HABANG naglalakad kami ay ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko, “Are you okay este? kanina ka pa tahimik ah” napalingon ako sa kanya dahil sa gulat, did he just call my nickname? hindi na ata little penguin ah.Sa tuwing magkikita kasi kami lagi niya kong tinatawag na little penguin, pero bakit este na ngayon?
“Did you just---” bigla siyang sumagot.
“I'm asking you Estella” seryoso ang itsura niya ngayon kaya napalunok naman ako at saka umiwas ng tingin.
“O-okay lang ako kuya” sagot ko dito pero parang 'di siya satisfied sa sagot ko.
“O-oo nga!”
“You sure?” tanong niya at saka ako tinaasan ng isang kilay, tumango naman ako bilang sagot.
“Sure ka ah” nginitian ko lang siya at saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
**
Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong nakita si kuya na hindi mapakali at parang ang daming iniisip, “Kuya?” nang marinig niya ko ay bigla siyang tumingin sa'kin at agaran akong nilapitan.
“Estella,” agad akong sinalubong ng yakap ni kuya, anyare dito?
“Okay ka lang ba kuya?” tanong ko dito, bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at saka ako tiningnan na parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero natatakot siyang malaman ko yun.
“Estella...s-si dad kasi---” naputol ang sasabihin niya nang makarinig kami ng tawa ng babae, agad na umagaw sa atensyon ko ang babaeng kasama ni daddy na pababa na ngayon sa hagdan.
Teka kaano-ano siya ni daddy? bakit ang sweet nila?
“Dad?” napatigil ang dalawa nang makita nila akong papalapit sa kanila, nakita ko naman na agad na binitawan nung babae yung kamay ni daddy.
“E-estella n-nakauwi ka na pala” pilit na ngumiti si dad, “Sino siya dad?” tanong ko kay dad pero ngayon ay hindi na siya makatingin sa'kin.
Is he cheating on mom?
“And where's mom, dad? niloloko mo ba si mommy, dad?!” agad na lumapit sa'kin si dad.
“H-hey estella, anak hindi ko niloloko ang mommy mo okay? 'di ba sean?” napalingon ako kay kuya na parang nag-aalangan na sumagot.
“He's right dear, hindi niya niloloko ang mom mo, your dad and i are just friends” ngumiti ako ng mapait at saka lumayo kay dad.
“Friends huh?” lumingon ako kay kuya.
“Kuya tell me the truth, magkaibigan lang ba talaga sila ni dad?” ang tingin pa lang sa'kin ni kuya ay mukhang alam ko na ang sagot.
Lumingon ulit ako kay dad, I know you're cheating, dad.
“Okay dad magkaibigan pala kayo” agad na napahinga ng maluwag si dad pati na ang kabit niya.
“Magpapahinga po muna ako dad, kuya and...” tinignan ko yung babae from head to toe.
“Grace, my name is grace hija” ngumiti naman ako ng peke.
“And tita grace, it's nice to meet you po” saad ko dito habang nakangiti ng peke at pagkatapos nun ay umakyat na ko sa hagdan at saka umirap.
Kailan pa dad? kailan mo pa niloloko si mommy?
Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong binuksan ang IG ko at agad na bumungad sa'kin yung post ni Kael na picture nila ni kylie, well he looks so happy with kylie.
Bagay talaga sila.
Agad akong nag-punas ng luha nang maramdaman kong tumulo ito, naalala ko tuloy nung last month na binigyan ko siya ng isang box na puno ng mamahaling chocolates tapos sasabihin niya na galing yun kay kylie, nakaka-inis talaga.
But Kylie is my...bestfriend before pero nasira ang friendship namin nang dahil kay Kael.
[Flashback]
“Kylie naman! alam mong gusto ko yung kaibigan ni kuya sean eh, pero bakit ngayon---”
“'Cause i'm pretty estella, mas maganda pa ko sa'yo, ikaw? you're nerd, you're ugly and you're useless. Tanga na lang ang magkakagusto sa'yo” at tumawa siya ng nakaka-asar.
Ang mga salita niyang iyon ay parang mga karayom na tumusok sa'kin, “K-kylie... a-akala ko ba m-magkaibigan tayo?” unti-unting tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
“Magkaibigan? hello? gumising ka nga estella, i'm just using you para mapataas ang grades ko noong highschool tayo at para maging famous but look at me now, I am more pretty than you...nerd” napatulala ako, so kuya sean is right...kylie is just using me for high grades and to be famous in this school.
[End of flashback]
Pinunasan ko ulit ang luha ko nang maalala ko yun, after that day at after ipakalat ni kylie na may gusto ako kay kael ay marami na ang nang-bully sa'kin. Minsan pa nga'y binubuhusan ako ng mabahong putik o 'di naman kaya'y binubuhusan ako ng mapanghi na ihi at minsa'y harina.
Buti na lang at nandyan lagi ang mga kaklase ko pati na sila mom, at kuya sean at ang mga kaibigan ko dahil kung wala sila baka kinitil ko na ang sarili kong buhay.
F*ck i really hate myself.
Agad akong nag-punas ng luha nang biglang may kumatok sa pintuan, “Estella? are you okay bunso? can we talk?” boses iyon ni kuya.
“S-sure kuya” agad namang bumukas ang pintuan at nakita ko si kuya na nag-aalala ang itsura.
“Are you crying bunso? about ba 'to sa kanina?” lumapit sa'kin si kuya at saka ako niyakap, ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni kuya.
“K-kuya kailan pa? k-kailan pa niloloko ni dad si mom? and where's mom now? bakit wala siya....” mas lalo akong umiyak dahil sa sunod-sunod na sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Shhh tahan na bunso, nandito lang si kuya okay? tahan na” niyakap ko din si kuya, the best talaga sila ni mommy.
“Nasa work pa si mommy ngayon, that's why wala pa siya dito and...” nilingon ko si kuya.
“A-and?”
“Last week ko lang nalaman na nagloloko na pala si dad kay mom pero hindi yun nahahalata ni mommy” huminga ng malalim si kuya.
“B-bakit nagloloko si dad kay mom, kuya? h-hindi na ba siya contented kay mom?” niyakap ulit ako ni kuya.
“Maybe estella, but don't worry sasabihin ko yun kay mom but not now 'cause she has a...” nilingon ko ulit si kuya.
Bigla naman akong kinabahan, “A-ano kuya? a-anong meron kay mommy?” nakita kong biglang tumulo ang luha ni kuya.
“K-kuya a-anong...” hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon.
“Estella... m-may cancer si mommy” napatulala ako nang dahil sa sagot ni kuya, p-paanong...n-no i-it can't be.
Tuluyan ng umiyak si kuya, “Nag-aalangan akong sabihin sa'yo k-kasi baka lalo kang mag-alala kay mommy” umiiyak na saad ni kuya.
Agad ko namang yinakap si kuya, “K-kuya...t-tahan na” pinunasan ko ang luha ko at saka huminga ng malalim.
Gagaling din si mom, self d-don't worry.
YOU ARE READING
The day before us (On going)
RomanceMeet Estella buenaflor, a first year college student who's inlove with her brother's bestfriend named Kael but the thing is kael never notice her; naghabol at umasa ang dalagang si Estella, magagawa kaya siyang ibigin pabalik ni kael o maghahanap na...