Chapter 2

34 9 2
                                    

"Sigurado ka ba? tigil-tigilan mo na kasi ang pagbabasa ng mga nakakatkot ayan kung ano-ano na talaga ang nakikita mo!" sermon saakin ni mama, hinihingal pa rin ako ngayon at hindi kumakalma, nanginginig.

"Hindi ho ako nagsisinungaling, Ma! at wala ring dahilan para biruin ko kayo patungkol sa ganitong senaryo, Ma, malinaw ang mata ko. . . ikaw ang nakita ko mula sa pagkaliwa mo sa pasilyo hanggang sa pagtalikod mo sa dinning area at maging paghagulhol mo! ikaw yun, Ma. . . ikaw lahat!" mas lalo akong nanginig dahil naalala ko nanaman.

"Alas tres ng madaling araw hindi ba't parang kalokohan naman kung kakatok pa ako sa kwarto mo? kung kakain pa ako at iiyak sa sala? isa pa, nagising lang ako dahil hinihila ni Maxie ang kumot ko at narinig ko ang malakas na pagkalabog na nanggagaling sa kusina."

Mas lalo akong kinabahan, bumilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya, si Maxie ba kamo? si Maxie ang humihila sa laylayan ng pajama ko at ang umiiyak, paano't nangyari ang sinasabi ni mama?

"Ma, si Maxie ay kasama ko ho sa kusina!" pinipigilan kong huwag tumaas ang boses pero nangingibabaw na ang takot saakin.

"Hay ikaw na bata ka, hayaan mo na mag aalas singko na rin, bumalik ka na sa pagtulog at mamaya ay ililigpit ko muna ang mga libro mo, hindi na 'yan maganda. . ." utos saakin ni mama.

Hindi ko na siya pinansin at tuluyan na akong iniwan sa kusina, nanginginig pa rin ako at natatakot, halos mapatalon ang puso ko nang makita ko pagtingala ko si Maxie, nasa kisame!

Napaatras ako dahil sa gulat at halos hindi na ako makagalaw, maya-maya ay bumaba rin si Maxie at ikinuskos ang balahibo saaking paa gaya ng palagi niyang ginagawa, kumalma ako dahil sigurado akong ito ang pusa ko.

Kinalimutan ko na ang nangyari, iniwan ko ang nakakakilabot na karanasan ko sa kusina bago tuluyang bumalik sa kwarto ko, bubuksan ko na sana ang kwarto nang muling napatili ako. . . si Maxie! si Maxie ay nakahiga sa kama ko, natutulog nakabaluktot.

"Lia, Lia, gumising ka nga!"

Napabalikwas ako nang marinig ko si mama, dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at umaga na pala. . . nakaupo si mama sa tapat ko at hawak hawak ang magkabilaang balikat ko.

"Tignan mo! pinapapawisan kana, kanina ka pa iyak nang iyak binabangungot ka ata."

"Panag-inip lang ang lahat?!" bulong ko sa sarili ko, ramdam ko na mmalamig ang pawis na tumutulo sa noo ko

"Oo, sigurado akong binangungot ka! bawas-bawasan mo na nga ang kakabasa ng mga nakakatakot, bigla bigla ka nalang umiiyak at sumisigaw baka mamaya ay masaniban ka na riyan." sermon saakin ni mama.

Napangisi ako dahil sa sinabi ni mama, "Ang sanib ay isa sa hindi naman sobrang nakakatakot, Ma. . . alam ko kung paano malulutas 'yan." mayabang kong sabi, dahil totoo alam ko ang mga ritwal sa sanib.

Para akong binunutan ng tinik nang matanaw ang araw, panag-inip lang pala ang lahat siguro'y nakalimutan kong magdasal kagabi, pero grabeng panag-inip 'yon, huh! mas nakakatakot pa sa mga nababasa ko.

"Lia! Lia! tulala ka nanaman." napabalik ako sa katinuan nang pitikin ni Marley ang noo ko.

