"I only ever wrote letters to the ocean, the stars.. and you" -Ariana***
IRENE's POV:Peste! Ano ba to? Bakit kasi ako nalasing! Edi sana, hindi ganito! Nakakahiya! Ginawa ko na tatay ng anak ko yung amo ko! Paano pa ako kikilos ng maayos?
'Huyyyy Irene! Saan ka kasi natulog? Bakit hindi ka umuwi? Tapos dadating ka.. kasama mo si GA! Ikaw haaaa.'
Hay Wella! Kung alam mo lang! Kung alam mo lang kung gaano kita gusto sapakin ngayon! Nalasing ako dahil sayo ehh!
"Sa kaibigan ko nga." Ayan, okay na yan? Mas marami akong sasabihin, mas mahuhuli ako ehh!
'May friend ka dito sa Makati? Huh?'
"Oo nga! Etong si Wella talaga-"'Irene.'
"Kuya Art.."
'Busy ka ba? I orient kita sa mga gagawin mo kay GA. Wag na wag ka magkakamali ha? Masungit yun. Ayaw nun ng late, ayaw ng maingay, ayaw ng makulit. Kung may tanong ka, sa akin o dyan kila Wella mo itanong, wag kay GA.'Huh? Napaka prinsipe naman pala nyan! Tsaka anong GA? Greggy yan! Si Greggy!
'Irene.. maliwanag ba?'
"Opo Kuya."Tsss! Maliwanag ba? Hinalikan nga ako nyan no!
'Ikaw mag aayos ng pagkain nya sa umaga. Sa office naman yan mag la-lunch, pero yung dinner, ikaw na ulit yun. Yung isusuot nya pag pasok, ayusin mo habang nag b-breakfast siya. Wag ka basta magta tapon ng mga kalat kalat sa kwarto nya, baka hanapin.. itanong mo muna. Naglalaro yan dyan sa polo club, sasabihin nya naman sayo kung isasama ka ba, kung hindi naman.. dito ka lang sa bahay. Wag ka rin magtatanong ng mga tungkol sa personal nya na buhay, labas tayong lahat dun. Hindi mo pwede malaman ang cellphone number nya. Kung may importante ka na tanong, idaan mo kay Myerene.'
"Sige Kuya."'Lalabas raw mamaya. Bibili si GA ng mga pang office nya, sumama ka.'
"Ako po?"
'Ikaw mag aayos ng gamit nya, hindi ba? May kasama naman na driver at dalawang security. Sasama muna rin ako para alam mo ang gagawin mo.'Patayin nyo na lang kaya ako?
***
Sa totoo lang, sa dami ng sinabi ni Kuya Art.. wala naman mahirap sa trabaho ko. Hindi mahirap at hindi rin mabigat. Nakaka ilang lang, kasi naging asawa ko muna bago ko nalaman na amo ko pala! Tapos yung bahay nila, ang laki laki! Malaki rin naman yung sa Bulacan, pero ito? Ibang klase!Dalawang sasakyan raw yung gagamitin namin. Kasama nya si Kuya Art sa isa, yung driver at isang security, tapos ako at isang security pa sa kabila. Gaano ka dami kasi bibilihin nito? Bakit dalawang sasakyan pa? Ganito kapag mayaman? Maarte!
At tsaka, grabe naman maka asta talaga! Akala mo naman hindi ako tinawag na "Baby" kagabi! Pa ikot ikot.. tapos ayaw mamansin! Edi wag!
'Irene.. aalis na.'
Mabuti pa si Kuya Art, mabait.
'Art..'
Shet! Ang gwapo ng boses talaga ng masungit na to! Hay Bailey.. ang pogi ng boses ng daddy mo. Move on, Irene! Move on! Hiwalay na kayo diba? Sumama na siya sa iba! Iniwan nya si Bailey sayo.
'GA, okay na.'
'What's your name again?'BABY! Peste to! Anung name name ka dyan! Eh misis mo nga ako kagabi!
"Irene po."
'Irene.. na brief ka na ni Art?'
"Opo."
'Good.'Hala? Ganun lang? Tapos na? Ayy masungit nga!
Wag mo akong kakausapin mamaya!***
Hay bakit ganito? Anong klase na mall to? Bakit napaka laki naman! Wag na wag talaga nila akong iiwan!! Unang una, wala akong pera at pangalawa, hindi ko alam paano umuwi sa mansion ng mga Araneta! Bakit kasi inalis pa nila ako sa Bulacan? Ang tahimik na ng buhay ko dun ahh!
YOU ARE READING
Force Majeure
RomanceHe was her boss. She was his servant. And in the stillness of the night, he married her. 09.17.23