Chapter 1

8 0 0
                                    


MY name is Estella Buenaflor, i'm 18 turning 19 sa december 12, 1st year college na din ako at HRM ang kinuha kong course. I also love wearing my eye glasses and my jacket kahit tag-araw kaya tinawag akong nerd dito sa school namin na SPUQC.

“Iba pala talaga pag nerd 'no? papansin lagi kay kael” napatingin ako sa babaeng makapal ang lipstick at makapal din ang foundation.

She's actually right, kael is my crush at lagi ako sa kanyang nagpapapansin kaya madalas akong ma-bully nang dahil sa kanya. Hindi ako umimik at saka nagpatuloy sa pagbabasa, pati ba naman sa library lily nagkakalat ka ng lagim.

“Hoy nerd kinakausap kita!” nang dahil sa pagsigaw niya ay biglang sumulpot ang school librarian namin na si ate bry, “Pwede bang itikom mo na 'yang bibig mo lily? sa susunod na sisigaw ka, doon ka sa rooftop sumigaw” bigla namang tinikom ni lily ang bibig niya, deserve.

Lily is one of my best enemy in this school, ako lagi ang binu-bully niya pag nakikita o nalalaman niyang sunod ako ng sunod kay kael o 'di naman kaya'y nagpapapansin.

“Get out of here lily baka ihatid pa kita sa guidance” agad namang nagmadali sa paglabas ng library si lily at ang mga alipores niyang unggoy, napatingin ako kay ate bry at ganun din siya sa'kin.

Ate bry sighed at saka lumapit sa'kin, “Next time na bu-bully-hin ka ulit nun, lumaban ka na estella wag kang maging duwag” napangiti ako sa sinabi ni ate bry.

“O-opo ate bry” And she's my brother's highschool bestfriend kaya ganyan na lang ang pag-aalala niya sa'kin, “Sige na magbasa ka na dyan estella” ngumiti muna si ate bry at saka bumalik sa pwesto niya.

**

Naglalakad na ko pauwi nang madaanan ko ang Korean mart dito sa Quezon, isa sa mga favorite convenience stores dito sa amin.

Pagpasok ko doon ay agad na sumalubong sa'kin ang amoy ng mga pagkain at ang aircon, “Tteokbokki here i come!” agad akong kumuha ng dalawang cup ng tteokbokki at saka ng corn dog pero bago ako makapunta sa counter ay may kumuha ng atensyon ko.

He's familiar.

Bigla itong nawala sa section ng mga ramen kaya sinundan ko naman ito, pamilyar din ang amoy ng pabango niya sa'kin, kaamoy niya yung taong laging namimikon sa'kin.

“Boo!”

“Ay palaka na bundat!” agad naman akong nakarinig ng hagalpak na tawa, napalingon ako dito at laking gulat ko nang makita ko si kuya gab, sa kanya nga yung pabango!

“Huy! masyado na ba akong gwapo para titigan mo 'ko ng ganyan little penguin ha? baka matunaw ako niyan” isang ngisi ang binigay niya sa'kin sabay hawi ng buhok niya.

Luh.

“Ha ha mukha kang tipaklong kuya gab!” agad ko siyang binatukan kaya napadaing siya.

“Aray ko naman! minsan lang tayo magkita tas batok agad sinalubong mo sa'kin? ang sama mo talaga little penguin” umirap lang ako at saka iniwanan siya.

“Hoy teka lang little penguin!” pumunta na ko sa counter at saka nagbayad.

“Thank you po” ngumiti lang sa'kin yung lalakeng nasa counter, kamukha niya si jay sa enhypen.

“Panget naman ngumiti nun mukhang kuneho pft!” mapanglait talaga 'tong kaibigan ni kuya sean.

Lumabas na ko sa korean mart pero laking gulat ko nang makita kong nakasunod na pala sa'kin si kuya gab, “Wag kang assuming te sa village din ako nakatira” umirap ito at saka ako inunahan sa paglalakad kaya natawa na lang ako.

Kakaiba din.

Nang mapadaan ako sa library ay agad akong pumasok doon, “May mga bagong release kaya na libro dito?” tanong ko sa sarili ko at saka pumunta sa wattpad books section.

Pero pagka-punta ko doon ay nakita ko ang taong matagal ko ng nagugustuhan and it was Kael and he's with...kylie, si kylie ang isa sa mga popular sa school na isang model, pinagpala sa mahabang buhok, matangos na ilong, morena, laging nakakatanggap ng trophies, medals at laging nakakatanggap ng compliments at isa pa, complete family din siya.

Hindi kagaya ko na isang nerd, laging nabu-bully sa school, chinita, mahaba din ang buhok, mahilig magsuot ng jacket at ng salamin pero kahit makatanggap ako ng medals hindi pa rin nagiging proud sa'kin si dad, buti na lang at nandyan lagi si kuya sean at si mommy.

Nakaka-inggit si Kylie...sana ako na lang siya, agad akong nag-punas ng luha at naghanap na lang ng libro, “Bugambilya? new released ata 'to ah” binasa ko ang description nung libro.

...

Meet Gabriela montes, maganda, matalino, mahaba ang buhok at kilala bilang author sa Wattpad pero sa school nila ay hindi alam na isa siyang manunulat.

She did everything to make her schoolmates believe her but everyone thinks that she's crazy or just a delusional, kaya marami ang nag-bash sa kanya, pati ang kanyang nagugustuhan ay umiwas na rin sa kanya nang dahil sa nangyari.

Pero ang hindi nila alam may sakit pala si gabriela na matagal na niyang itinatago, makakatagal kaya siya sa sakit niya?

...

Dapat oo! tatagal si gabby!

“Tagal mo namang pumili ng libro” gulat akong napalingon sa likod ko and it's kuya gab.

“K-kanina ka pa diyan kuya gab?” imbis na sagutin ako ay ngumisi lang ito sa'kin.

“May saltik ka ba sa utak?” pagkasabi ko nun ay nagpigil naman siya agad ng tawa.

Kahit kailan talaga.

Tinignan ko ang price ng libro, grabe nakakahilo ah, 750 pesos:)

Napalingon ako sa pwesto nila kael na ngayon ay nakangiting kausap si kylie, kailan mo ba ko papansinin kael? pag patay na ko?

Agad akong napahawak sa dibdib ko dahil bigla iyong sumikip, aamin na kaya ako kay kael ngayon? baka ma-reject lang ako.

“Okay ka lang ba little penguin? kanina ka pa nakatunganga kay kael oh tsk tsk tsk” inirapan ko naman siya at saka nagbayad na sa counter, ayoko pang lumabas ng library dahil gusto kong kausapin si kael.

“Tsk! I told you estella wala ka ngang pag-asa doon!” I slapped myself at tangkang lalabas ng library nang bigla akong tawagin ng kaibigan ni kuya na mahilig akong pikunin.

“Sabi ko sabay na tayong umuwi aishh” at nanguna siya sa'kin sa paglabas sa library, kagaling.

The day before us (On going)Where stories live. Discover now