"Aray ko naman," reklamo ko rito at hinimas himas ang noo dahil medyo masakit nga ito.

"Bakit ka ba tulala? sobrang hirap na ba sa course mo? sabi ko sa'yo dapat nag educ ka nalang mas pinili mo pang mag nurse." ani Sabrina.

"Mas gugustuhin ko pang manaksak ng karayom kaysa mambato ng eraser!" ani ko naman dito pabalik.

Naikwento ko sakanila ang tungkol sa panag-inip ko, kita ko na pati sila ay natakot at kinilabutan.

"May tawag diyan, eh, ano nga 'yon? double hanger?" kuryosong tanong ni Marley.

"Tanga, anong double hanger?!" gatong ni Sabrina

"Double hanger, ayun ang mayroong komokopya sa hitsura, boses o kilos ng isang tao lalo na't kapag kakilala mo." paliwanag niya pa, napa face palm nalang ako sa isip isip ko.

"Ewan ko sa'yo, Mar. . ." mahina kong sabi.

"Hindi ba't para lang 'yan sa mga tao? paano ang kay Maxie? sa pusa ni Ophelia?" tanong ni Sabrina.

"Aba malay ko! bakit hindi mo kay Lia itanong 'yan, eh, siya itong maraming alam sa iba't ibang nakakatakot na nilalang halos lahat nga ata ng uri ng multo sa mundo ay alam niya na," ani Marley.

Natigilan ako at napaisip, akala ko nga'y alam ko na pero bakit parang hindi ito pamilyar? baka ang alam ko lang ay ang modern ghost o hindi kaya matagal ng mga multo pero hindi ko alam ang mga mas matagal na, ancient ghost?

Napasapo nalang ako sa noo wala rin ang focus ko sa pinag-aaralan namin, bigla bigla nalang talagang tumataas ang balahibo ko na para bang may biglaang dadaang hangin sa harap ko.

"Ophelia Mendez, stand up!" sigaw ng prof ko.

Nagulat ako dahil baka kung ano ang itanong saakin, wala akong alam dahil hindi ako nakikinig.

"B-bakit, Prof?" tanong ko nang makatayo ako.

"Baka nakarating ka na sa himpapawid dahil kanina ka pa lutang," aniya at nagsitawanan ang mga kaklase ko, "Oh, sige. . . ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang all saints day? hindi ba't sabi ng iba para itong kawalan ng respeto dahil ipinagdiriwang nila ang mga spirito o kaluluwa na hindi na nabubuhay?" tanong nito.

Nagtataka ako, nursing student ako pero paano nasama rito ang mga multo. Oo, hindi ako nakikinig buti nalang may malaking tulong saakin ang pagbabasa ko.

"Sa tingin ko ho ay ipinagdiriwang nila ang araw ng mga patay o mga kaluluwa hindi para magsaya. Ginagawa po ito bilang pag-alala sa mga yumaong mahal nila sa buhay, sa mga tao na dating may katawang lupa pa pero ngayon ay pagala-gala nila, ayun po siguro ang pinakalayunin ng undas na maalala ang mga yumao nilang mahal sa buhay kaya nakasanayan na nila itong gawin." paliwanag ko, nabuksan ang interes ko dahil doon.

Magmula ng gabing 'yon ay hindi ko na napagkakatiwalaan ang nakikita ko, ilang beses kong sinampal sampal ang sarili ko sa cr ng school dahil hindi ko makumbinsi ito na panag-inip lang 'yon, at ang panaginip na naaalala mo ay hindi mangyayari sa totoong buhay, at isa pa! hinding- hindi naman talaga mangyayari 'yon.

Mabilis akong nag hilamos upang mahimasmasn hinayaan kolang na salupin ng palad ko ang malakas na tulo ng gripo, binasa ko ang buong mukha ko lalo na ang mata ko nang aakma akong tumingin sa salamin ay mabilis akong napaupo nang makitang mayroong puting babae na sumilip sa likod ko.

Eidolon (The Sacred Ritual #1- Under collaboration.)Where stories live. Discover now