen ay kumakabog ang dibdib ko. Ramdam ko talaga ang magkahalong lungkot at sakit habang nagsusulat.
"Sobrang sakit man pero talagang dapat kong tanggapin na hindi kami pwede para sa isat-isa."
This is one of my realization. May mga pag-ibig talagang kahit gustong-gusto mo, mas mabuting kalimutan at pakawalan.
Akala ko noon, kapag nagmahal ka, magiging maganda ang lahat. Sa ganoong paraan ko kasi binibigyan ng kahulugan ang pag-ibig. Makasama mo lang ang taong mahal mo, perpekto na ang lahat.
Pero hindi pala yun ganoon ka simple. Kahit anong sabi mo na importante nagmahal ka, mas mabuti paring bitiwan nalang kung iyon ang mas nakakabuti.
Ngayong ako na mismo ang nakakaranas nito, mas lalo ko nang nabigyan ng kahulugan ang salitang pag-ibig. Mas lumalim pa ang nalalaman ko. Minsan ay hindi ko parin naiintindihan pero may mga bagay talaga na tanging puso lang natin ang siyang nakakaintindi.
May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng bibig ngunit naiintindihan ng puso.
Nang mapagod na sa ginagawang pagsusulat, ay lumabas na ako ng kwarto.
Lumabas rin ako ng bahay at tiningnan ang pintuan ng apartment.
Kamusta na kaya siya? Nakakakain pa kaya yon ng maayos? Dala ng kuryusidad ay lumapit na ako sa pintuan ng apartment dahil gusto ko talagang malaman kung okay lang ba siya.
Kumatok ako ngunit walang sumagot. Inulit ko iyon ng tatlong beses at tinawag narin siya pero wala talaga.
Pinihit ko ang hawakan ng pinto at nagbakasaling bukas iyon. Nagulat ako ng nagawa ko nga iyong pihitin kaya hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
CONTINGENT LOVE(Antinggan Series #1)
Romansa"Mali ang magtanan." Iyon ang paninindigan ni Cyril. Kaya nang malaman niya na ito ang dahilan kaya narating ng dalawang magkasintahan ang kanilang baryo ay hindi niya mapigilan ang mainis at magalit. Antinggan is a very far province from the city o...