Chapter 3

24 7 0
                                    

"Guys, naniniwala ba kayo sa multo?" tanong ni Sabrina habang nagkakape kami rito sa may bahay.

"Huh? kung ako ang tatanungin ay hindi, parang panakot nalang kasi saatin 'yan ng mga magulang natin noon lalo na kapag hindi tayo matutulog." ngisi naman ni Marley, "Eh, kung si Lia tatanungin mo malamang oo ang sagot niyan!" dugtong pa nito

"Nananahimik ako rito, huh. . ." sabi ko nang marinig ko ang pangalan ko, "Pero kung ako rin ang tatanungin ay depende ang magiging sagot ko." ani ko habang nag hahighlights pa rin sa binabasa kong libro.

"Paanong depende?" tanong ni Sab.

Nilingon ko sila at sinarado ang libro, "Lagpas na sa limampu ang nabasa kong libro ng mga multo, unseen creatures, at mga kung ano-ano pa at ang iba pa nga ay napatunayan pa." sabi ko.

"Oh, akala ko ba depende, eh halata naman ang sagot na oo, na naniniwala ka andami mo pa talagang ebas," ani Sab.

"Hindi, depende pa rin kung ako mismo ang makakakita." sabi ko nang bigla akong matulala, naagaw ng mata ko angh kalsada na nasa labas.

May nakita ako isang matandang babae na balot na balot ng kulay itim, magulo ang buhok at mahaba ang damit na may puting nakatalukbong sa ulo. Kita ko rin ang pagkakuba ng likod nito kaya nasabi kong matanda ito.

"Tulala ka nanaman!" winagayway ni Marley ang kaniyang kamay sa harapan ko.

Napakurap ako at nawala na ang babaeng natatanaw ko, napangisi nalang ako. Kulang pa 'yon, hindi pa rin sapat yun para maniwala ako sa multo.

"Hindi ba't ang sabi mo no'ng nakaraan ay nakita mo si Tita sa sala ninyo na umiiyak pero hindi raw siya ito? kahapon naman ay sa banyo at nahagip pa mismo ng mata mo ang babae sa salamin, hindi ka pa rin naniniwala?" si Sab.

"Kulang pa, naniniwala kasi ako na kaya tayong linalangin ng sarili nating mga mata." napangisi nalang ako at muling binuksan ang libro.

Magmula ang mga araw na may nararamdaman na akong kakaiba ay mas dumalas na rin ang pagbabasa ko ng libro.

"Ano bang klaseng spirito o multo ang nakikita ko, ang gulo." mabilis kong nililipat-lipat ang page ng makapal na libro kung saan naroon ang lahat ng klase ng sikat na multo sa buong mundo.

Frustrate na frustrate na ako, akala ko lahat ay masusulosyonan ko dahil sa kaalaman ko patungkol dito. Hindi naman ata mananakit? pero bakit ganito nalang ako kung gambalain ng utak ko, gusto ko ng kasagutan.

*Tok Tok Tok.*

Mabilis akong napatingala nang marinig nanaman ang katok sa pintuan ko, huminto ang kamay ko sa isang page ngunit napansin kong punit ang page nito.

Kinakabahan naman ako at tumitindig ang balahibo, nag simulang humangin ng malakas kaya naman hinahangin ang kurtina ko sa babasagin kong bintana.

Hindi ko alam kung ano ang una kong pupuntahan ang katok ba o ang bintana ko na halos mahulog na dahil sa lakas ng hangin.

Natatakot ako na baka pag bukas ko ng pinto ay makita ko ang mga nakita ko nitong mga nakaraan, at natatakot din akong pumunta sa bintana dahil baka may bago nanaman akong makita.

"O mi Iesu, dimitte nobis debita nostra, salva nos ab igne inferni, perduc in caelum omnes animas, praesertim eas, quae misericordiae tuae maxime indigent." malakas kong dasal, ngunit kasabay ng malakas at nangangatal kong boses ay lumalakas din ang pagkatok sa pinto at pagwawala ng kurtina at bintana ko.

Maya-maya ay kumalma ang kapaligiran, wala ng kumakatok at hindi na malakas ang hangin, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa tainga ko, tumahimik ang kapaligiran.

Nagulat ako nang biglang may tumawag, I saw my phone ranging at ang gc namin ito pero ang tumatawag ay si Regan, mabilis ko itong sinagot.

"Kamusta ka, Lia?" balisa ang boses nito

"B-bakit k-ka napatawag, a-alas tres na ng madaling araw may kailangan ka pa ba?" nangangatal at nanginginig pa rin ako.

"N-napanag-inipan kita, t-teka bakit ganiyan ang hitsura mo? m-may nangyari ba? umiiyak ka ba?" kita ko ang pag-aalala sa mukha nito mula sa screen ng cellphone ko, halata ngang bagong gising palang ito.

"W-wala naman-"

"Lia, mag dasal ka!" natigilan ako nang malakas itong sumigaw at nakatitig saakin, kita ko ang lalong pagkabalisa sa hitsura niya.

"Ano? bakit?" mas lalo akong natakot dahil sa kinikilos niya.

"Mag dasal ka ng kahit anong dasal, dalian mo!" sunod-sunod niyang sigaw, nakita ko rin tong pumikit at may kung ano-anong binubulong.

"Coniuro omnes sanctos, salva me de creatura que hic est." nakapikit pa rin ako at inuulit ulit ko ang dasal na ito, isa sa dasal na madaling kabisaduhin.

Umiiyak na ako at nanginginig na hindi ako makaalis sa posisyon ko, ramdam ko ang pagbigat ng balikat ko at para bang may kung anong magulo ang bumubulong sa tainga ko.

"Lia, magkita tayo bukas." napadilat ako nang biglang magsalita si Regan, natatakot pa rin ang hitsura nito.

"Regan, s-sa likod mo!" namilog ang mata ko dahil nakita ko sa likod niya na may nakatayong babae, nakaitim pero nahaharangan ng buhok nito ang buong mukha maliban sa labi, nakangiti. . . nakangiti siya, nakangiti ang babaeng nakita ko sa salamin.

Hindi lumingon si Regan at muling pumikit ito hanggang sa kumurap ako at nawala na ang lahat.

"M-matulog ka na, Lia. . . h-huwag mong patayin ang tawag, h-hayaan mong makita kitang natutulog, magdasal ka muna, Lia." ani Regan

Sinunod ko siya, bumuntong hininga ako nakatagilid akong humiga dahil baka kung ano ang makita ko sa kisame, sinadya ko na iharang ang buong cellphone sa mata ko dahil baka kung ano nanaman ang maita ko sa bawat sulok o ding-ding ng kwarto ko.

Eidolon (The Sacred Ritual #1- Under collaboration.)Where stories live. Discover now