KAPITULO 7

1 1 0
                                    

Kapitulo 7: Tigil

        "Ang ganda talaga dito sa baryo niyo Cyril!" Ani Hannah na ngumunguya nang kamote.

Nang natapos naming ilaga ang mga kamote at saging, dinala namin iyon sa labas ng bahay kung saan ang malaking puno ng mangga.

Naglapag ng sarong si Isaiah sa lupa at inilapag narin ang tupper wear ng saging at kamote.

Para kaming nag pi-pik nik sa ayos namin. Silang dalawa ang nasa sarong habang kami naman ni lola ay nakaupo sa kawayang upuan.

Hindi na masyadong mainit at malamyos na ang bawat hampas ng hangin. Ang ganda talagang tumambay sa ilalim ng puno ng mangga. Ang lilim nito ay nagsisilbing taguan namin at ang bawat sayaw ng hangin sa mga dahon nito ay masarap pakinggan sa tenga.

"Ow!" Daing ni Hannah at mabilis na binitawan ang kamote.

"Are you okay?"

Agaran ang pag-iwas ko ng tingin ng makitang kinuha ni Isaiah ang kaniyang kamay at hinipan ang parteng napaso.

Kumunot ang aking noo ng makaramdam ng kirot sa dibdib. Kanina, ako ang dahilan ng pag-aalala niya. Pero ngayon, si Hannah na. At mas lalong hindi ko mapigilan ang sugat sa damdamin dahil fiancee na ang dahilan non.

Mabigat akong bumuntong hininga at kumuha ng saging. Binalatan ko iyon sa tulong ng tinidor at mabilis na kinagatan.

Mainit-init pa iyon kaya mas lalong masarap kainin.

"Cyril asan pala ang mga magulang mo?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Hannah. Sandali akong napasulyap sa kaniya at binaling agad ang tingin kay lola na bahagyang natigilan din.

Naibaba ko ang hawak na tinidor at tumingin kay Hannah. Hinihintay niya ang isasagot ko pero hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin yon.

Gusto kong sabihin na nasa malayo si papa. Dahil yon ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Kahit pa..... wala na siya.

I have moved on. Pero yon ay dahil tinanggap ko sa sarili na nandidito parin si papa at nagbakasyon lang. Na para bang magkikita parin kami kapag naisipan na niyang bumalik. Yon ang mas gusto kong paniwalaan. Dahil ang tanggapin na tuluyan na nga siyang nawala ay....hindi ko kaya.

"Do you have picture of them? Wala kasi akong nakita sa walls ng bahay niyo." Dagdag niya pa.

"Ahm, wala akong picture ni mama dahil...." Sumulyap ako kay lola. Naghihintay rin siya sa idudugtong ko. "Dahil wala siyang iniwan kahit isa nong umalis siya."

"Umalis? Saan nagpunta?"

Hindi talaga ako kumportable sa mga ganitong topiko. Pero ayoko namang isipan niya na sobrang sensitibo ko dahil hindi ko magawang ikwento sa iba ang tungkol sa mga magulang ko.

"Hindi ko din alam. Iniwan niya kasi ako kay lola at hindi na nakabalik."

Totoong hindi ko alam kung saan siya pumunta. Pero nagsinungaling ako sa parte na iniwan niya ako kay lola. Dahil ang totoo, iniwan niya kami ni papa.

Tumango siya. Tila naliwanagan na dahil hindi na muling umambang magtanong pa.

Hindi gusto ni papa na ganoon ang isipin ko. Na iniwan nga kami ni mama at hindi na babalikan. Pero hindi na ako nagsisi na isipin iyon dahil hanggang ngayon na kahit malaki na ako, hindi na nga siya bumalik. Kaya tama akong iniwan niya nga kami ni papa.

"And about your father?"
Tanong ni Isaiah.

Napayuko ako at dumiin ang hawak sa tinidor. Para akong lumulunok ng asido sa bawat minutong nagtatagal ang usaping ito. Kaya para matapos na......

CONTINGENT LOVE(Antinggan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon