Gabi na nang makarating kami sa Las Casas, kakaunti lang ang tao dahil siguro weekdays kaming pumunta rito.
"Good evening, ma'am and sir, welcome to de Las Casas Filipinas De Acuzar, the Philippines first heritage hotel beach-resort and 2021's Best Historic Hotel in Asia Pacific. Enjoy your vacation, Ma'am and Sir." bungad na sabi ng guard saamin nang pag buksan kami ng pinto.
Aminadong na starstruck ko sa ganda ng Las Casas, mukhang dati pa ang mga disenyo at mga gamit ngunit mararamdaman mo talaga ang pagiging moderno.
Nginitian lang namin ang guard at pumunta na sa lane upang mag ask about sa pag book namin. Hinatid naman kami kaagad sa kwarto, dalawang kwarto lang ang inoccupied namin kahit gusto nila ay isa-isa, hindi ko alam dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal ang pag dududa ko sa nasabing lugar.
Pero kung wala akong takot na nararamdaman, masasabi kong isa ito sa pinakamagandang hotel na napag bakasyonan ko.
Dalawa kami ni Sabrina sa isang kwarto na may 2 double bed, sa kabila naman ay sina Jack, RK, at Marley na may tatlo namang double bed, mas malaki ang sakanila kumpara saamin ni Sabrina.
Matapos naming mag dinner nang sabay-sabay ay napag desisyonan na naming mag pahinga.
"Ayos ka lang ba talaga, Lia? kanina ka pa namumutla." pag puna saakin ni Jack.
Tumango naman ako bago uminom ng tubig, "Ah, oo. . ." alanganin kong sagot, nababagabag pa rin ako.
"Enjoy this week, Lia! stop thinking about those funniest ghost." si Sabrina, tumango lang ako dahil tama naman siya. Pumunta kami rito para mag-enjoy at isa pa para matahimik ang isip ko sa mga nararamdaman ko ssa bahay.
Nag pasya na kaming bumalik sa kaniya-kaniya naming kwarto, pag bukas ko ng pinto ay laking gulat ko at napadikit ako sa pader nang makita ko si Sabrina na nakahiga, nakatitig saakin wirdo ang ngiti habang inaayos ang buhok.
P-paano?
Natagalan ang pag tititigan namin gusto kong magsalita pero para bang tinahi ang bibig ko, kumakalabog ang dibdib ko at gusto kong tumakbo palayo pero parang naka glue ang paa ko sa sahig.
Halos mahimatay ako nang makita kong pasimangot nang pasimangot si Sabrina, tumayo ito at ang kaninang nakangiting mukha ay napalitan ng galit, palapit na siya nang palapit saakin pero pakiramdam ko ay nakapako na ang mga paa ko.
Napapikit nalang ako at pinilit kong sumigaw nang malakas.
"Lia, Lia!" mabilis akong napadilat nang matagpuan si Sabrina na yinuyugyog ako, hawak hawak niya ang balikat ko. May naka pulupot na towel sa ulo nito at para bang kakatapos niya lang maligo.
"S-Sabrina. . ." nangangatal kong tawag sakaniya.
"Anong nangyayari sa'yo? mabilis tuloy akong napalabas sa CR dahil narinig ko ang sigaw mo." ani ng babae, "Ayos ka lang ba?" tanong nito.
"K-kanina ka pa sa CR?" tanong ko at nanlalaki pa rin ang mata, sinusuyod siya ng tingin. At halos maubusan ako ng hininga nang makita kong may taong nakaupo sa likod ni Sabrina, sa kama niya, ang babeng nakita ko kanina, si Sabrina. . . nakatitig, nakangiti, itim na itim ang mata.
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa, natatakot ako pero di pa rin maalis ang tingin ko sa babae ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay itaas ang daliri ko at ituro ang nasa likod ni Sabrina.
"Lia ano ba?!" naiinis na sigaw ni Sabrina habang hawak-hawak pa rin ito, napalingon ito sa likuran at ibinalik din ang tingin saakin pero halos magwala ako nang makita kong nang dilim ang mata ni Sabrina sa harapan ko.
"Lia, Lia, Lia!"
Hinihingal ako, natatakot at nanginginig.
"Relax lang, Lia. . ." ngayon ay nararamdaman ko na ang diwa ko, pinapalibutan ako nina RK pero nakatuon pa rin ang paningin ko sa isang banda.
