Chapter 1

96 10 2
                                    

"Kamusta na? nakakamiss naman ang iba nating kaibigan." ani Sabrina

"Siguro nga'y na busy na,  alam niyo na college life. . . lalo na itong si Ophelia, madalas nalang sumasama saatin." ani Marley sabay turo saakin.

Silang tatlo nalang ang madalas na nakikita ko mula nang grumaduate kaming magkakaibigan sa senior high, ang dalawang ito ay maiingay sila lang ang mag ex na hindi nakakaramdam ng akwardness sa tuwing magkasama.

"Ang hirap kasi ng kurso ko, guys." maiksi kong sabi, "Mabuti nga at nagkaroon ako ng vacant time ngayon at nasamahan ko kayo. . ." pahabol ko pa

"Eh, si RK? Kamusta? nag-uusap pa ba kayo?" may tunog pang-aasar na tanong ni Marley.

Si RK or Regan Kerry ay 8 months ex boyfriend ko, naghiwalay kami dahil sa mababaw na dahilan kung saan pinag bintangan niyan may relasyon kami ni Jack isa sa mga kaibigan namin, lima kaming magkakaibigan ngunit ngayon ay apat nalang matapos humiwalay si RK.

Huwag kasing jowain ang kaibigan!

"Aba malay ko! bakit saakin ninyo itinatanong?" malakas kong tanong.

"Bakit ka nagaalit? affected ka pa rin, eh 'no?" pang-aasar ni Sabrina.

"Hindi 'no, hindi ko naman kailangang magpaapekto sa lalaking hindi marunong makinig ng paliwanag." umirap pa ako sakanila sabay muling simsim sa kape.

"Sus, parang noong kailan lang na nag-inuman tayo nina Jack ay bukambibig mo pa rin si RK, aminin mo may gusto ka parin kay RK. . . at isa pa, porket mag ex ay hindi na puwedeng magkausap ulit? hindi ba't ang immature non, 'no, Sab?" si Marley.

"Oo, gaya mo ako sainyo ni Sab, Mar. . . isa pa ika nga ni mem vice ganda, hindi na kayo puwedeng maging magkaibigan ng ex mo dahil ang kaibigan ay natatakbuhan sa oras ng pangangailangan, ngunit ang ex ay tinakbuhan ka dahil hindi ka na kailangan!" bumelat ako sa dalawa, sabay naman silang nagkatitigan nito.

"Ewan ko sayo, Lia! napaka ampalaya mo talaga kaya dapat talagang hindi ka nanunuod ng It's showtime eh," ani Sab.

"Ano kaya kung magkaroon tayo ng reunion?"

Halos mabilaukan ako nang marinig ang sinabi ni Marley, bakit naisip niya nanaman 'yon? Ito talagang dalawang 'to ay parang bata pa rin, walang iniisip at akala ay puro laro.

"Maganda nga 'yan, namiss ko na rin kasing painitin ang ulo ng cold na si RK." sulsol naman ni Sabrina.

"Jusko, kailangan niyo na talagang magpatingin, may mali na sa utak ninyong dalawa." seryoso kong sabi.

"Bakit ayaw mo? we were friend, huh, ayaw mo bang mabuo muli tayong lima?" tinaasan ako ng kilay ni Sabrina.

"2023 na, Sab, iba-iba na ang ikot o takbo ng isip ng bawat isa, kung kayo ay hindi pa nakaalis sa pag-iisip ng pang junior highschool, pwes panigurado akong matured na ang dalawang 'yon! at isa pa, baka magkaroon lang. ng gulo kung sakaling magkita-kita ulit tayo, hindi na katulad ng dati, sana naiintindihan niyo 'yon." paliwanag ko sakanila.

"Send!" malakas na sabi ni Marley, napatingin kaming parehas ni Sabrina sakaniya na kasalukuyang nakatingin sa hawak niyang cellphone.

"Anong ginawa mo, Mar?!" kinakabahan kong tanong.

"I made a gc for us, added na rin sina Jack and RK pati ikaw, and I already sent a message about to our reunion." nakangiti pa nitong sabi.

Napasapo nalang ako sa noo habang pinapakinggan ang dalawa na excited na excited pa, binuksan ko ang cellphone ko para makita ang ginawa ngang Gc ni Marley.

Inabot na nga kami ng hapon dahil sa nag mall pa kami, parang hindi talaga tumanda ang pag-iisip ng dalawa, nakakatuwa lang dahil hindi sila nagbago ngunit nakakainis lang dahil ang kulit nila sobra.

Eidolon (The Sacred Ritual #1- Under collaboration.)Where stories live. Discover now