"Ano bang nangyari, Sab?" naririnig kong tanongh ni Marley.
"H-hindi a-alam. . . natatakot na rin ako, b-bigla nalang siyang umiiyak, sumisigaw at nanginginig at may kung ano-anong tinuturo." naririnig ko ang pag biak ng boses ni Sabrina.
"I think much better if mag sasama-sama nalang tayo sa isang room." suhestiyon ni RK.
"Saan? balita ko ay naka reserved na ang ibang rooms dito." ani Jack
Nakita kong tumayo si Regan at may tinawagan, pinipilit pa rin nila akong pakalmahin. Kalmado na ang isip ko at napaprocess ko na ang lahat pero ayaw makicooperate ng aking katawan.
"Guys, meron pa good for 5-6 persons, room 17." balita ni Regan.
"5 lang tayo, RK." ani Sabrina.
Naalala ko nanaman tuloy ang sinabi ng matandang babae no'ng nasa byahe kami na may kasama raw kami, anim?
"Walang saktong limang kama roon, Sab, ayos na 'yon." ani Sab, "Papalipat tayo mamaya-maya, hintayin nalang natin ang staff. Lilinisin pa raw ang kwarto dahil last month pa nang huling ginamit yun." ani RK.
"Hindi kaya't may atraso talaga ako?" bigla kong tanong na kinaagaw ko ng atensyon nila, mararamdaman ko na nasaakin ang mata ng lima. Alam kong anim kami ngayon.
"M-may nagawa ata ako. . . h-hindi ako nagsisinungaling, lahat nang nakikita at mga sinasabi ko sainyo ay totoo. Ayaw nila ako tantanan, ayaw niya akong tantanan." sigaw ko na nag mistulang batang nagwawala nanaman.
Iyak na ako nang iyak at patuloy pa rin nila akong pinapakalma, hanggang sa napatingin kami sa isang staff na nag bukas ng pinto.
"Goodevening po, Ma'am and Sir." ani nito, nakita rin namin ang pagpalit niya ng emosyon at nang matulala sa kinalalagyan namin.
"Umalis ka rito! hindi ka nila kasama, umalis ka." sigaw ng matandang babae habang may hawak hawak na mga kumot.
Nagtataka ang lahat at natigilan, "Kayo! may sumama sainyo, may sumama sainyong hindi imbitado." seryosong sabi ng matanda. "Umalis ka! hindi nila gustong makasama ka, ayaw nila sayo, alis." sigaw ng matandang babae.
"A-ano pong nangyayari?" tanong ni Marley na nanginginig na rin ang boses.
"Wala na, lumabas na siya. . . p-pwede na ho kayong lumipat sa room 17." ani ng matandang babae.
Dala-dala namin ang mga gamit namin, naglalakad sa hallway ay nagkukwento ang matanda.
"Wala talagang kakaibang elemento o kaluluwa na naninirahan sa hotel na ito, may bendisyon ito at sobra rin ka sagrado. . . pero mabilis lang talagang tumanggap ng kaluluwa o hindi nakikitang nilalang ang hotel na ito dahil ito ang isa sa pinaka welcoming na hotel no'ng panahon ng mga kastila, 6 na taon na ang nakalilipas nang muling may magdala nang hindi matahimik na kaluluwa rito, nag book kasi ang magkasintahan at hindi nila alam na sumama ang babaeng multo na ex ng lalaki sakanila, kaya ilang buwan ding hindi natahimik ang multong 'yon, hanggang sa hinarap ko ang takot ko at ako na mismo ang naghatid sa babae sa simbahan, kung saan nababagay ang puting bestida na suot niya." kwento ng matanda, hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa room 17.
"Oh, siya ako na muna ang mag bubukas at iiwan ko sainyo ang susi." ani ng matanda habang binubuksan ang pinto. Nasa likuran niya kami kaharap ng pintuan.
Napatigil siya nang tuluyang nabuksan ang pinto, "Mag dasal kayo ng ama namin, inunahan niya na kayo sa kwartong ito. Hinihintay niya na lang pala kayo." mabilis na sabi ng matanda.
YOU ARE READING
Eidolon (The Sacred Ritual #1- Under collaboration.)
HorrorHow can friends get back together if none of them know the ritual? Will they just run out without getting rid of the curse that surrounds the place where they vacationed? Will someone find out or will they all die. Is this what they call, "Papatayin...